Sekreto ꨄ

2153 Words
'Bakit ko ba, tinulong tinulungan ang babaeng ito, na puro problema at sakit ng ulo lang ang hatid sa'kin?' Habang gumagana ang isipan ni Bogz, abala naman ang kanyang mga mata kakatingin kay Heart, tahimik lang itong nakaupo sa tabi ng mga Magulang nito.. 'At bakit ko ba sya dinadala dito sa bahay? Tanga lang ako! Ganun ba yun? O baka naman, nagiging totoo na yung sinabi sa'kin ni Paolo, na ang babaeng ito ang kabiyak ng puso ko?' Napailing iling na lang si Bogz sa mga naiisip. Napatagal ang kanyang mga mata sa maamong mukha ng dalaga, gustong gusto nyang pagmasdan ang mamula mula nitong pisngi, ang matangos nitong ilong, ang medyo may kakapalang labi. 'I'm sure! Masarap sipsipin ang mga labing 'yan.. Hehe, kelan, naman kaya kita matitikman?' Naburang kanyang ngiti ng mapagtantong kamalian. 'Oh damn! Anuba itong mga naiisip ko?' Habang mahahalay ng pumapasok sa kaisipan ng binata. Hindi naman mapalagay si Heart. Panu ba naman, ngayong nahanap na sya ng kanyang mga Magulang, sigurado syang.. di numero na naman ang bawat galaw at kilos nya magmula ngayon. 'Panu na'ko nito ngayon? Siguradong hindi na ako nito makakalabas ng bahay.. At kung sakali mang papayagang makalabas, may asong bubuntot buntot sa'kin san man ako magpunta!' Kaagad na iniwas ni Heart ang tingin ng magtama ang mga mata nila ni Bogz sa pang apat na pagkakataon. 'Huh! Bakit kung makatingin sa'kin ang lalakeng 'yan, parang hinuhubaran na'ko?' Napayuko na lang si Heart ng makaramdam ng pag iinit ng kanyang mukha. Ngayon pa talaga sya nahiya ha! samantalang dalawang beses na syang sinaklolohan ng burdadong lalaki na ito. "Ngayong magkaharap harap na tayong lahat dito, at nagkakilala ng mga Anak natin, mabuti pang pag usapan na natin ang future ng mga bata, Tamara." Kaylapad ng pagkakangiti ni Tamara, halatang masayang masaya ito sa pagtitipong nagaganap ngayon sa kanilang mansion. Lalo ng marinig ang sinabi ni Mia sa kanya. Dina tuloy nya napansin ang pag alis ni Bogz sa tabi ng kanyang asawa. "Ay! Oo naman, Mia! Sang ayun ako dyan! So, kelan natin gaganapin ang kasalan ng mga bata?" Biglang sumingit si Heart ng marinig ang usapan ng kanilang mga magulang. Anuba namang kasalan ang pinag uusapan ng mga ito? Tama bang kutob nyang silang dalawa ni Bogz ang involved dito? "Excuse me po! Anu pong kasalan yun? Sino po ba ang ikakasal?" "Sino pa nga ba, Iha? Eh, di kayong dalawa ng Anak kong si Bogz." "Ano ho?" Biglang napatayo si Heart ng marinig ang sagot ni Tamara. Pero, napabalik din sya sa pagkakaupo ng hilahin sya ni Mia sa braso. "Bakit, may problema ba tayo dun Iha? Sa pagkakaalam ko kasi, eh! Dalawang beses ka ng inuwi ng Anak ko dito sa bahay." Kunot nuong tanong ni Tamara sa tila nagpa panic ng dalaga. "At kung wala nga kayong ugnayan, bakit ka nya palaging inililigtas at inaalagaan?" Segunda naman ni Sylven. Hindi na malaman ni Heart kung sino ang una nyang sasagutin sa mag asawa. Sumasakit ang ulo nya kakaisip sa mga nagaganap ngayon. "Kung sana sinabi mo na lang samin ng pormal, na kaya ayaw mong tumira sa Italy, dahil hindi mo maiwan ang yung kasintahan, maiintindihan ka naman namin Anak, hindi yung takas ka ng takas. Lalo mo lang pinapagulo ang sitwasyon." 'Kasintahan? Wala na nga kami ni Cejay eh!' Paano ba sya makakamove on nito, kung palaging may nagpapa alala sa hinayupak nyang ex? Pero, kahit naman sinaktan sya ni Cejay, mahal nya pa rin ang tarantadong yun! At nais nya pa ring balikan ang walang kwentang lalaking yun! "Ma, wala po akong boyfriend! Wala na po akong oras para isingit pa ang kalandian sa dami ng trabaho ko! Haayyz" Naiinis na sagot ni Heart, nawala sa kanyang isipan na hindi lang ang kanyang mga Magulang ang kanyang kaharap, kundi ang pamilya Canox din na tila nagulat sa kanyang inasal. "Ayusin mong pakikipag usap sa Mama mo Jewel, wag kang bastos!" Kaagad na sita ni Prince kay Heart ng makitang paglungkot ng mukha ng kanyang asawa. Ito ang pinakaayaw nyang pag uugali ng kanilang anak, hindi lang matigas ang ulo, palasagot pa! Anu kaya kung sabihin na nya dito ang tunay nitong pagkatao, kung sino talaga ito sa buhay nilang mag asawa? Baka sakaling tumino ito at dina maging suwail na anak sa kanila. Matagal na nyang pinagsisihan ang pagpayag na ampunin nila si Jewel. Para kasi sa kanya, masaya't kuntento na sya sa tatlong lalaki nilang anak ni Mia. Ang kaso, pangarap ng kanyang asawa na magkaroon sila ng anak na babae.. na di naman na pupwede kasi, muntik ng mawala sa kanya ang asawa ng huling manganak ito sa bunso nilang si Dark. Ikinalungkot ni Mia ang balitang hindi na sya maaaring magkaanak pa, dahil dina ito kakayanin ng kanyang matris. Kaya napagkasunduan nilang mag asawa ang s*x withdrawal method para dina maulit pang mga nangyari kay Mia. Pero, isang araw bumisita sa kanilang bahay ang kanyang kaibigan na si Griffin, kasama nitong asawa na si Kissy.. Kung nagagalak syang makita't makasama ulit ang kaibigan, mas lalo na si Mia, ng makita ang isang baby na karga karga ni Kissy. Samantalang akay naman ni Griffin ang kambal nilang anak na mag tatatlong taong gulang. "Ang cute naman ng baby nyu, pwedeng kargahin ko muna sya?" Haplos haplos ni Mia ang mamula mulang pisngi ng baby na buhat ni Kissy. "Oo naman! Kung gusto mo nga sa'yo na sya eh!" Awang ang labing nalipat ang tingin ni Mia kay Kissy. Nagtatanong ang mga mata nito. "Seryoso? Bakit mo pinamimigay ang anak nyu?" "She's not our daughter! Anak sya ng namatay kong PA na si Heart Jewel Nolasco, and since nasa kulungan naman ang Father nito, at nasa Probinsya naman ang kamag anakan... wala na akong mapagkakatiwalaang mag alaga dito, kaya sa inyo na lang sya!" Napababa ang tingin ni Mia sa kargang baby na mahimbing ang pagkakatulog. "Ang gandang bata! Sige, aamponin na namin ang cute na baby'ng ito! Hmmm..." Kaagad na sang ayun ni Mia. Di man lang nya tinanong muna si Prince kung papayag ba ito o hindi..! Basta maligaya sya ngayong karga na nyang batang babae na kanyang pinapangarap noon pa man. "Good! I'll take care with the legal adoption papers." Ani Griffin. "T- Teka lang muna Mahal..! Seryoso kaba dyan sa sinasabi mo?" Di napigilang tanong ni Prince sa asawa. "Yap! At wag ka ng komontra.! Sa ayaw at sa gusto mo... Aampunin ko ang cute na baby'ng ito!" Labag man sa loob ni Prince na ampunin ang baby, wala rin naman syang