SA UNANG SUBOK NI Rocco na dambahin ang tali, pumalya siya dahil nakaiwas ito sa paglipad sa kanang bahagi ng ere. Hindi siya nagdalawang-isip na akyatin naman ang batuhang pinagtataguan kanina matapos na tumakbo nang napakabilis. Lumipad nang mas mataas ang Kuletris. Huling pagkakataon niya na iyon. Hindi niya na pwedeng sayangin pa. Makikita ang matinding determinasyon ni Rocco. Patunay na roon ang hindi niya pagkurap ng mga mata habang nakatingin sa kanyang pakay. Buong lakas siyang tumalong muli. Sa pagkakataong iyon ay naabot niya nang bahagya ang kadenang nakatali rito kaya dali-dali niyang ginamit ang isa pang kamay upang maipulupot ang tali sa kanyang kamay upang hindi tuluyang mahulog. Nang lingunin niya ang ibaba, hindi biro ang pagitan niyon. Kahit kaluluwa niya lamang ang nag

