Chapter 3: A Girl Left Behind

2214 Words
Ramdam ni Thea ang pagbabago kahit wala pang umaamin. Hindi na siya tinatawag ni Vhenno tulad ng dati. Hindi na siya hinahanap sa gitna ng ingay. At nang pumasok si Jia sa buhay nila, unti-unting naging malinaw ang lahat. Hindi siya niloko agad. Hindi siya iniwan bigla. Mas masakit 'yon unti-unti siyang binitawan. Nang mabalitaan niyang sinagot na ni Jia si Vhenno, hindi na siya umiyak sa harap ng iba. Umuwi siya. Nag-impake. At umalis patungo sa probinsiya niya. Hindi para tumakas kundi para buuin ang sarili. Hindi niya alam na ang babaeng pinag-ugatan ng sakit niya may sariling kasalanan ding dala. Sa Maynila, nagkaka-ugnay ang mga buhay. Hindi agad umalis si Thea papuntang Cebu. May mga gabi munang inubos niya sa katahimikan. Sa pagtitig sa kisame. Sa pakikinig sa katahimikan ng cellphone na hindi na nagvi-vibrate. Hanggang isang araw, narinig niya ang balitang matagal na niyang kinatatakutan. "Sinagot na raw ni Jia si Vhenno." Hindi na siya nagulat mas masakit ang kumpirmasyon kaysa hinala. Nakita niya si Vhenno minsan sa hallway magkasama sila ni Jia. Hindi magkahawak-kamay pero sapat na ang distansyang 'yon para maintindihan niya ang lahat. Hindi siya lumapit. Hindi siya umiyak. Umalis siya. Sa Cebu, sinimulan niyang buuin ang sarili bagong itsura, bagong lakas, bagong paninindigan. Hindi niya alam na ang pagbabagong iyon ang magdadala sa kanya pabalik sa buhay ng mga taong nanakit sa kanya. Hindi agad nakaalis si Thea bumalik siya sa campus at doon niya hinarap si Jia. "Matagal mo na ba siyang gusto?" tanong niya nang diretso. Nagulat si Jia. "Thea—" "Please," putol nito. "Ayoko ng paligoy-ligoy." Huminga nang malalim si Jia. "Hindi ko sinasadya." Napatawa si Thea nang mapait. "Walang sinasadya sa pagpili." Lumapit si Chie. "Thea—" "Tahimik ka," sagot niya. "Pareho kayong nag-sinungaling." Tahimik ang lahat. "Alam mo kung ano ang mas masakit?" sabi ni Thea kay Jia. "Hindi dahil kinuha mo siya kundi dahil ginamit mo kaming lahat para subukan ang sarili mo." Hindi umimik si Jia. "At ikaw," harap niya kay Vhenno na kakabalik lang. "Hindi ka rin inosente." Napayuko ang lalaki. 'Yon ang huling araw na nakita nila si Thea bago siya umalis ng university. Hindi pa umaalis si Thea papuntang Cebu. May mga gamit na siyang naka-empake, pero hindi pa handa ang puso. Nagkita sila ni Vhenno isang hapon sa plaza—ang lugar na puno ng alaala. "Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko," amin ni Vhenno. "Hindi rin ako humihingi ng patawad, hindi pa." Umupo si Thea sa bench. "Hindi ko rin alam kung galit pa ako sa ginawa mo." Tahimik silang dalawa. "Hindi kita iiwan ngayon," dagdag ni Vhenno. "Pero hindi rin ako makakapangako." Tumango si Thea. "Okay lang," sabi niya kahit hindi. Wala pang hiwalayan. Wala pang paalam. Pero pareho nilang alam na ang pagkapit ay unti-unting nagiging sakit. Sa malayo, nakita ni Thea si Jia kasama si Chie at Kecha. Isang barkadang buo sa paningin. Basag naman sa loob. At doon niya naintindihan hindi lahat ng relasyon nasisira dahil sa isang tao minsan, nasisira sila dahil sa mga lihim na sabay-sabay na dinadala. Nasa apartment si Thea nang dumating si Vhenno hindi siya umupo agad. Nakatingin lang siya sa bintana madalas sila nandito kapag walang pasok sa school. "Hindi ako pumunta para makipag-away," sabi ni