KASABAY NG PAGBABAGO ng bahay ay ang pagbabago rin ng anyo ng dalawang matanda. Unti-unting tinutubuan ang mga ito ng pakpak at nagiging kulay puti ang balat. Nag-iiba rin ang hubog ng katawan ng dalawa hanggang sa maging kurbang katulad ng sa Vosrak iyon. Pare-pareho silang naging alerto. Tinalasan ang kanilang pandinig habang tumitingin sa bawat anggulo ng lugar kung saan naroon ang mga Vosrak. Lalong naging alerto si Rocco nang mapansin niyang nagbabago ang itsura ng lugar. Ang halos lahat ng nakikita ng kanilang mga mata ngayon ay kulay puti; ang mga puno, halaman, lapag at kahit ang kalangitan. May kaunting abo na kulay lamang doon kaya alam pa rin nilang kilalanin ang nasa kanilang paligid. Napapalibutan din ng usok ang lapag. May kakaibang lamig na naidudulot iyon kaya naman para

