A Thea POV Nagbibihis na ako para pumasok sa trabaho ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko at binasa ang natanggap na text nagtaka ako na mula sa unknown sender nanggaling ang text. Text message (unknown sender): Hihintayin kita sa office :* Thea: Sino ka? (unknown sender): Malalaman mo kapag nandun ka na Thea: ? Inayos ko ang gagamitin kong bag at pinuntahan ko ang anak sa sala namin na nanonood ng TV. "Anak, aalis na ako huwag maging pasaway kay lola ah!" bilin ko sa anak ko nang lapitan ko. "Hindi ka ba kakain dito?" puna ni mama nang lapitan kami hawak ang sandok. "Hindi na, ma busog pa ako sa kinain kong almusal kanina." sambit ko. "Nag-usap kami ng papa mo kagabi nang sabihin mo sa amin na inaalok ka niya tumira sa bahay niya," panimulang wika ni mama napatingin naman ako

