Habang nagliliwaliw si Heart kasamang boyfriend nitong si Cejay.. Nag aalala naman ang Mama nitong si Mia, dahil galit na galit na naman ang asawa nitong si Prince.. Ng malaman na limang araw na palang di umuuwi ng bahay ang dalaga.
"Yan ang resulta sa pagiging mapagbigay mo Mia, ilang beses na ba kitang sinabihan na tigilan mo na yang pangungunsinti mo sa batang 'yan! Kita mo ng kinalabasan ha?"
Nagtitimpi lang ng kanyang galit si Prince, dahil nakikita nyang parang maiiyak ng kanyang asawa. Kahit ang pagsigaw hindi nya magawa, dahil baka magtampo na naman ito sa kanya, at mag disappear na naman sa kanyang buhay. Ilang beses na ba syang iniwan ni Mia, sa tuwing may pinagtatalunan at hindi mapagkasunduan silang dalawa? Ahhh... Maraming beses na..! nangyayari ito kapag sumasama ang loob at nagtatampo sa kanya ang kanyang asawa.
"Gusto ko lang naman na maging masaya ang anak natin, Prince! Masama ba yun..?"
Dun na napigtas ang kinikimkim na galit ni Prince ng marinig ang salitang 'Anak'. Yung biglang bwelta nya paharap sa kanyang asawa, at sigawan ito, ay ang malaking pagkakamali na nagawa nya sa kanyang buhay.
"Hindi ko sya anak..!! Kaya 'wag mo ng ipagduldulan sa'kin ang suwail na batang 'yun!"
"Prince..!"
Nanlalaki ang mga mata ni Mia sa pagkagulat.. Kaagad na nagtubig ang kanyang mga mata, at sa pagkisap nito sabay na tumulo ang kanyang mga luha. Pigil ang samut saring emosyon na kanyang nararamdaman, napahawak syang bigla sa sandalan ng upuan sa kanilang sala ng manlambot ang kanyang mga tuhod. To the rescue naman kaagad si Prince, na saglit pang natigilan sa kanyang nagawang pagsigaw sa kanyang asawa.
"Mahal..! Halika, umupo ka muna dito!"
Dahan dahang inalalayan nitong makaupo sa sofa si Mia. Bago tinawag ang katulong para magpakuha ng maiinom nitong tubig. Umupo sya paharap kay Mia. Pinahid ng kanyang kamay ang basa nitong pisngi..
"Shh... tahan na! Wag ka ng umiyak!"
Ng hindi na matiis ang sumbat ng kanyang konsensya.. Masuyong kinabig at niyakap ng mahigpit ni Prince ang kanyang asawa.
"Sorry! I'm Sorry, Mia..! Nasaktan na naman kita! Patawarin mo sana ako, kung napaiyak na naman kita!"
Masuyong hinaplos haplos ni Prince ang mahabang buhok ng kanyang asawa. Dahan dahan syang bumitaw dito, saka hinalikan ito sa nuo, bago seryosong nakipagtitigan dito.
"Prince... Saan ba ako nagkulang, bilang isang magulang kay Jewel? Hindi ko ba sya napalaki ng maayos? Hindi ba naging sapat ang pagmamahal ko sa kanya? Kaya ba sya nagkakaganito?"
Sunod sunod ang pagpatak ng masaganang luha mula sa mga mata ni Mia.. Nababasa ni Prince ang lungkot, higit ng sakit sa mga mata nito. Sa tatlong anak nilang lalaki, ni hindi man lang nila naranasan ang lungkot, pagdaramdam, pasakit at higit sa lahat ang kawalan ng respeto. Kahit puro lalaki ang mga anak nila ni Mia, lumaking mabubuting mga bata ang mga ito.. Masunurin, mapagmahal at higit sa lahat... Malaki ang respeto sa kanila ni Mia, bilang mga magulang ng mga ito. Pero, itong si Heart Jewel, na ampon nila,, sobra sobrang pasakit at kahihiyan ang ibinigay sa kanila.
"Unang kita ko pa lang sa batang yun, ramdam ko ng kaguluhan lang ang hatid nya sa'ting pamilya... Kaya nga ganun na lang ang pagtanggi kong ampunin natin sya..."
Napabuntong hininga si Prince, ng maalalang nakaraan, nung panahon na unang dumating sa buhay nila si Heart.
".. Pero, dahil sa alam ko namang gustong gusto mong magkaroon ng isang Prinsesa sa'ting pamilya, at nakita kong tanggap at masasaya ang tatlo nating Prinsipe, pumayag akong ampunin na lang natin sya."
