Engkanto ꨄ

3467 Words
Tapos ng magbihis si Katie, hindi pa rin dumadating ang personal assistant nito, naibaba na rin ng kanyang driver ang lahat ng kakailanganin nyang gamit sa sasakyan, kapag nagtagal pa sya dito sa condo unit nya, siguradong mali late sya sa venue ng photo shoot nya sa Binondo. "Wenggard, wala pa ba si Puso?" Nag uumpisa na syang mainis, ang pinaka ayaw pa naman nya ay ang paghintayin sya. "Wala pa po! Miss Katie" Inis na kinuha nyang cellphone sa kanyang LV clutch bag. Ida dial na ni Katie ang number ni Heart, ng biglang bumungad ito sa nakabukas na pintuan. Pawis na pawis at hinihingal. "My God! Heart Jewel Saji! Where have you been? At ano yang hitsura mo? Mukha kang dugyot dyan sa suot mo!" Taas baba ang pagkakatingin ni Katie kay Heart na sinuklay suklay ng daliri ang magulong buhok nito. Humugot ng tissue sa sling bag, saka dali daling nagpunas ng pawis. "S- Sorry po, Miss Katie! Naharang po kasi ako nung Guard sa lobby, nakalimutan ko kasing id ko sa bahay.. Pasensya na po!" "Nakalimutan mo bang may photo shoot ako ngayon at hindi ako nale late sa mga appointments ko, ha?" Inis na dinampot ni Katie ang isang set na damit nyang isusuot sana sa kanyang photo shoot mamaya, inabot nya ito kay Heart. "Two minutes! Go shower and change your clothes! You stink..!" Saka ito naglakad palabas ng pintuan. "Sorry na... Hindi na mauulit! Please wag ka ng magalit sa'kin, Sis..! Hahabol pa sana si Heart ng biglang huminto sa paglalakad si Katie. Humarap ito sa kanya saka taas kilay na sinabing... "Hindi porke't mag Sister's tayo, kukunsintihin kong mga kamalian mo! Remember my rules.. I hate users and most of all.. I hate liars!" 'Arayku! Naman... sakit nun ah!' Nakangiwing sunod sunod ang pagtango ni Heart. Hindi nya masisisi kung bakit nasabi ito ni Katie sa kanya. Kahit na ganun sya, hindi naman sya manggagamit.. Yun pa sigurong pagsisinungaling.. Natumbok nito, kasi madalas syang magsinungaling lalo na't ang nagiging dahilan ng pagsisinungaling nya ay si Cejay. 'Si Cejay, my labs! Haay..' Napapiksi si Jewel ng marinig ang pagsigaw ni Katie sa kanya. "Hurry up! The time is ticking..! Bitch.!" Lumalagatok ang takong ng high hills nitong suot ng padabog na lumabas ng pinto si Katie. 'Galit na yarnnn... Huhuuyy.. Galaw galaw na Jewel, bago kapa mabulyawan ulit ng cold hearted b***h na yan!' Mabilis nyang tinakbo ang guess room, deretso na syang toilet, mabilisang naghubad ng kanyang damit, ang tanging naiwan sa katawan ay ang kanyang dalawang pirasong underwear.. Pero, Hinubad na rin nya pagkatapat sa shower, ng maisip na damit lang at walang kasamang undies ang ibinigay ni Katie sa kanya. Mabilisang galawan ang ginawa ni Heart, para umabot sa two minutes ang pag aayos nya. At ng makapag bihis, kaagad na humarap syang salamin para makita ang kanyang hitsura. "Ganda naman ng damit na'to! Parang dina bagay sa'kin ang magsuot ng ganitong mamahaling damit! Poorita na'ko ngayon, eh!" Noong nasa poder pa sya ng kanyang pamilya, kagaya rin ni Katie ang naging buhay nya. Happy go lucky! Travel dito, shopping dun.. Ang gabi ginagawa nilang araw, para nga silang mga Bampira kapag nagkasama samang tatlo.. Tulog sa umaga, gising sa gabi.. Makakatanggi ba sya kapag nagyaya ng gumala ang mga ka Sister's nyang sila Kera at Katie? Syempre, hindi! Parating Yes ang sagot nya sa mga ito. Nagbago lang ang takbo ng kanyang buhay, mula ng makilala nya si Cejay.. Kung yung iba nalulong sa drugs, alak at sugal.. Sya naman nalulong kay Cejay. Okay naman ang takbo ng relasyon nilang dalawa, hanggang sa naging mapaghanap si Cejay. May hinihiling ito sa kanya na hindi nya kayang ibigay, kasi hindi pa sya handa.. Ang masaya at maligayang pagsasama nilang dalawa ay nauwi sa hindi pagkakaunawaan, hanggang sa manlamig ang kanilang samahan, na ng lumaon ay pinili na lang nyang lumayo. Pero ang balak nya ay pansamantala lamang, na nagbago ng magpasya ang kanyang Papa na manirahan ang buong Pamilya nila sa Italy. Nagkaruon ng pagtatalo sa pagitan nilang mag Ama ng tumanggi syang sumama. Marami syang dahilan para hindi umalis ng Pilipinas.. At isa na dun si Cejay. Isapa nais nyang patunayan sa kanyang Ama, na kaya nyang buhayin ang kanyang sarili, na kaya nyang tumayo sa sarili nyang mga paa. Kung pride man ang tawag dun, wala na syang pakialam pa! Basta't nasa Pilipinas lang sya, yun ang mahalaga sa kanya. Para mag umpisang mamuhay mag isa, Sumama sya kay Rowena Arisgada, ang best friend nyang di nauubusan ng raket. Pero ang pagiging cosplayer lang ang tinutukan nya, kasi nag presinta na syang maging personal assistant ng ka sister's nyang si Katie Spence Fedora Nylian.. Nuong una, ayaw nitong pumayag, pero dahil sa kakukulit nya dito at sa back up nyang si Kera Kitsume, tinanggap na rin sya nito sa wakas. Kaya heto sya ngayon, dakilang julalay ni Katie. "Bonggacious! Pak na Pak! talaga ang damit na'to sa'kin! In fairness! parehong pareho pa rin kami ng taste nitong si Katie ha! Walang pinagbago." Paikot ikot pa sya sa salamin, sinisipat ang suot na fitted pink blouse at black and white skirt. Bagay na bagay sa suot nyang white rubber shoes. Napatigil lang sya sa kanyang ginagawa ng tumunog ang kanyang cellphone. 'b***h Katie Calling...' Mabilisang pinagdadampot ni Heart ang mga nagkalat nyang damit at basta na lang pinagsisiksik sa plastic bag, saka patakbong hinablot sa sofa ang mga nakahanger na damit ni Katie. Pagka locked nya ng pintuan ng condo unit nito, saka pa lang nya sinagot ang tawag ng kanyang kaibigan. "Hurry up! b***h!" Dipa nga sya naghe hello ito ng pambungad ni Katie sa kanya. "Pababa na'ko.,. Andyan na..!" Mabuti na lang pagkapindot nya ng elevator natyempuhang pababa na rin ito, kaya nakasakay sya kaagad. Sunod sunod ang paghinga nya ng malalim pagdating nya ng ground floor. Tinakbo na ni Heart ang pagitan ng elevator at ang customize van ni Katie, na nakahinto na paglabas pa lang nyang salaming pintuan ng ground floor. Kaagad na binuksan ni Wenggard ang pintuan ng van para deretso na syang makapasok sa loob. Ito na rin ang nagsara ng makitang maayos na syang naka pwesto sa hulihang upuan ng van. Dali dali na rin itong sumakay at mabilis na nag maneho patungong Binondo. BINONDO MANILA Kunot nuong napalinga sa paligid si Bogz ng dahan dahang nag menor si Zero, at ng lumaon huminto ng minamaneho nitong kotse sa isang gilid ng kalsada. Ng daanan kasi sya nito sa kanilang bahay, kala nya pag uusapan nilang tungkol dito at kay Heart. Marami kasi syang nais malaman, maraming tanong na tanging si Zero lang ang makakasagot. Ang inaasahan nyang lugar na pupuntahan nila ay restaurant o di naman kaya ay sa bar ni Paolo.. Kaya malaking katanungan para sa kanya, kung bakit dito sila bumagsak sa Binondo? Anubang meron dito? "Bro, ba't ka huminto? Wala na bang gasolina itong sasakyan mo?" "Just a minute, i just want to make sure if she's really here!" "Who?" Salubong ng kanyang kilay ng magtanong ulit kay Zero. "Katie..." "Huh! Sino?" Ulit nyang tanong kay Zero, para makasigurong tama ngang kanyang hinala na si Katie Spence Fedora Nylian ngang inaabangan nila dito. Ang babaeng labis nitong minahal na ang isinukli ay pasakit at pighati sa buhay ng kanyang kaibigan. "The woman i love.." Hindi tumitinging sagot naman ni Zero sa kanya. "Kelan kapa naging stalker nya? Akala ko ba binura ng lahat nung Engkanto na si Whisper ang buong alaala mo tungkol sa Katie na yun?" Buntong hininga lang ang naging sagot ni Zero kay Bogz. "At paano naman si Heart? Hindi ba kayong dalawa? kasi kung maka protekta ka sa kanya, wagas! Lagi kang to the rescue sa tuwing kelangan nya ng tulong, sinama mo pa nga sa mundo nyu! Tapos heto tayong dalawa dito, parang temang na nag aabang sa Katie na yun!" Naghihimutok na sabi nya sa katabing tahimik lang.. Napalingon si Bogz kay Zero ng bahagya nitong hampasin ang manibela. Nakita nyang pagtiimbaga nito habang nakatutok ang tingin sa kabilang bahagi ng kalsada. Sinundan nya ng tingin ang pinagmamasdan nito kanina pang pagdating nila dito. Isang grupo ng kaedaran nilang kalalakehan ang nakatambay sa isang malaking tindahan. Nagkakasayahan ang mga ito, habang tomotoma ng kahon kahong serbesa. 'Ano namang problema kung nag iinuman ang mga yun? Bakit tila na bad trip 'tong katabi ko dito?' Nabaling ulit ang kanyang tingin sa katabi, madilim ng mukha nito, ang kaninang putlain na balat ni Zero, mamula mula na ngayon, bahagya pang naririnig ni Bogz ang sunod sunod na paghinga nito ng malalim, na tila ba pinapakalma nitong sarili. Akma na nya itong tatapikin ng bigla itong natigilan, bahagya pang nanlaki ang mga mata nitong nakatutok ang tingin sa nagkukumpulang kalalakehan sa kabilang kalsada. Napahigpit ang kapit nito sa manibela. "Bro, are you okay? Anong nangyayari sa'yo?" Di nakatiis nyang tanong dito. "She's here..!" "Ha! Who?!" Isang puting van ang huminto malapit sa lugar kung saan nag iinuman ang may sampung kalalakehan ang nakita ni Bogz, pagkatingin nya sa kabilang kalsada. "Katie..!" Mahinang boses na sagot ni Zero sa tanong nya. "Still the same... She didn't change! Still sophisticated, intimidating and..." Bahagyang natawa si Bogz ng pagkababa ni Katie sa van, nakasimangot nitong hinila ang kasamang babae na hindi magkandaugaga sa mga bitbit nitong gamit. "... Haha Bitch.! Kawawa naman ang kasama nya, buti may nagtyatyaga pa sa babaeng 'yan, kahit masama ang pag uugali..!" "Don't you recognize the girl Katie's dragging?" "Sino ba yan?" Di interesadong tanong ni Bogz, pero sinipat nya ring maigi ang babaeng halos kaladkarin na ni Katie sa kanyang paglalakad, di nito alintana ang mga gamit na dala nung dalagang aligaga na makasabay lang sa paglalakad nito. "H- Heart..!" Ikinagulat nya talaga ng makilala ang pasaway na dalaga. "Yeah! Heart Jewel Saji... Katie's personal assistant.! They're friends..." Sa narinig mula kay Zero, nagka idea sya bigla, kung bakit ba nito tinutulungan si Heart na makatakas at makapagtago sa Papa nito. "Kaya ka ba nakipag lapit kay Heart, dahil kay Katie?" "Partly yes! I need to know from Heart Jewel, everything about Katie, her past and present.. and besides, I also want to be her friend. because she is nice and fun to be with." Napaismid si Bogz, ng marinig ang word na 'nice' patungkol kay Heart. 'Paano naman naging nice ang babaeng yun, eh! Ni hindi nga marunong magpasalamat? Takas pa ng takas.. daig pang wanted na kriminal kung makapagtago.' "Talaga! Parang hindi naman nice ang babaeng yan? Sakit nga ng ulo nina Tito Prince at Tita Mia yan eh!" Napangiti na lang si Zero, nahimigan nya pa sa boses ni Bogz ang pagtataka, panghihinayang at pagkadismaya kay Heart. Pero sya, kahit papanu nakilala na rin nya ang personality ni Heart, kahit na marami itong problema, hindi mo yun mahahalata sa dalaga, kumbaga, marunong itong magdala kahit na anupang bigat at sakit ang nadarama. Palagi lang itong nakangiti at ang mas higit nyang nagustuhan dito, ay ang mga hugot lines nito na nakakapag patawa sa kanya. "Don't judge Heart Jewel, if you don't know her true identity, try to reach out.. be friendly to her, who knows... Maybe the two of you are destined to each other!" Seryosong sambit ni Zero habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw ni Katie sa kabilang kalsada. "Naman! Naman!! Bro, don't say that! Kinikilabutan ako! Wheww..! Hindi kami talo ng babaeng 'yan! She's so stubborn and insensitive! Ayokong maging babysitter ng Heart Jewel Saji na yan! Never!" Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang drama nya ngayon kay Zero, na nangingiti na lang sa reaksyon ng kanyang mukha. Nakalimutan yata ni Bogz na hindi ordinaryong Tao ang kasa kasama nya ngayon, na kahit hindi ito magsalita at magtanong sa kanya, nababasa pa rin ni Zero ang mga naiisip nya. Dahil isa itong Engkantao, half Engkanto, half Tao.. Ng walang kaabog abog na biglang mapasigaw ito na ikinagulat nya.. "F-ck! Nooo...!" Napapiksi pa si Bogz ng biglang lumagabog pasara ang pinto ng kotse, kasunod nun ang humahagunos na hangin. Nasundan nya pa ng tingin si Zero na nag ala flash sa bilis ng kilos nito patungo sa kabilang kalsada kung saan nandun ang magkaibigang Katie at Heart. "A- Anong...?" Tila napako sa kinauupuan nya si Bogz ng makita ang isa isang paghablot ni Zero sa mga kalalakehang kani kanina lang ay nagkakasayahang nag iinuman sa malaking tindahan. Habang sila Katie at Heart ay magkayakap sa isang tabi. Akma na syang bababa ng kotse para sana tulungan ang kanyang kaibigan ng makarinig sya ng malakas na putok ng baril, kasunod nun ang pagsigaw ng boses babae. 'BANG..!' "Eeee...!! Saklolooo...! Tuloonngg...! Tulungan nyu po kamiiii...!" Nabitin ang paa ni Bogz sa pagbaba ng kotse, ng pagtanaw nya sa kabilang kalsada ay makita nyang isang lalaki na nakahandusay sa semento, nagkakagulo ng mga tao dun, samantalang sina Katie at Heart naman ay pasakay na sa puting van. "Wait! Where's Zero? Baka may nangyaring masama sa kanya? Shit..!" Mabilis syang napalabas ng sasakyan sa naisip, na baka napuruhan ang kanyang kaibigan sa naganap na rambolan.. Tatakbuhin na sana nyang kabilang kalsada ng may itim na usok pasalubong sa kanya. iiwasan pa sana ito ni Bogz pero huli na, dahil kusang yumakap sa kanya ang itim na usok.. na wala palang iba kundi si Zero. "Haahh... Bro! Bring me to Tita Alex, house! Haahh... Hurry up! Just bring me there..!" "Bro, what happened?" Inakay nyang pasakay ng passenger seat si Zero, ng maayos itong makaupo, kinabitan nya kaagad ito ng seatbelt, ng bigla syang matigilan ng makapa ang basang basa nitong damit bandang likuran, sa pag aakalang pawis lang ito, hindi nya binigyang pansin, pero ng maisara nyang pintuan ng kotse, dun pa lang nya nasulyapan ang kamay nyang puno ng dugo. Mula sa pagkakatingin sa kanyang kamay na nalipat kay Zero na ngayon ay nakasandal ng ulo sa bintana ng kotse, nakapikit ito. Kabadong mabilis syang sumakay sa drivers seat, kaagad nyang sinuri kung saan bandang sugat ni Zero, sa pagtaas nya ng damit nito kaagad nyang nakita ang butas sa dibdib nito, malapit na malapit sa puso ang tama ng baril.. "s**t!" Natatarantang kaagad nyang ini start ang engine ng kotse. "Zero, Bro! Okay ka lang ba? Anong nangyari sa'yo?" Sunod sunod na tanong ni Bogz sa walang imik nyang kaibigan.. Nakapikit pa rin ito ng kanyang sulyapan.. Maya maya naramdaman nyang paglamig ng hangin, sobrang lamig na ikinabahing na nya. "Ha- Hatsing...! Whoo... Sira na yatang aircon nitong kotse mo, Bro! Bigla bigla na lang nag iibang temperatura eh!" "Zigloooo..." Mahinang bulong ni Zero, pero nasagap pa rin ng tenga ni Bogz. "Bro, dalhin na lang kaya kita sa hospital, kasi parang malala yang tama mo sa dibdib, eh!" Panay ang pagsulyap ni Bogz sa kaibigan. Lalo na kapag hindi sya nito sinasagot. Mas binilisan pa nyang pagmamaneho ng sa muling pagsulyap nya kay Zero, napansin nyang unti unting pamumuti ng kulay abuhin nitong buhok, kahit na ang balat nitong putlain mas lalo pang namutla na tila natuyuan na ito ng dugo. "N- No... In Tita Alex.. Please....!" Tila naghihingalo ng boses ni Zero. Napabaling bigla ng tingin si Bogz kay Zero, ng marinig ang 'Please' na sinabi nito. First time nyang narinig na nagsalita ito ng Please.. Mula kasi ng makilala at maging magkaibigan sila ng binata, ni minsan hindi man lang nya narinig itong nagsalita ng please.. Hindi nito ugaling makiusap, Hindi ang tipo ni Zero Fossil Ablan, ang marunong makiusap, kaya ikinagulat talaga ito ni Bogz. 'Bakit hindi sa hospital? Gayung ang kalagayan nya'y critical? Bakit sa bahay ni Tita Alex? Anubang magagawa nito para maisalba ang buhay nya?' Isapang lingon kay Zero ang kanyang ginawa, halos puti ng kulay ng buhok nito, at ang mas ikinakaba pa ni Bogz, ay ang makitang tila wala na itong buhay. "s**t! Hindi ito maaari!" Napahigpit ang pagkakahawak nya sa manibela ng kotse. "Hold on! Bro, malapit na tayo...!" Halos paliparin na ni Bogz ang sasakyan, marating lang ang bahay ng mag asawang Brent at Alex.. Naisip nya na... sabagay professional doctor naman itong Tito Brent nila at isang faith healer naman ang Tita Amber nila.. so, malaki ang chance na magagamot ng maayos at mapagaling ng mga ito si Zero. Pero, ang malaking tanong ngayon.. ay kung makakarating ba sya sa tamang pagkakataon? gayung sa kanyang pagliko pa Santa Mesa going to San Juan ay nagkabuhol buhol ng traffic sa Jose Rizal University pa lang. "Damn! Bakit ba dito pa'ko napadaaaann...?" Gigil nyang nahampas ang manibelang wala namang kasalanan, dahil in the first place... Sya naman ang nagmamaneho, sumusunod lang ang kawawang manibela sa bawat pagpihit nito. "Darn! Bahala na..!" Mabilis syang bumaba ng sasakyan, pagkasara ni Bogz ng pinto, patakbo nyang pinuntahan at mabilis na binuksan ang pintuan ng kotse sa passenger side, kinalas ang seatbelt na nakakabit kay Zero at walang kahirap hirap na binuhat ang kaibigan. Basta na lang nyang sinipa ang pintuan ng kotse pasara, saka nagpalinga linga sa kanyang paligid, naghahanap sya ng way para mapabilis ang pag alis nya sa lugar na yun. Sa isang may kadilimang eskinita, may naaninagan si Bogz na isang lalakeng bahagyang kumakaway sa kanya. "Z- Ziglo..?" Sinipat pa nyang maigi kung si Ziglo nga ang nakakubli sa dilim. Baka kasi namamalikmata lang sya dahil sa desperado na syang makaalis sa gitna ng trapikong daan na yun. 'WEWEET..!' Malakas na tunog ng pagsipol ang sunod nyang narinig, ngayon sigurado na si Bogz na si Ziglo ngang nakatayo sa eskinitang pinagmamasdan nya ngayon. "Haahh.." Malalaki ang hakbang na pasingit singit sa mga nakahintong sasakyan, ingat na ingat si Bogz na wag mauntog si Zero sa makipot at masikip na espasyo ng mga sasakyan na kanyang dinadaanan. Nakahinga lang sya ng maluwag luwag ng kanyang sapitin ang lugar kung saan nya nakita si Ziglo. Subalit wala na ito sa kinatatayuang eskinita. "Ziglo..! Brother Ziglo...!" Tagaktak ang pawis ni Bogz na nagpalinga linga sa paligid, habang walang tigil sa pagtatawag ng pangalan ni Ziglo. 'Shhh... I'm here! Hindi ako maaaring lumantad ng matagal.. May mga matang nagmamasid sa bawat galaw ko! Ilapit mo pa dito sa dilim si Fossil!' Boses ni Ziglo na tila bumulong lang sa tenga ni Bogz.. "Ha? Sino naman yun?" Umikot ang tingin ni Bogz sa paligid, nagtaka sya ng wala namang makitang nakatingin sa kinaroroonan nila, bawat daanan ng kanyang mga tingin ay busy sa kanya kanyang ginagawa. 'May isapang Engkanto bukod sa napaslang ni Fossil, ang umaali aligid dito.. Mga sinugo ni Amber para bantayan ang bawat kilos at galaw ni Fossil...' "Bakit naman gagawin yun ni Tita Amber kay Zero? Sa anong dahilan?" Dahan dahang ibababa na sana ni Bogz si Zero sa semento ng kusang lumutang sa hangin ang katawan nito. 'Dahil naghihinala na ang kanyang Ina, na nahanap ng muli ni Fossil ang babaeng minamahal nito... At heto na nga ang kinatatakot ko ngayon... Ang mag simula na naman ang kaguluhan sa pagitan ni Amber, na nais paslangin ang babaeng nanakit sa kanyang nag iisang anak.. At si Fossil, na handang ialay ang kanyang sariling buhay, maprotektahan lang ang nag iisang babae na kanyang minamahal.' "Kaya pala! mula ng sapitin namin ang lugar na ito, hindi na naalis ang pagkakatingin ni Zero sa mga kalalakehang nag iinuman." 'Dahil, sa nakikita't nararamdaman na nyang panganib, kaya palagi syang nakasubaybay kay Katie, para protektahan ito, mula sa masasamang Engkantong sinugo ng kanyang Ina.' May awang sinulyapan ni Bogz ang kaibigan na putlang putla na. Malaki ang paghanga nya dito, sa larangan ng pag-ibig.. sya'y napa bilib nito, sa kanilang magkakaibigang pito, katangi tangi at nangingibabaw ang personalidad nitong si Zero. 'Hahayo na kami kila Alex, nakaantabay na sya sa aming pagdating sa kanilang tahanan... Paalam na muna aking kaibigan... Hanggang sa muli..!' Sa isang kisapmata lang ni Bogz, ang nakalutang sa hanging si Zero ay bigla na lang naglaho. Napapa buntong hininga na lang syang namulsa sa suot na pantalon, saka mabagal na naglakad pabalik sa nakahintong sasakyan ni Zero sa kabilang bahagi ng kalsada. Bago sumakay ng kotse, Tinanaw nyang bandang University, kung gumagalaw na bang mga nakahintong sasakyan dun. 'Haayy... Mukhang matatagalan pang pagtambay ko dito ah!' Iiling iling syang sumakay ng kotse.. Hinugot ang kanyang cellphone sa bulsa ng pantalon, saka hinanap ang Spotify app. Saka ini search ang favorite song nyang.. "On the wings of love.. Hmmm.. " Napapikit ang kanyang mga mata ng pumailanlang ang intro nung kanta. ♪ ♪ Just smile for me And let the day begin♪ You are the sunshine That lights my heart within♪ ♪ ♪ "Perfect..!" At sa pakikinig lang ng music ni Bogz, narerelax ng buong sistema nito.. Ganun lang sya ka simple.. At ganun kagaling ang nagagawa ng musika, sa isang... Bogz Klyto Canox. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD