DAHIL NALINIS NA ang buong bahay, wala ng bakas na makikita roon si Rocco upang magtuloy-tuloy ang paghahanap niya. Ang tanging pwede niya na lang pag-aralan ay ang mga larawang kuha sa nangyaring insidente. Ngunit duda siya na ibibigay iyon ng ama. Masyado nitong inaalala ang nararamdaman niya para makipagsapalaran. Sigurado siyang kukuha na lamang ito ng magagaling na tauhan upang mag-imbestiga sa kaso. Dahil sa kagustuhan niyang makatulong sa paghahanap ng kanyang pamilya, palihim niya pa ring pinag-aralan ang mga nakuhang larawan sa kanilang tahanan. Siguradong hindi makakarating sa ama niya na na-hack ang kanilang system at siya ang salarin. Inaalala ng mga tauhan nila ang kalusugan ni Don Javier. Nasabi niya na rin sa kanilang mga tauhan na idiretso sa kanya ang maliliit, hanggang sa