Vhenno. "Pero ayoko na ring mag-kunwari na okay ako." Umupo si Thea sa sofa mahigpit ang pagkaka-yakap sa unan. "Hindi rin naman ako okay," sagot niya. "Pero mas sanay akong magpanggap." Huminga si Vhenno. "Hindi kita iiwan ngayon," ulit niya. "Pero hindi ko rin kayang ipangako na ikaw lang ang nandito." Tukoy niya ang parte ng puso niya. Bakit hindi niya kayang bitawan si Thea kung may Jia na siya? Napangiti si Thea sa kanya napaka-bulag niya sa pag-ibig. "Mas masakit 'yan kaysa sa hiwalayan," sabi niya. "Kasi pinipili mo akong manatili kahit kalahati lang." Lumapit si Vhenno sa kanya huminto sa gitna. "Hindi kita sinasaktan on purpose." "Totoo," sagot ni Thea. "Pero nasasaktan pa rin ako." "Hindi pa ako aalis," dugtong ni Thea. "Pero gusto kong malaman mo—may limit din ako." Tumango si Vhenno at doon nagsimula ang countdown—hindi sa hiwalayan, kundi sa pagkapagod. Nakahiga si Thea sa kama, gising pa rin kahit hatinggabi na. Dumating si Vhenno tahimik, at parang takot makagambala. "Hindi ka pa rin natutulog," sabi niya. "Hindi rin ikaw," sagot ni Thea nang hindi tumitingin. Umupo si Vhenno sa gilid ng kama. "Hindi kita iniiwan," ulit niya, parang gusto niyang paniwalaan din. "Pero nalilito ako." Napaharap si Thea sa kanya. "Alam mo kung ano ang mas masakit?" tanong niya. "Yong nananatili ka pero ramdam kong may kulang." Huminga si Vhenno. "Hindi kita kayang pakawalan," amin niya. "At hindi rin kita kayang mahalin nang walang ibang iniisip." Napapikit si Thea. "Kung darating ang araw na kailangan kong umalis," sabi niya, "huwag mo akong pigilan." Tumango si Vhenno. "Hindi pa ngayon," sabi niya. "Hindi pa," ulit ni Thea. Pero pareho nilang alam ang hindi pa—hindi pang-matagalan. Nasa terrace si Thea, hawak ang tasa ng kape na malamig na. Dumating si Vhenno tahimik na umupo sa tabi niya. "Hindi ka pa rin umaalis," sabi niya. "Hindi pa," sagot ni Thea. "Hindi ko alam kung anong iiwanan ko kapag umalis ako." Tumingin si Vhenno sa kanya. "Kung umalis ka," tanong niya, "babalik ka pa ba?" Napangiti si Thea sa kanya nang malungkot, pagod. "Kung babalik ako," sagot niya, "sana malinaw na kung saan ako lulugar." Tahimik silang dalawa, magkatabi pero magkalayo. "Hindi kita hinihingan ng sagot," dugtong ni Thea. "Gusto ko lang malaman kung may dahilan pa akong manatili." Huminga si Vhenno sa kanya nakipag-titigan siya mahal niya si Vhenno pero ayaw niya manatili sa relasyon na alam niyang walang ending. "Hindi pa kita kayang pakawalan," sabi niya. "Pero hindi ko rin kayang ipangako ang sarili ko nang buo." Tumango si Thea. "Sapat na 'yon...sa ngayon." Sa gabing 'yon, inayos ni Thea ang maleta hindi para umalis, kundi para ipaalala sa sarili niya na may direksyon siyang pwedeng tahakin kapag hindi na niya kaya. Pareho silang nandoon parehong hindi nagkasundo kung sino ang naunang dumating. "Akala ko hindi ka pupunta," sabi ni Vhenno. "Akala ko rin," sagot ni Thea. Umupo sila na may distansya. "Masaya ka ba?" tanong ni Thea nang diretso. Napaisip si Vhenno. "Hindi," sagot niya. "Pero hindi ko rin masabing malungkot lang." Ngumiti si Thea. "Ganyan ka na ngayon laging nasa gitna." "Hindi ko ginusto," sagot niya. "Nangyari lang." "Tayo rin," sagot ni Thea. "Nangyari lang...tapos iniwan." Tumingin sa kanya si Vhenno. "Hindi kita iniwan," mariin niyang sabi. "Hindi ko lang alam kung paano ka ipaglaban." Tumayo si Thea. "Kapag nalaman mo na," sabi niya, "baka wala na akong hinihintay." Hindi pa rin siya umaalis. Hindi pa rin siya nagpapaalam. Tahimik ang apartment ni Thea nakapatay ang ilaw sa sala tanging desk lamp lang sa kusina ang bukas. Nakaupo siya sa sahig nakasandal sa sofa, hawak ang lumang kahon ng gamit. Isa-isang inilabas niya ang mga bagay na akala niya matagal na niyang nailibing. Isang ticket stub ng sine, isang faded na picture nilang dalawa, isang lumang panyo na minsang iniabot ni Vhenno nang umiiyak siya sa library. "Ang tanga mo," bulong niya sa sarili. "Akala mo kaya mong burahin ang dalawang taon." May kumatok hindi siya agad tumayo alam niya kung sino 'yon. "Bukas ang pinto," sigaw niya na lang niya dahil pagod na siya. Pumasok si Vhenno nakita niya basa ito nang dumating. Tumigil siya nang makita ang kalat sa sahig. "Akala ko may ginagawa ka," sabi niya. "Meron," sagot ni Thea. "Nililinis ko 'yong mga bagay na ayaw pang mawala." Umupo si Vhenno sa harap niya hindi humahawak, hindi lumalapit man lang. "Hindi ko sinasadya," sabi niya. "Hindi kita sinaktan para lang may masaktan." Napangiti si Thea paulit-ulit niya lang naririnig ito sa kanya. "Alam ko," sagot niya. "Mas masakit 'yon." Tumahimik sila. "Kung pwede lang," bulong ni Vhenno, "babalik ako sa panahong hindi pa komplikado." Tumingin si Thea sa kanya. "Hindi na kita hinihingan ng pagbabalik," sabi niya. "Gusto ko lang marinig na naging totoo ako sa'yo." Napatingin si Vhenno sa mga gamit sa sahig. "Hindi ka naging option," sagot niya. "Ikaw ang naging sukatan." Napaluha si Thea. "Pero hindi ako ang pinili." Hindi na nakasagot si Vhenno. Sa Hallway Outside the Apartment lumabas si Vhenno para huminga. Sumandal siya sa pader pinikit ang mga mata. Bakit sa maling oras ko siya minahal nang tama? Sa loob ng apartment, narinig ni Thea ang pagsara ng pinto. Hindi siya umiyak agad. Hinintay muna niyang mawala ang bigat sa dibdib pero hindi ito umalis. "Hindi pa rin," bulong niya. "Hindi pa rin sapat." Coffee Shop Mag-isa si Thea may dalang notebook hindi siya nagsusulat nagpapahinga lang ang kamay niya sa pahina. Dumating si Chie, nagulat nang makita siya doon. "Akala ko may klase ka," sabi nito. "Umalis ako," sagot ni Thea. "Kailangan kong huminga." Umupo si Chie sa tapat niya. "Okay ka lang ba?" Umiling si Thea sa kaharap niya hindi siya makapaniwala na parehas sila na hindi bibitawan ang relasyon na alam nilang toxic na talaga. "Hindi," sagot niya. "Pero natututo na akong maging okay kahit hindi." Tahimik si Chie saglit natawa siya ng bahagya. "Alam mo ba kung gaano ka katapang?" tanong niya. Napangiti si Thea. "Hindi," sagot niya. "Pero alam kong pagod na akong maging matatag para sa iba." Tumingin si Chie sa kanya nang seryoso. "Hindi ka nag-iisa," sabi niya. "Kahit hindi mo piliin ang manatili." Nagpasalamat si Thea sa ngiti nito hindi siya nag-iisa. "Hindi pa ako umaalis," sagot niya. "Pero naghahanda na akong maging handa." Lumapit sa kanila ang crew ng coffee shop at dinala ang order nila. Wala sila imik habang nakaupo wala na sila pinag-usapan. Plaza, Night — SAME PLACE, SAME BENCH Bumalik si Thea sa plaza umupo siya sa parehong bench. Ilang minuto lang dumating si Vhenno sa plaza hindi na sila nagulat nang makita nila ang isa't-isa. "Hindi ka pa rin umaalis," sabi niya ulit may relasyon sila na parang hindi na. "Hindi pa," sagot niya. "Pero mas malinaw na ngayon kung bakit masakit." Tumahimik sila. "Kapag umalis ako," tanong ni Thea, hindi tumitingin kay Vhenno, "hahanapin mo ba ako?" Huminga si Vhenno nang malalim. "Oo," sagot niya. "Pero baka huli na." Tumayo si Thea at nabaling ang tingin kay Vhenno. "Sapat na 'yon para sa akin ngayon." Hindi pa rin siya nagpaalam. Hindi pa rin siya lumayo. Pero sa unang pagkakataon, alam na niya hindi habang-buhay ang paghihintay. Tahimik ang buong apartment ni Thea nakatira sa Cebu ang magulang niya habang siya nandito sa Manila para mag-aral ng kolehiyo. Hindi 'yong tahimik na payapa kundi 'yong tahimik na parang may hinihintay na sasabog sa kanya. Nakaupo si Thea sa gilid ng kama naka-titig sa pader. Nakasabit doon ang isang maliit na mapa ng Pilipinas regalo ng isang kaibigan noon. May pulang bilog ang Cebu matagal na niyang hindi pinapansin. Hindi pa ngayon, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili. Hinawakan niya ang dibdib niya parang may pinipigilang luha na ayaw lumabas sa mata niya. "Hindi ako naiwan," bulong niya. "Pinili ko lang na manatili...kahit walang kasiguraduhan." Humiga siya nakatalukbong ng unan doon na lumabas ang mga luha niya walang hagulgol, walang ingay 'yong klase ng iyak na mas masakit dahil sanay na. Kung ako ang mahal, tanong niya sa sarili, bakit ako ang laging naghihintay? Naalala niya ang mga sandaling masaya sila ni Vhenno hindi sobrang engrande, hindi perpekto, pero totoo. Doon siya nasaktan nang higit hindi sa pagkawala kundi sa kawalan ng malinaw na paalam. "Kung aalis man ako," bulong niya sa dilim, "gusto kong buo pa rin ako." Umupo siya ulit huminga nang malalim at kinuha ang notebook. Isinulat niya ang isang linya lang: Hindi lahat ng umaalis sa isang relasyon tumatakas. Isinara niya ang notebook hindi pa desisyon—paalala lang. Dinalaw siya ng Mama niya sa apartment nang hindi niya alam kaya nang makita niya ito sa tapat ng pintuan hindi niya maiwasan malungkot bigla. Nasa si Thea nagkakape nang may kumatok sa pintuan may duplicate key si Vhenno kaya napa-isip siya kung sino ang bisita niya ang bumungad sa kanya ang kanyang ina, tahimik na naupo sa tapat niya. "May tumawag kahapon," sabi nito sa kanya hindi kaagad siya nagsalita. "Pinsan mo sa Cebu nagtatanong kung kailan ka bibisita." Napahinto si Thea sa paghalo ng kape nang may meaning ang sinabi ng Mama niya. "Bumisita lang," ulit niya. "Hindi lilipat." Ngumiti ang Mama niya at tumitig sa kanya. "Hindi ko naman sinabi na lilipat ka." Tahimik sila saglit. "Ma," tanong ni Thea, "masama bang piliin ang sarili kahit may masasaktan?" Hinawakan ng ina ang kamay niya. "Mas masama ang manatili kung unti-unti kang nawawala." Tumango si Thea nang dahan-dahan sa sinabi ng Mama niya hindi talaga marunong magtago ng sikreto. "Hindi pa ako aalis," sabi niya. "Pero gusto kong malaman kung may pupuntahan ako kapag dumating ang araw." Bumalik siya sa plaza sa hapon hindi para hintayin si Vhenno kundi para magpaalam sa sarili niyang alaala. Umupo siya sa bench, pinikit ang mata at hinayaan ang hangin. May mga lugar na hindi mo kailangang iwan, naisip niya kailangan mo lang tigilan ang pagbalik. Tumayo siya hindi siya lumingon hindi pa siya umaalis pero ang puso niya, marunong na maghanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD