Whistle ꨄ

2594 Words
Dalawang oras ng naghihintay sa kanyang kaibigan si Bogz, nakalahati na nga nyang inorder na isang bote ng alak, hindi pa rin lumalabas ng kanyang private office ang may ari ng Whistle disco bar na si Paolo Viena Andrade. "Nex!" Tawag nya sa waiter na napadaan sa table na okopado nya. "Yes, Sir Bogz! may order pa po ba kayo?" "Nah! Dipa ba tapos ang Boss mo dun?" Inginuso nyang private office ni Paolo. "Dipa siguro Sir Bogz, kasi dipa rin nalabas eh! Nakailang tawag na nga pong girlfriend nya, parang galit na." "Girlfriend? Hindi naman naggi girlfriend yang si Paolo ah! Anu bang pangalan nung girl?" Kunotnuong tanong nya kay Nex. Napakamot ng ulo si Nex, alanganing sumagot kay Bogz. "Eh! Sir Bogz, baka masesante po ako kapag sinabi ko po sa inyo, private life po kasi yun ni Boss Paolo eh! Mahirap mangialam.. At saka, kasi kabilin bilinan din po sa'kin ni Miss Rowena, na secret lang daw naming dalawa ang pagtawag tawag nya dito, baka po pag nalaman ni Boss Paolo na ako ang mga mata dito ng syota nya, sipain ako nun palabas ng Whistle, Sir!" Nangingiting tinapik tapik ni Bogz sa balikat si Nex. Madaldal talaga ito kapag kinakabahan,, nawawala sa sarili't nakakalimot sa kanyang mga pinapangakoan. "No worries! Secret lang din natin ito!" Sabay kindat at ipit ng isanlibo sa kamay ng waiter. "Yung Rowena bang sinasabi mo.. Yun ba yung makulay ang kulay ng buhok at malaki ang dibdib?" "Ay! Opo Sir Bogz, yun nga yun.." Matapos sipatin ang pera sa kamay, kaagad na ibinulsa ni Nex ang pera. "Tip ko yan sa'yo! May dagdag pa yan, kung tatawagan mong Rowena na yun at papuntahin dito!" "Ano ho! Papuntahin ko po dito si Miss Rowena?" Nakamulagat ang mata na tanong ni Nex sa nakataas kilay na si Bogz. "Naku! Sir Bogz, malaking gulo po, kapag nahuli si Boss Paolo na gumagawa ng milagro!" "Hindi! Akong bahala!" Ilang lilibuhing pera ang nilabas ni Bogz at basta na lang isinuksok sa bulsa ng uniporme ni Nex. "Sir...!" "Go! Call that woman! Hurry up! Baka matapos ng session ni Pao dun." Tinulak pa nya si Nex, papuntang counter kung saan nakalagay ang emergency telephone ng Whistle bar. Lumingon pang waiter kay Bogz. Kaagad syang nag thumbs up dito. "Yari ka ngayong kupal ka! Ilang oras mo na'kong pinaghintay sa'yo dito ha! Pwes! tingnan natin kung hindi kapa lalabas dyan sa lungga mo kapag dumating na si Miss Boombastic dito." Kaylapad ng pagkakangiti ni Bogz ng makitang may kausap na si Nex sa telepono. Panay pang sulyap nito sa kanya habang nakikipag usap sa hinuha nyang girlfriend ni Paolo. "Exciting ituuu..! Kelangang iready ko ng phone ko, para maivideo kong kaganapan dito." Kinawayan nya kaagad si Nex pagkababa pa lang nito sa telepono. "On the way na daw po sila, Sir Bogz!" "Ha! May kasama ba sya?" "Opo! Nasa show daw po sila eh!" Napahimas ng kanyang baba si Bogz, Alam na nyang bukod sa pagiging studyante, isang cosplayer din itong si Rowena Arisgada. "Sir Bogz! Sigurado po kayong hindi ako masasabit dito ha? Lam nyu na po, mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, lalo pa't highschool graduate lang po ako." "Oo nga! No worries!! akong bahala sa'yo kapag sinisante ka ni Paolo dito." "Naku! wag naman po sana ganun ang katapusan ko dito! Kasi mahal ko po ang aking trabaho, Sir Bogz!" "Sya sige! Hindi ka matatanggal dito, ako ng bahala sa lahat.. Sige na.. Baka, may makahalata pa sa'tin dito, malaman pa ni Tol Pao, na tayo ang may pakana ng lahat. Matinik pa namang Adik na yun." "Yes Sir! Salamat po sa tip!" Sumaludo pa si Nex sa kanya bago bumalik sa trabaho nito. Nagsalin ng alak sa baso, isinet ang camera ng cellphone saka parelax relax na sumandal sa upuan, nakaharap si Bogz sa entrance ng Whistle at bawat may pumasok dun sinusuri nyang maigi.. Hanggang sa may pumasok dun na dalawang babae na kilalang kilala nya yung isa. 'What the heck! Bakit sya pang kasama ni Rowena? Sana iba na lang..!' Kaagad napalipat ng pwesto si Bogz ng mapatingin sa mesa nya si Heart. 'Di'ko akalain na cosplayer din palang pasaway na babaeng 'yan? Pa'nu ko eenjoyin ang scene kung nandito rin ang hilaw na bride to be ko, ha?' Napatayo sya't naglakad sa isang sulok, dun sa hinding hindi sya mapapansin ng mga gaganap na artista maya maya lang.. Pasilip silip nyang sinundan ng tingin sila Rowena na patungo sa bartender. 's**t! Nasan na ba si Nex?' Palinga linga sya sa paligid. Nakita nyang palabas si Nex ng kitchen. Sumipol sya ng malakas para kunin ang pansin nito. Di naman sya nabigo dahil sa dereksyon nya kaagad napatingin si Nex. Senenyasan nya itong lumapit sa kanya. Habang abala pa yung dalawang dalaga sa bar. "Nex, cancel ang plano natin." Bungad na sabi nya sa waiter ng makalapit na ito sa kanya. "Ha! Bakit po Sir Bogz, nakokonsensya na po ba kayo? Joke! Hehe.." "Tado! Kilala ko kasing kasama ni Rowena, baka magdaldal kay Mommy malentekan na naman ako." "Eh! Anu po ang gagawin natin ngayon Sir? Anong sasabihin ko kay Miss Rowena? 'Nung idadahilan ko sa kanya gayung na ireport ko ng may kalandian dito ang boyfriend nya?" Inakbayan nyang waiter sabay hila paatras pa sa sulok ng makitang umiikot ang tingin ni Heart sa buong paligid. "Ganitong gagawin mo ha! Pasukin mong office ng Boss mo. Tapos ganitong sabihin mo sa kanya... Faktay ka ngayon Boss Pao! Hindi kana makakapaglibing ng saging simula sa araw na ito! Mangungulontoy na 'yan, kawawa ka naman.. Hehehe..." Bahagyang napaatras pa si Nex ng marinig ang sinabi nya. "Grabe naman yun, Sir Bogz! Baka sapak ang abutin ko kay Boss Pao, kapag sinabi ko po yan sa kanya." "Hindi nya gagawin yun sa'yo, lam mo kung bakit?" Umiling iling ang naiipit na waiter sa nakakakabang sitwasyon nya ngayon. "Dahil.. Alam na alam na ni Paolo kung kanino nanggaling ang sasabihin mo sa kanya ngayon. Kaya imemorize mo ng dialogue mo. Hmm..." Matapos guluhin ang buhok ni Nex, naglakad na si Bogz patungo kila Rowena at Heart na nakikipag usap pa rin sa bartender. Umupo sya may dalawang dipa ang layo sa dalawang dalaga. Nilabas ang cellphone saka tinawag ang bartender na kausap nung dalawa. "Hey! Kwatro, give me one shot of scotch whiskey, here!" Kunwaring abala sa kanyang cellphone na order ni Bogz... ni hindi man lang sinulyapan ang bartender na si Kwatro. Kaagad naman itong nag excuse sa kausap na mga babae at lumapit sa kanya. "Dalmore or Macallan, Sir Bogz?" "Mix.. Thanks, Kwatro." Mula sa gilid ng kanyang mata, nakita ni Bogz ang pagtayo ni Rowena mula sa pagkakaupo nito sa stool. Lihim syang napangiti ng maglakad itong palapit sa kanya. "Bogz! Musta na? Tagal nating di nagkita ah..!" Nilapag nyang cellphone, tinanggal ang shades saka dahan dahang bumaling ng tingin kay Rowena,. Kunwaring di nya napansin si Heart na nakatayo na sa tabi ng kaibigan at titig na titig sa kanya. "Oh, hi! Miss Boombastic! Long time no see! since that Antipolo incident. Kumusta na?" "Heto, malapit ng masagad ang pasensya ko sa barumbado mong kaibigan.. Haizt! May pag asa pa kayang magbago yang si Banana ko?" Nangalumbaba si Rowena pagkaupo nito sa tabi ni Bogz, napasunod na rin ng upo si Heart sa bakanteng stool may isang dipa ang layo sa dalawang seryosong nag uusap. Feeling kasi nito ngayon ay naa out of place na sya, lalo pa't parang di sya nakikita ni Bogz, lagpas lagpasan kasi ang tingin ng binata sa kanya. 'Suplado pala sya in person, kala ko pa naman mabait, kasi dalawang beses na nya akong naisave, di naman pala!' Napaismid si Heart ng makitang pagtawa ni Bogz, halatang aliw na aliw itong pagmasdan ang naiimbyernang mukha ni Rowena. Stress na kasi ito sa boyfriend na si Paolo, sobrang babaero naman kasi ng taong 'yun. Di lang talaga mahuli huli ng kanyang kaibigan sa akto. Kaya wala itong magagawa kapag nagtatalo ng dalawa tungkol sa pambababae nito. Kumbaga laging nakakalosot kasi walang maipakitang katibayan si Rowena, puro lang sabi ni ganito, sabi ni ganyan ang kanyang ebidensya. 'Hay mga lalaki nga naman.. Pare parehas lang!' Dali daling inilabas ni Heart mula sa kanyang sling bag ang tumutunog na cellphone. 'Cejay calling...' Naburang pagkayamot ni Heart ng makita kung sinong tumatawag sa kanya. Napapangiting kaagad nitong sinagot ang caller. "Hello! Oh, Cejay! Ba't napatawag ka? May problema kaba?" Sabay pang napabaling ng tingin sila Rowena at Bogz sa dereksyon ni Heart. 'Cejay? Sino naman yun?' Kunot noong salubong ang dalawang makakapal na kilay ni Bogz, habang nakatingin kay Heart na masayang masaya ang bukas ng mukha. Naramdaman nyang biglang pagtayo ni Rowena, nagmamadali nitong nilapitan si Heart, saka tinapik na lang bigla sa braao ang kaibigan. "Hoy! Heart, talande ka talagang bruha ka! Bakit kausap mo na naman ang supot na yan ha? Wala ka talagang kadala dala." Itinapat ni Heart ang hintuturong dalari sa labi ng nagtatalak nitong kaibigan. "Shhh... Weng, wag mo muna akong pagalitan.. mamya na lang okay? Please...!" "Hindi..!! Patayin mo yang phone mo Heart, sinasabi ko na sa'yong manloloko ang lalaking yan! Sasaktan kana naman ng gagong 'yan!" At nag agawan na sa cellphone ang magkaibigan. 'Tsk..! Parang mga paslit lang ..!' Dina nakatiis si Bogz na di makisali sa dalawa. Tumayo na rin sya't nilapitan yung dalawa na nag aagawan pa rin sa cellphone. Mabilis nyang hinablot ang hawak na cellphone ni Heart. Dun lang natigil ang dalawa. Sabay pang napabaling ng tingin sa kanya. Seryoso naman ang mukha ni Bogz na palipat lipat ang pagkakatingin sa dalawang dalaga... Napakunot nuo si Bogz ng biglang mag ring ang cellphone nitong hawak. 'Cejay Calling...' Walang pag aalinlangan nitong sinagot ang tawag na ikinalaki ng mga mata ni Heart. "Jewel..! hello, Jewel..! Anubang nangyayari dyan? Narinig kong boses ni Rowena, kasama mo ba sya? Kala ko ba magkikita tayo ngayon?" Napatiimbaga si Bogz pagkarinig sa boses lalaking tila galit. 'Relax Bogz! Problema nila 'yan! Don't involve yourself! Hayaan mo sila!' Napahinga sya ng malalim, saka inabot kay Heart ang cellphone nito. "Pumili ka ng taong may mabuting kalooban, hindi yung taong puro kahambogan lang ang alam..!" Sabay talikod ni Bogz, saka naglakad palabas ng Whistle bar. Nakatanga namang naiwan ang dalawang dalaga na parehas awang ang labi, nakasunod ang tingin kay Bogz hanggang makalabas na ito sa exit door. Saka pa lang nahimasmasan ang dalawa, nagkatinginan at sabay pang natawa. "Anong nangyari dun? Ang weird nya talaga! Kala mo naman kilalang kilala ka nya, eh samantalang tulog ka naman daw sabi ni Paolo nung sunduin tayo ni Bogz sa Antipolo." "Ha! Anu yung sinabi mo Weng? Sya yung sumundo sa'tin sa Antipolo?" Napaisip bigla si Heart. Akala kasi nya ito ang nagligtas sa kanila ni Rowena sa mga sangganong tumambang sa kanila noon. "Oo, si Bogz ang tinawagan ni Banana, nasaksak kasi sya, at isapa motor lang ang kanyang dala, tapos pareho pa tayong walangmalay." "Mabait din pala sya, di nga lang halata! Wala kasi sa hitsura na makakagawa ng kabutihan ang kagaya nya." "Huy! Sobra kana Heart ha! Kwento sakin ni Banana, dami mo daw utang na loob kay Bogz. bah! ilang beses kana daw niligtas nung tao ah! Kaya, dapat maging mabait ka sa kanya." Nakonsensya naman kaagad si Heart.. Hindi lang naman kasi utang na loob ang usapan, mas pinoproblema nya ngayon ang pakikipag kasunduan ng kanyang mga Magulang sa Mga Magulang ni Bogz. Panu sya magpapakasal sa binata kung nagkabalikan na sila ni Cejay? 'Puff! Panu ba ito? Anubang gagawin ko? Magpapakasal ba'ko sa lalaking hindi ko mahal, O makikipagtanan sa lalaki na aking minamahal?' Malaki ang problema nya ngayon sa totoo lang.., mula ng manggaling kasi sila sa bahay ng mga Canox nung nakaraang buwan, na settle na ng kanilang mga Magulang ang lahat tungkol sa kasalang magaganap sa pagitan nila ni Bogz. Kahit na anong pag ayaw at tanggi pang gawin ni Heart, wala syang nagawa sa nais ng kanyang Papa. Ito pa rin ang masusunod at hindi sya. Lalo pa't suportado rin ito ng kanyang Mama. "Hoy! 'Nung nangyari sa'yo? Ba't tulala kana naman dyan?" Tinapik tapik ni Rowena ang pisngi ni Heart. Napakurap kurap ng mga mata ang tulalang dalaga. "Weng, tulungan mo naman ako!" Pagmamakaawa ni Heart sa kaibigan. "Naku! Heart ha! Kung tungkol sa kupal na si Cejay na naman yang help na sinasabi mo, wala kang mahihita sa'kin." Makikiusap pa sana ulit si Heart kay Rowena ng mag ring ang kanyang cellphone. 'Cejay Calling...' Akmang sasagutin na nyang tawag ng biglang hablutin ni Rowena ang cellphone nyang hawak. "Bakit ka tinatawagan ng hayop na ito ha? Nagkabalikan na naman ba kayong dalawa? Sagot..!" Nanggigigil na tanong nito sa kanya. "Weng... wag ka namang magalit.. Support lang oh! O di naman kaya unawain mo na lang ako, please!" "At ano, ha! Heart? Magpapakatanga kana naman sa lalakeng yan? Hahayaan mo na naman syang saktan ka ng paulit ulit? Letche!.. naman Heart! Maawa ka naman sa sarili mo... Sabi mo nga durog at wasak na wasak kana! Eh bakit, ngayon umuulit kapa?" Labas ng litid sa leeg ni Rowena, dahil sa inis at galit na nararamdaman nito ngayon. Hindi para kay Heart, kundi para kay Cejay ulupong na umaaligid na naman ngayon sa napakarupok nitong kaibigan. "Weng, tama na! Nakakahiya..." Natatarantang awat ni Heart. Halos kaladkarin na nyang kaibigan palabas ng bar, makaiwas lang sa mga mapanuring mga mata ng mga taong nagsasaya sa lugar na yun. "Ahh... Nahihiya ka sa mga tao dito? Pero sa sarili mo dika na nahiya? Alam mo nakakapagod kana eh! Nakakapagod ka ng maging kaibigan! Sige, simula sa araw na ito, hindi na ako makikialam sa personal na buhay mo! Bahala ka kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo! Labas na'ko dun." Sabay walk out ni Rowena. Nasundan na lang ng tingin ni Heart ang matalik nitong kaibigan na palabas ng Whistle. Wala na.. Nasagad na yatang pasensya nito sa kanya. Masakit! Napakasakit para sa kanya, na mawalan ng isang kaibigan na mapag kakatiwalaan. Na ang turingan nila ay parang magkapatid na... Kasangga sa lahat ng bagay, tagapagtanggol at laging nakaalalay... Buwis buhay na nakikipaglaban para sa puri nilang iniingatan.. Takbuhan kapag nagigipit sya't may pinagtataguan.. Ang lahat ng kabutihan na inambag nito sa kanyang buhay ay mauuwi ba sa wala? Hahayaan na lang ba nyang mangyari ang mga bagay na ganito? Bibitaw na lang ba sya basta sa pagkakaibigang ilang taon ding inalagaan? Makakaya ba nyang pakawalan ang mahahalaga sa kanyang buhay, dahil lang sa isang lalaki? Ang punot dulo ng lahat ay itong si Cejay.. Ang lalakeng tila ginayuma yata sya, kaya hindi sya makawala wala sa lalakeng ito, kahit na ilang beses na syang sinaktan at itinapon na parang isang basura. Mahigpit parin ang pagkakakapit nito sa kanyang puso. Na kahit durog na, biglang nabubuo kapag nasa buhay na nya ulit ito. Napababa ang kanyang tingin sa kanyang cellphone na patuloy pa ring tumutunog. Napahigpit ang pagkakakapit nya dito. 'Cejay Calling...' Pikitmatang sinagot nyang tawag nito.. "Hello, Cejay..." Hingang malalim. "Papunta na ako..." Kasabay nito ang pagpatak ng kanyang mga luha... Heto na naman sya, babalik sa chapter ng buhay nyang masokista! Ala eh! Nasa punto pa rin sya ng kanyang buhay ngayon na... pipi, bulag at bingi, sa labis na pagmamahal nya kay Cejay.. Yun ang katotohanan na hindi nya matatakasan... Na dipa talaga nya kayang mag move forward.. Kaya heto sya ngayon.. Moving backward na naman sya sa kanyang buhay... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD