MULI ANG NAGING PAGTULONG nila sa ibang preso na natitira. Habang pumapatak ang oras ay nagiging mas naging mapagmatyag sila. Hanggang sa kahuli-hulihang bihag na kailangang dalhin sa lagusan ay hindi na nila ibinaba ang matinding pagmamatyag sa kanilang paligid. Laking pasasalamat nila nang matapos na walang kahit na anong aberya na nangyari. Naisara din kaagad ng Kuletris ang portal nang hindi nalalaman ng mga Bulislis na nasa lugar na iyon sila. Ipinagbigay alam ni Rocco sa dalawang kinakapatid na hindi siya makakasama sa paghahatid ng mga naging preso sa kani-kanilang mundo. Kailangan niyang balikan ang kagubatan dahil pakiramdam niya’y mayroon siyang nakaligtaang tignan doon. Ibinilin niya rin sa mga ito na kapag nakarating na sila sa headquarters ay sabihan siya. Saka na lamang siya

