Vhenno POV Lumabas ako sa kwarto na may kakaibang saya sa pakiramdam. "Mom?" tawag ko habang pababa ako alam kong maaga ito lagi kung magising. "Dito, 'nak!" sigaw ni mommy kaya pinuntahan ko ang pinanggalingan ng boses. Lumakad na ako nakita nag-didilig si mommy sa may gilid ng mansyon. "Mom, puntahan ko lang ang mag-ina ko sa bahay ng magulang niya." bungad ko at ngumiti na lang. "Iiwan mo ako dito mag-isa? Hala, anak naman wala dito sa Pilipinas ang mga Auntie's mo ang layo naman ng Cebu." angal ni mommy sa akin. "Kausapin ko si Thea kung pwede namin dalhin dito ang apo mo para may makasama ka o pwede ko siya alukin na dito tumira, pwede ba?" aniko sa mommy ko. "'Yan ang dapat mong gawin ang dalhin mo ang mag-ina mo dito at mauuna syempre ang kasal kung balak mo siya pakasalan,"