"At yun ang pinaka maligayang araw sa'king buhay, habang karga karga ko ang mala Anghel na sanggol, natatanaw ko ang buong pamilya natin na masaya't maligaya habang buhay."
Bagamat may luha ang mga mata ni Mia, masayang masaya ito habang nagbabalik tanaw sa nakaraan.
"Pero ngayon, iba ng sitwasyon, Mahal ko,,! dahil hindi na sya ang batang babae.. na sumusunod para sa kanyang ikakabuti, hindi na sya ang batang babae.. na may respeto at takot sa'ting mga magulang nya, na kahit anupang gawin natin ay mababalewala lang. Siguro panahon na para sya'y ating pakawalan.. Palayaing gawin ang mga gusto at makakapagpasaya sa kanya... ng hindi tayo kasama."
Napatuwid sa pagkakaupo si Mia pagkarinig sa mga huling katagang sinambit ni Prince.. Malakas ang pagkabog ng kanyang dibdib.. Tila nanlamig ang buo nyang katawan sa naiisip na kahahantungan ng kanilang usapan.
"A- Anong ibig mong ipahiwatig? Deretsahin mo na ako, Prince!"
"Panahon na, para ibalik natin sya sa kanyang tunay na pamilya." Seryosong sagot ni Prince sa kanyang asawa.
"Hindi yun maaari! Patay ng kanyang Ina, at ang kanyang Ama, ay nakakulong. Saka, parehas nating alam na walang kamag anak nya ang may gustong kupkupin sya!"
Napaiwas ng kanyang tingin si Prince ng makita ang kalituhan sa mga mata ni Mia. Heto na naman ang pakiramdam ng nakokonsensya, marami rami na rin ang lihim na itinatago nya sa kanyang asawa. At sa totoo lang guilty na guilty na sya... Matagal na!
"Nakalaya ng kanyang Ama, last year pa! Di lang sinama ni Zylven sa mga report na pinapasa nya sa'kin."
"Seryoso kana ba dyan sa pasya mo? Hindi ko na ba kayang baguhin ang desisyon mo?"
Pahigpit ng pahigpit ang pagkakakapit ni Mia sa hamba ng sofa na kanyang inuupuan, dun sya kumukuha ng lakas para makayanan ang lahat ng naririnig nya mula kay Prince.
"Mia, sawang sawa na ako sa mga problemang dinadala nya sa'ting pamilya! Pahiyang pahiya na'ko sa mga private army ko, dahil sa kagagawan nya! Anupa bang rason ang kelangan kong iharap at sabihin sa'yo, para pumayag kang pakawalan na ang batang suwail na yun na inampon natin, ha?"
Nasapo na lang ni Prince ang kanyang ulo, ng biglang sumakit ito..
'F-ck! Tila nagka brain cancer na'ko sa dami ng binibigay na problema ng Heart Jewel Nolasco na ito!'
"S- Sige, pumapayag na akong ibalik mo sya sa kanyang Ama, pero pwede mo bang gawin yun kapag wala na ako dito sa Pilipinas?"
"Ha! Anong ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong ni Prince sa kanyang asawa.
"Hintayin mo munang makabalik ako ng Italy, bago mo gawin yang plano mo sa kanya!"
Nanlulumong napatayo na sa pagkakaupo sa sofa si Mia, maglalakad na sana ito papuntang silid nilang mag asawa ng marinig ang huling sinambit ng kanyang asawa.
"Mahal.. Thank you! Don't worry.. Aayusin kong lahat lahat.. Wag ka ng masyadong mag alala pa, dahil sisiguraduhin ko munang maayos ang magiging buhay nya, bago ko sya tuluyang ipagkatiwala sa kanyang tunay na Ama..!"
"Alam ko! Buo ang tiwala ko sa'yo!"
Napakagat labi na lang si Mia, para pigilan ang mapahagulgol. Ngayon pa lang labis ng sakit at lungkot na kanyang nararamdaman, panu pa kaya kapag lubusan ng nawala sa kanilang buhay ang kanyang Prinsesa! Makakaya pa kaya nyang mamuhay ng masaya't maligaya, gayung kulang ng bilang ng mga anak nya?
'Hindi ko kaya...! My God! hindi ko makakaya....'
Halos takbuhin na nyang pagitan ng sala at silid nilang mag asawa ng marinig ang pagtunog ng cellphone ni Prince.
"Zylven! Yeah! Ready the team... We go hunting!"
Mariing napapikit ng kanyang mga mata si Mia. Kung noon,, natatakasan pa ni Heart ang kanyang Ama, ngayon sigurado na si Mia na magtatagumpay ng kanyang asawa, dahil ang team na sinasabi nito ay ang matatalik nitong mga kaibigan at kasamahan dati sa Hainsha Organization.. Ang mga secret assassin agents na matitinik at the best team nuong generation ng mga ito. Sino ba naman kasi ang hindi makakakilala sa kanila...
Name: Keros Kitsume
Nationality: Half Korean half Canadian
Position: Boss of Asia
Halos lahat ng nasa underground organizations... kinaiilagan at kinatatakutan ang team nito, dahil na kay Keros na yatang lahat ng the best agents sa underground world....
Under his command is the following secret assassin agents...
Name: Pyre Tymal
Nationality: Turkish
Position: Spy
⚔
Name: Griffin Nylian
Nationality: Half Japanese half Italian..
Position: Secret spy / Hacker
⚔
Name: Eruto Dryad
Nationality: American
Position: Sniper
⚔
Name: Prick Lefur
Nationality: Russian
Position: Bomb expert
⚔
Name: Aeris Blyze
Nationality: Australian
Position: Tracker
⚔
Name: Zylven Canox
Nationality: Thailander
Position: Protector / Bodyguard
⚔
Name: Mark Nixon
Nationality: American
Position: Sharp shooter
⚔
Name: Prince Saji
Nationality: Indian
Position: Sniper
⚔
Name: Blaire Genza
Nationality: Thailander
Position: Sniper
⚔
Name: Brent Red
Nationality: Norwegian
Position: Tracker / Doctor
⚔
Name: Gaelan Ablan
Nationality: British Colombian
Position: Sniper
⚔
Name: King Nexus Larkin
Nationality: Poland
Position: Grenade launcher expert
Isipin pa lang ni Mia na magsasama sama ulit ang mga ito para mahanap lang si Heart, kinikilabutan at natatakot na sya sa maaring mangyari sa kanyang Prinsesa, sa oras na matagpuan ito ng kanyang asawa.
'Anak!. Sana umuwi kana! Para kung sakaling ako ang nasa tabi mo, baka sakaling maprotektahan kita sa galit ng yung Papa!'
'BLAG!'
Saktong napadaan si Mia sa mga portrait na nakasabit sa hallway, patungo sa silid nila ni Prince, ng biglang mahulog sa lapag ang malaking larawan ni Heart na ikinagulat pa nyang malakas na tunog sa pagkabasag ng salamin nito.
"Oh My God! Bakit ka nahulog? Eh! wala namang hangin?"
Pinulot nyang basag na portrait, napangiti sya ng mamasdan ang picture ni Heart, stolen shot itong nakuha nya sa photo album ng dalaga, pinalakihan lang nya.. Nakayuko ito at may hawak na isang stick na ang dulo ay hugis puso, nakapusod ang mahaba nitong buhok at may pulang ipit na ladybug.
"Ang ganda ganda ng Prinsesa ko..."
Ang kanyang ngiti ay nauwi sa pagkalungkot, ng maalala na naman nyang sitwasyon nito ngayon. Dali dali nyang kinuha sa bulsa ng suot na jumper ang kanyang cellphone.
"Bakit ba napakahirap mong kontakin anak? Saan kana na naman ba nagsususuot?"
Ilang try pang kanyang ginawa, pero iisa lang ang sagot ng operator kay Mia.
The number you have dialed is out of coverage area, please try your call later... Tooot tooot ..
Napapabuntong hiningang napatayo mula sa pagkakasalampak ng upo sa sahig si Mia. Bitbit ang picture ni Heart naglakad na sya papasok ng kanilang silid na mag asawa. Pero bago pumasok sa loob, tinawag nya munang katulong para linisin ang nabasag na portrait.. Papalitan na lang nya ng bago kapag nakabili na sya sa mall.
'Sana maisipan mong umuwi dito anak! Dahil miss na miss kana ng Mama... Ako kaya, nami miss mo rin ba?'
Hinalikan nyang picture ni Heart, saka ito inilagay sa kanyang tabi, humiga si Mia sa kama, ipinikit ang kanyang mga mata. Pinapahinga ang isip, lalo na ang pagod nyang katawan. Umaasang maibsan ang lungkot at pag aalalang kanyang nararamdaman, para sa kanyang Prinsesang palaboy laboy kung saan.. Hiling nyang palagi na sana nasa mabuti itong kalagayan..
Pero ang mga hiling ni Mia ay malabong matupad, dahil masalimuot ang landas na tinatahak ngayon ni Heart Jewel Saji.
?MahikaNiAyana