magagawa kapag ginusto ni Mia, yun ang masusunod. Ang tanging ginawa na lang ni Prince ay inimbistigahan nya ng lihim ang pamilyang pinanggalingan ng bata. Ilang araw lang ang ginugol ni Prince sa pag iimbistiga nalaman nya kaagad ang background nito. Isang personal assistant ni Kissy Gornican si Heart Jewel Nolasco.. Sa edad na bente, nabuntis ito sa on in off boyfriend nitong si Norman Elias.. na nakakulong dahil nahulihan ng drugs. At dahil namatay sa panganganak ang Ina ng sanggol at nakakulong naman ang Ama nito, pumayag na lang din si Prince na ampunin ang bata. At bilang respeto sa mabait nitong Ina, isinunod nilang pangalan dito, kaya ng maging legel ng adoption, naging Heart Jewel Saji na ang baby.. Tanging sila sila lang na mag kakaibigan ang nakakaalam ng lahat, inilihim din ng mag asawa maging sa tatlo nilang anak ang tungkol kay Heart Jewel Nolasco. Pero, ngayong dalaga na ito, hindi nila inakalang mag asawa na magdadala at magdudulot ito ng kaguluhan at hindi pagkakaintindihan sa kanilang pamilya. Hindi matukoy ni Prince kung kanino nagmana ng pag uugali itong ampon nila... Kung sa masokista ba nitong Ina? O sa durugista nitong Ama? Panu nya naisip yun? Kasi, ni wala man lang namana kahit konting pag uugali nilang mag asawa itong si Jewel, Eh! Saksakan sa tigas ng ulo.. suwail na anak! Minsan, nais nyang pagsabihan si Mia na.. wag i spoiled ang ampon nila dahil lumalaking matigas ang ulo.. Pero, kapag nakikita nyang masaya ang kanyang asawa, lumalambot na rin ang puso nya. 'Anubang kelangan ko pang gawin sa batang ito para maging masunurin naman samin?' Hinilot hilot ni Prince ang sintido na pumitik bigla, tila kahit utak nya parang sumusuko na sa kakaisip... stress na stress na talaga sya. "Sorry Ma!" Bumaling naman si Heart sa Ama "Sorry Pa! Hindi po ako pumapayag sa gusto nyu! Hindi na uso ngayon ang arrange marriage, saka di naman po tayo Chinese!! para sumunod sa tradisyon nila, pasensya na po, dahil NO ang sagot ko!" Tumaas na naman ang presyon ni Prince ng makita ang biglang pagtayo ni Heart. 'Heto na naman sya.. nagmamaldita na naman.. Hay naku! Tigas talaga ng ulo! Tsk.. tsk..!' Ng mag umpisa itong maglakad patungong pinto ng bahay nila Zylven at mapadaan sa tabi nya, bigla nyang sinunggaban ang braso nito. Mahigpit na hinawakan at hinatak pabalik sa kinauupuan nito sa tabi ng kanyang Asawa. "Dyan ka lang! Wag mong sagarin ang aking pasensya! Heart Jewel, baka masaktan lang kita..!!" Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Prince na dinuro duro pang nabiglang dalaga. Natulala naman ito at awang pang labi na nakatingin sa kanyang Ama. "P- Pa?" Hindi ito inaasahang mangyari ni Jewel, dahil kahit minsan, hindi nya naranasang masigawan ng kanyang Ama. "Prince!!" Sa biglang pagtayo ni Mia, kaagad nitong niyakap ang galit na asawa. Ramdam nyang panginginig ng katawan nito, marahil sa sobrang galit na tinitimpi lang para di nito masaktan ang kanilang anak. "Bro! Calm down!" Nakiawat na rin si Zylven ng makitang pamumula ng mukha ni Prince. Nilingon nito ang asawa, tila nangungusap ang mga mata nito ng sabihing... "Tamara! Dalhin mo na muna sila Mia at Heart sa hardin, sige na!" Kaagad namang tumalima si Tamara, ayaw nya ng ganitong mga eksena sa pamamahay nya. Dyoskuday! Mga antique ang kasangkapan nila na galing pang Thailand, kaya ingat na ingat syang walang mababasag at masisira ni isa man sa mga gamit nya. Dina nya kelangang makiusap pa sa mag ina, dahil pagtingin nya sa mga ito, kusang bumitaw si Mia sa pagkakayakap sa asawa, saka nito hinila si Heart palabas ng bahay nila. Palabas na sya ng pinto ng marinig nyang galit na boses ni Prince. "Haahh.. Sinasagad talaga ng batang yun ang aking pasensya!" "Relax! Hindi mo sya mapapasunod kung dadaanin mo sa pwersahan ang 'yung diskarte, Bro!" "Sana di na lang namin sya inampon, kung ganitong puro kahihiyan at sakit ng ulo lang naman pala ang ibibigay nya sa'ming mag asawa." Sunod sunod ang paghingang malalim ni Prince, pilit pinapakalma ang kanyang sarili. Dipa nga humuhupa ang kanyang galit, kaagad na may pasabog ng balita sa kanya si Zylven. "His father is out of jail." "Huh! Kelan pa?" Mabilis nyang nilingon ang katabi. "Last year." "Last year pa? Bakit dimu kaagad sinabi sa'kin?" Angil nito kay Zylven. "Sabi ni Griffin, wag ko daw sabihin sa'yo eh!" Nagpipigil ng tawang sagot ni Zylven kay Prince na mas lalo pa yatang nagalit sa binalita nya. "Tangna! Sino bang nagbabayad sa'yo para mag monitor sa drug addict na yun, si Griffin ba?" Umigkas ang kamao ni Prince, tumama ito sa dibdib ni Zylven, dun na humulagpos ang malakas na tawa nito. "Hahaha.. Relax Bro! Eh kung sinabi ko ba kaagad sa'yo, tingin mo makakaharap mo ngayon yang anak mo? Baka mas lalala pang sitwasyon pag nagkataon.. don't be angry! I will give you the address of that Norman Elias." "Dapat lang! Ngayong nandito na ulit ako sa Pilipinas, aayusin ko ng lahat!" "Anong binabalak mong gawin?" Curious na tanong ni Zylven kay Prince. "I will return Heart Jewel to her real father!" "What about Mia? Siguradong di papayag ang yung asawa." "Darating talaga yung pagkakataon na kahit hindi mo gusto gawin yung isang bagay, mapipiltan kang gawin kasi kailangan... Saka, kelangan pa bang ipaalam sa kanya?" Nakangising sagot nito sa kaibigan. "You mean! Dating gawi?" "Yeah!" "You need the team?" "Of course! I need the assassins! You know how stubborn my adopted daughter is! I don't want her to run away again!" "Okay! I'll contact everyone.. when do we move?" "As soon as possible!" Dahan dahang humakbang paalis ng beranda si Bogz. Sapat ng mga narinig para masagot ang mga katanungang nagpapagulo sa kanyang isipan mula pa kaninang mahuli sila ni Puso sa kanyang silid. 'Grabeng rebelasyon ito..Napaka komplikado naman ng buhay nya.. Kaya ba sya takas ng takas dahil alam na nyang ampon lang sya? Siguro, kaya sya nagrerebelde dahil nilihim sa kanya nila Tito Prince at Tita Mia ang pagkatao nya, ganun nga kayang dahilan nya?' Buti na lang pala at nagtagal pa sya sa terrace pagkatapos nyang makaubos ng dalawang stick ng sigarilyo. Ngayon may sekreto pa syang natuklasan tungkol kay Puso. 'Marami ka ng utang sa'kin sleeping beauty.. Mahal ang serbisyo ko, kaya maghanda handa kana.. dahil mag uumpisa na akong maningil sa'yo...' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD