HINDI ALAM NI Rocco kung bakit sila tumatakbo ngayon. Basta ang alam niya lang ay patuloy ang naging pagsunod niya sa dalawang kasama na hindi na lumilingon sa kanilang likuran. Kung saan sila patungo ay iyon ang inaabangan niya. Wala siyang alam sa kahit na anong lugar na pinuntahan nila. Ang mahalaga sa kanya ay narito ang dalawa at may makakasama siya. Hindi siya sigurado kung anong nilalang ang tinatakasan nila ngunit sa kanyang naging obserbasyon ay ang Likarpus iyon. Hindi niya rin alam kung anong hinahanap nilang sangkap para sa kakailanganin ni Luther. Hindi naman yata sila dadalhin dito ng Vosrak nang walang dahilan. “Dito,” saad ni Hillion matapos na magpatuloy sila sa pagtakbo. Sumuot pa sila sa mga kung anu-anong baging at bahagi ng mga halamanan. “Saan ba tayo papunta?” t

