bc

Falling In Love

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
family
second chance
like
intro-logo
Blurb

Sabi nila, we only fall in love with three people in our life time. Ang unang pag-ibig, it’s the love na akala mo tama, na feeling mo ito na yung end game, it’s your greatest love. Then, the second is the hard love. Ito yung pag-ibig na magtuturo sa atin ng mga bagay na hindi natin nakita sa unang pag-ibig. Sometimes, it’s the unhealthy love, yung iba pumasok sa hard love just to forget the greatest. Last, the love that lasts. It’s the love that we never see coming. The love that masasabi mong pang-forever na. It’s the love that just feels right.

Maswerte si Andrea kung ang pag-uusapan ay pamilya, growing up with big brothers and loving parents, wala na siyang mahihiling sana. Pero kung usapang pag-ibig, hanggang saan niya kayang ipaglaban si Rafael?

Love. Lies. And Pain.

Rafael, lumaki mang mayaman, good looks at kung s*x appeal ang pag-uusapan, pinipilahan. Kaya ba niyang ibigay ang buong puso at pagkatao kay Andrea?

chap-preview
Free preview
Prologue
May hangganan ba ang lahat? Hanggang saan kaya kong ipaglaban ang mga bagay na sa una pa lang alam kong talo na ako? Akala natin marami tayong oras, pero ang totoo, konti lang. Kaunti lang ang panahong mayroon tayo. Masasabi mo ba ang maaaring mangyari bukas? Hindi. Exactly, so bakit kailangan pang ipagpabukas ang pwedeng gawin ngayon. Ang masakit kung tsaka pwede pa ay huli na pala. Galit ako. Gusto kong isigaw sa pagmumukha niya na, tama na. Pagod na akong intindihin siya, pagod na ang isip kong ipaglaban si Rafael, higit sa lahat parang wala ng lakas ang puso ko. Tinitigan niya ako, na para bang binabasa niya ang laman ng utak. Hindi ko malaman kung ano iniisip niya. Basta alam ko, nagsinungaling siya sa akin. Binigay ko lahat, halos wala ng natira sa sarili ko. “Bakit Rafael? Nung sinabi ng kapatid mong hindi ka makakuwi, inintindi kita. Wala akong narinig galing saýo. 'Ni kahit tumawag ka man lang at sinabing buhay ka pa. Naglaho ka, tapos ngayon kung kailan unti-unti na kitang kinakalimutan magpapakita ka! You’re selfish!” sigaw ko habang umiiyak. Ang sakit ng nararamdaman ko. Akala ko wala na akong mailuluha pa. Mula nung naglaho siya na parang bola, gabi-gabi ko siyang iniiyakan. Akala ko naubos na pero ngayong nandito siya, parang bumalik ang lahat ng sakit. Lumapit siya sa akin. Winaksi ko ang kamay nya ng gusto niya akong abutin para hawakan. Lumakad ako papunta sa pinto para buksan ito. Pero bago ko pa man naabot ang siradura ay hinawakan niya ako. Nanigas ang aking buong katawan ng bigla niya akong niyakap patalikod. “I’m sorry, Andrea. Alam mong mahal kita. Please let me explain.” Kumawala ako sa yakap niya at hinarap siya. Sinampal ko si Rafael na buong lakas. Na para bang sa pagsampal ko sa kanya ay mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. “Sorry? Mabubura ba ng sorry mo ang lahat? Remember, you left me hanging! Para na ring dinala mo ako sa bangin at ikaw mismo ang nagtulak sa akin. Mahal? Ganyan ba ang pagmamahal mo Rafael? Sinira mo ako. Hindi mo man lang ba naisip na sa ginawa mo nawala ang lahat nga paniniwala ko tungkol sa pesteng pagmamahal na sinasabi mo?!” sumisigaw ako habang pinagsusuntok ang dibdib niya. Nanglabo na ang mata ko dahil sa luha. Tumingala ako at tiningnan siya sa mata. Oo, may lungkot sa mga mata niya. Pait at pangungulila ang nakikita ko. Pero paano naman ako? Ilang taon akong nagtiis. Tinatanong ang aking sarili kung saan ako nagkulang. “Minahal kita, Andrea. At mahal parin kita. Kung maibabalik ko lang ang panahon, pipiliin kong hindi ka saktan. Pero nagawa ko na. Alam kong kulang ang sorry, pero please hayaan mo akong makasama ka. Sabihin mo ng selfish ako, but I’m begging you, please give me a chance.” “Chance? Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin hah? You will make me your mistress! How dare you! Mahal kita pero never, I will never be a mistress, Rafael!” sigaw ko sa kanya. Mas lalong tumindi ang kirot na nararamdaman ko dahil sa hinihiling niya. “Sana hindi ka na lang nagpakita eh, okay na ako, sana okay na ako, pero nandito ko, and you will make me miserable again.” “You will never be my mistress, ikaw lang ang minahal ko ng ganito. How can you be my mistress? Never kong pinakasalan si Elaine. Hindi ko ginawa yun, para sa oras na handa na akong lapitan ka, masasabi kong malaya pa ako, Andrea.” Nakita kong tumulo ang luha niya. Nagulat ako sa kanyang sinasabi. Sa pagkakaalam ko ay ikinasal sila ni Elaine kaya hindi sica sumipot sa engagement namin. Nanlambot ang tuhod ko. Lumakad ako at umupo sa paanan ng kama. “You lied again.” “Reno knows, alam niyang hindi ko pinakasalan si Elaine. But never niyang sinabi sayo kasi he grab that chance para ligawan ka.” Si Reno ay ang nakakabatang kapatid ni Rafael. Si Reno ang sinandalan ko, he love me ng buong-buo pero bakit si Rafael parin? How can I love someone and paulit-ulit pinipili na walang bang ginawa but to hurt me. After his confession, tiningnan niya ako sa mata then the next thing I know is we’re kissing. We’re kissing na para bang wala ng bukas. Ako na marupok pagdating kay Rafael, ito at bumigay na. “I love you, baby. I missed you so much. God knows how much I missed this.” Bulong niya sa gitna ng halikan namin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
9.8K
bc

The Lone Alpha

read
125.2K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
609.1K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
813.5K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.1K
bc

Bad Boy Biker

read
8.6K
bc

The CEO'S Plaything

read
18.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook