SIERRA CASA BLANCA'
"Bogz!"
"Darn!" Napapikit na lang ng kanyang mga mata si Bogz ng marinig ang boses ni Max.
'Panu nalaman ng ungas na'to ang kinaroroonan ko?'
Napasulyap si Bogz kay Ziglo, na pinapasadahan ng tingin ang mga kaibigan nyang bagong dating.
"We have company" ani Ziglo.
"Yeah! Mga ka brothers natin sila!"
"Oh, really? Good to hear that you continue our Brotherhood Society.."
"Of course! Dyan nabuo ang samahang walang katulad. Gusto mo bang ipakilala kita sa kanila?"
"No need! I prefer to remain as a legend in their minds."
"Okay, kung yan ang gusto mo! yan ang susundin ko, Master Ziglo!"
Natahimik silang dalawa ng magsidatingan ng mga ka brothers nila,
"Ano Bro, may balita kana ba kay Zero?" Nag aalalang tanong kaagad ni Magnus sa kanya.
"Grabe! Dalawang araw ng nawawala ang taong yun ah! Di kaya na kidnap?" Hirit naman ni Kleiton.
"Tange! black belter sa taekwondo, makikidnap? Imposible naman yata yun!" Pambabara na naman ni Max kay Kleiton.
"Hindi imposible, kung under the table ang kumuha sa kanya." Seryosong sabi naman ni Lucas.
"Kung ganun ngang nangyari, anupang tinutunganga natin dito? Tara na! Bago pa mahuli ang lahat!"
Hahakbang pa lang si Arrow ng magsalita si Ziglo, na kanina pa tahimik at nakikinig lang sa usapan nila.
"No worries gentlemen! Nagbabakasyon lang si Fossils, bukas babalik na sya."
Napatingin ang magkakaibigan kay Ziglo, nakaguhit sa mga mukha ng mga ito ang labis na pagtataka, kanina pa kasi sila nag uusap usap, ngayon lang nila napansin ang presensya nito. At ang boses, tila nanggaling sa hukay.. Kumbaga parang namamaos at hirap na hirap magsalita, dahil halos dina nga nila marinig ng malinaw ang boses nito.
"Who you?" Maangas na tanong ni Max.
"Where have you been?" Dumidila pa sa kanyang lollipop na tanong ni Kleiton.
"I am Ziglo, and I come from Fossus!" Walang kangiti ngiting sagot nito.
"Fossus? May lugar bang ganun?" Kunut nuong nag isip pa si Arrow.
"Oo, sa Europe yun! mga temang! Magsiuwi na nga kayo!" Pagtataboy ni Bogz sa mga makukulit nyang kaibigan.
"Bakit mo naman kami pinapauwi? Eh! Tutulong nga kami sa paghahanap kay Zero!" Angal ni Max.
"Dimu ba narinig ang sinabi ni Ziglo? Nasa bakasyon nga si Zero! Kaya magsilayas na kayo!"
Naiiritang pinagtutulak na ni Bogz ang makukulit nyang kaibigan.
"Tara na nga! Baka masipa pa tayo dito ng wala sa oras!" Nauna ng nagpaalam si Lucas.
"Call us! Kapag nakauwi na si Zero, Bro!" Sumaludo pa talaga si Magnuz kila Bogz, bago sumabay sa paglalakad ni Arrow.
"I will!" Napabaling si Bogz kila Max at Kleiton. "Oh! Kayong dalawa! Anupang ginagawa nyu dito? Magsilayas na rin kayo!"
"Sasamahan kana lang namin!"
"Hindi na Max! Umuwi na lang kayo ni Kleiton, sasamahan ko pa kasi 'tong si Ziglo."
"San naman kayo pupunta?" Nagdududang tanong ni Max.
"Sa NBI, sasama kapa rin ba?"
"Hindi na kami sasama!" Tinapik ni Max si Kleiton. "Tara na Bro! Manghuli na lang tayo ng Sawa! mas exciting pa!"
Nagkatinginan na lang sina Bogz at Ziglo, sabay pang napatawa ng medyo may kalayuan ng distansya nung dalawang pasaway sa kanila.
"Matanong ko lang! Alam mo ba kung nasaan ngayon si Zero?"
Tumango si Ziglo. "Kaya nga ako nandito, para pakiusapan kang sumama sa'kin! Kailangang sundan natin si Fossils sa Fossus, at kunin ang babaeng tagalupa na dinala nya doon."
"May babaeng dinala si Zero sa mundo nyo? Sino?"
Parang ayaw pang maniwala ni Bogz, na may kasamang babae si Zero. Alam nya kasi ang tungkol sa nakaraan nito, kung panu nasira ang buhay nito dahil lang sa isang babae. Hindi pa sila magkaibigan nun, pero ang mga Magulang nila ay matatalik ng magkakaibigan. Madalas sa bahay nila Bogz ang mag asawang Amber at Gaelan, kaya nya naging kaibigan ang nag iisang anak ng mga ito na si Zero Fossils Ablan.
"Hindi ko kilala, pero, ang alam ko ngayon ay kailangan nating maunahan si Amber na makita yung dalawa."
"Bakit naman?" Nababasa ni Bogz sa mga mata ni Ziglo ang labis na pag aalala. 'Bakit kaya?'
"Dahil sa oras na mahanap at makita ni Amber ang kasamang babae ni Fossils, natitiyak kong.. hindi na ito sisikatan pa ng araw! Kaya halika na! Hindi tayo dapat nag aaksaya ng oras! Dahil naglalakbay na si Amber patungong Engkantadya ngayon."
Sasagot pa sana si Bogz, ng biglang maging dambuhalang Agila na si Ziglo. Hindi ito nag anyong Kwago ngayon, na nakasanayan nitong gawin, kapag si Amber ang kasama. Napaatras pa si Bogz sa pagkagulat.
"Nyemas! Bakit ba hindi pa'ko nasanay sa'yo? Eh! Matagal ko na namang alam na isa kang Engkanto! Tsk!"
"Mismo! Kaya, Halika na! sumumpa kana sa likod ko! Mahalaga ang bawat segundo! Kelangang makuha mo na agad at maibalik dito ang babaeng kasama nya!"
Dali dali namang sumampa si Bogz sa dambuhalang Agila. Napadapa kaagad sya pagkaupong pagkaupo pa lang nya, ng malakas na ikinampay ni Ziglo ang mga pakpak nito.
"Hollyshit! Master, wag mo'ko ilalaglag ha! Di'ko pa nahahanap si Destiny! Kaya ayoko pang mastugi!"
Mas napahigpit pang kapit nya kay Ziglo ng umikot ito sa himpapawid.
"Wag kang mag alala, makakaharap mo na ang ka destiny mo, yun ay kung di tayo maunahan ni Amber!"
"Ano yun? Anu yung sinabi mo Master? Pakiulit nga, diko kasi masyadong narinig eh!"
Nakapikit ang mga mata ni Bogz, dahil sa hampas ng hangin, nanghahapdi kasi ang kanyang mga mata, kaya minabuti nya na lang ang pumikit, di nya tuloy nakikita ang ganda ng Engkantadya.
"Wala! Sabi ko, sadyain natin si Whisper.. Sigurado akong dun dinala ni Fossils ang tagalupa."
"Sige, lang.. Ikaw ng bahala!"
'KABUNDUKAN NG HORMUZ'
Habang parehong naglalakbay sa magkabilang bahagi si Amber at sila Ziglo at Bogz. Nakarating na si Fossils sa Hormuz, buhat ang walang malay pa ring si Heart.
"Whisper! Nasaan ka?"
Kaagad nitong tawag ng makapasok sa loob ng Kweba, kung saan nananatili si Whisper. Isa sa mga Alagad ng Bathala na si Krisanta.
"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo pabalik dito sa Engkantadya, Fossils?"
Napakunot nuo si Whisper ng makita ang babaeng buhat nito.
"Sino naman yang dinala mo dito? Dika na nagtanda eh! Ikaw ba'y may balak na gawing Dyablo ulit ang yung Ina, ha, Fossils?"
"Relax! Wala akong interes sa babaeng ito! Nais ko lang syang tulungan, kaya ko sya dinala dito!"
Mas lalo pang dumami ang gatla sa nuo ni Whisper. Halata ang pagka disgusto nito sa ginawa ni Zero.
"Kung hindi ka interesado sa kanya, bakit mo sya dinala dito? Fossils naman... Alam mo namang ikagagalit na naman ng yung Ina ang mga ganitong bagay, bakit ginagawa mo pa rin? Bakit mo sinusuway ang kagustuhan ng 'yung Ina?"
Dahan dahang inilapag ni Zero si Heart sa malambot na kama ni Whisper, hinaplos haplos nyang ulo nito, saka sinuklay ng kanyang mga daliri ang magulo nitong buhok. Sa kilos na kanyang ginagawa, napataas ang kilay ni Whisper.
"Ganyan ba, ang tamang kilos ng walang interes sa tagalupang yan? Yung totoo Fossils! Anong balak mong gawin sa babaeng yan?"
"Wala nga! Makikiusap lang ako sa'yo, kung pwede mo ba akong tulungan? Sige na, please! Last na'to!"
Napaismid na lang si Whisper.. "Hmp! Ilang last na bang hiniling mo sakin, ha? Sa tuwing nagkikita tayo, yang last na yan ang palaging naririnig ko sa'yo."
Nilapitan na ni Zero si Whisper, nilambing lambing, alam nyang mareklamo lang ito, pero maya maya papayag din naman. Hindi sya nito matitiis, dahil, sabi nga nito sa kanya, ay parang Anak ng turing nito sa kanya.
"Anu na naman bang gusto mo ngayon? Sabihin mo na't nararamdaman kong papunta na dito ang yung Ina."
"Yes!" Napasuntok pa si Zero sa hangin, dala ng labis na sayang kanyang nararamdaman. " Maraming salamat! Whisper. Ang lakas ko talaga sa'yo!" Niyakap yakap nya pa ito.
"Sus! Kaya, sinasamantala mong kahinaan ko!" Sinulyapan muna ni Whisper ang walang malay na dalaga. Napapalatak na lang ito ng makitang malakas ang karisma nito.
"Siguro naman.. Ayaw mong makita ang magandang tagalupa na ito, na paggugutay gutayin ng Ina mo, sa mismong harapan mo?"
"Syempre hindi! Dahil, kapag nangyari yun, mawawalan ako ng isang matalik na kaibigan. Ayokong mabawasan ang mga kaibigan ko! Iilan lang silang pinag kakatiwalaan at iniingatan ko! Kaya pagbigyan mo na"ko sa hihilingin ko ngayon sa'yo!"
Napabuntong hininga na lang si Whisper, hindi naman nya magagawang tanggihan itong si Fossils, napamahal na kasi ito sa kanya. Kung noong tinanggihan nya si Amber ng lumapit ito sa kanya, ay inusig sya ng kanyang kambal diwa.. At ngayon, ang Anak naman nito ang lumalapit sa kanya, hinding hindi nya ito tatanggihan, makabawi man lang sya sa kanyang pagkukulang noon kay Amber.
"Anubang nais mong gawin ko sa tagalupang yan? May limang minuto pa tayo, bago magsidatingan dito ang mga naghahanap sa'yo!"
"Pwede ba nating silipin ang mga alaala ng babaeng 'yan! Kasamang pinaglilingkuran nitong modelo na si Katie Spence Fedora Nylian?"
Napamulagat ang mga mata ni Whisper, nagulat ito ng marinig ang pangalan ng nag iisang babaeng minamahal ni Zero Fossils Ablan. Ang babaeng naging dahilan ng pagkamatay nito noon. Na kung hindi dahil sa taglay nyang kapangyarihan, hindi na ito nakatayo ngayon sa kanyang harapan at nangungulit. Ang babaeng hinahanap ni Amber, para pagbayarin sa lahat ng paghihirap at pagkamatay ng Anak nito.. Ang babaeng syang dahilan kaya nais pang mabuhay ng Engkantong kaharap nya ngayon. Ang babaeng pino
protektahan nila, mula sa Ina ni Zero Fossils Ablan.
"Anubang meron sa babaeng 'yun, at hanggang ngayon, dika pa rin tumitigil sa pakikipaglapit sa kanya?"
"Sya ang kaligayahan at buhay ko! Sapat na bang dahilan yun, para gawin mo na lang ang hinihiling ko sa'yo?"
Nagsukatan sila ng tingin, habang nakikipagtitigan si Whisper kay Zero, natiyak nyang hinding hindi ito padadaig sa kanya. At sa bandang huli, si Whisper na naman ang talo.
"Pumikit ka!"
Sumusukong utos ni Whisper kay Zero, itinapat nyang hintuturong daliri sa nuo nito, pagkatapos bumaling sya ng tingin sa wala pa ring malay na si Heart. Itinapat nya rin ang kaliwang hintuturo sa nuo nito. Kaagad na nabuksan nyang mga alaala ng dalaga. Hinayaan na lang nya si Zero na makita ang mga nais nitong makita sa mga alaala ni Heart kasamang pinaka mamahal na babae nito.
"Fossils, magmadali kana, parating na si Ziglo at ang kaibigan mong susundo, dyan sa tagalupang dinala mo dito."
Narinig nyang bahagyang pagtawa ni Zero. naiiling na sumipol kasabay sa pag ihip ng hangin si Whisper, pinatigil nya saglit ang takbo ng oras, para maantala ang pagdating ng mga panauhin nila. Maya maya nakita nyang dumilat na si Fossils, kaylapad ng pagkakangiti nito sa kanya. Ramdam ni Whisper ang nag uumapaw na kasiyahan at kaligayahang nadarama nito, kaya dina lang sya umimik.
"Maraming salamat! Ang liga ligaya ko! Ang sarap mabuhay..!"
"Syang tunay Fossils! Kaya, sana.. mag iingat kana! Alagaan mong iyong sarili.. pahalagahan mong buhay mo! Tandaan mong.. isang beses lang akong pwedeng bumuhay ng namayapa na, kaya lahat ng bilin ko sa'yo pakatandaan at sundin mo!"
Sunod sunod naman ang pagtango ni Zero.
"Ginagawa ko na! Kaya wag ka ng mag alala pa sa'kin! Yung mga lihim natin ha! Atin atin lang yun!"
"Oo na! Mas makulit kapa, kaysa sa Ina mo!"
Inayos ni Whisper ang suot na damit ni Fossils, pinalitan nya ito ng damit pang tao, saktong natapos na sya ng marinig nilang pagaspas ng mga pakpak ni Ziglo. Saglit lang at lumapag na ito. Pagkaapak ng mga paa nito sa lupa, at pagkababa ni Bogz, kaagad na naging Engkanto na ito.
"Bro!" Natutuwang tawag ni Bogz kay Zero. "Sa wakas! Natagpuan din kita! Lam mo bang nag alala kaming lahat sa- "
Napahinto si Bogz sa pagsasalita ng mahagip ng tingin nito, ang isang babaeng pamilyar ang mukha sa kanya.
"Sleeping beauty? Panu ka napunta dito?"
Akma nitong lalapitan si Heart ng pigilan sya sa braso ni Zero.
"Mag usap muna tayo Bro! Saglit lang 'to, bago dumating si Ina!" Nakikiusap ang mga mata ni Zero sa kaibigan.
"Marami akong gustong itanong sa'yo, pero, ipagpaliban ko muna, dahil delikadong maabutan ni Tita Amber si sleeping beauty dito!" Natatarantang sabi ni Bogz sa kanyang kaibigan.
"Heart, ang pangalan nya."
"Panu mo nalaman?" Awang ang labing tanong ni Bogz.
"Saka, ko na ipaliliwanag sa'yo! Iuwi mo na sya ngayun din, dahil malapit na si Ina dito! Dalian mo na, Bro!"
Nagmamadali namang nilapitan ni Bogz si Heart at maingat na binuhat.
"Ziglo!" Tawag ni Zero sa Engkantong nag anyong dambuhalang Agila, para makakaya nitong isakay ang dalawang tagalupa.
"Isakay mo na sila, at ihatid mo sa mundo ng mga tao! Magmadali kayo! Dalawang kurap na lang, nandito na si Ina!"
Tumulong pa si Whisper kay Bogz, na maisakay si Heart sa likuran ni Ziglo.. Saktong nakalipad ng mga ito, ng lumitaw si Amber.
"Fossils! Anak! Anong ginagawa mo dito?" Maluha luhang niyakap ng mahigpit ni Amber ang walang imik na Anak.
"Pinasyalan nya lang ako dito! Wala kang dapat na ipag alala Amber, ayos naman ang Anak mo!"
Makahulugang nagtinginan sina Whisper at Zero, ng malingat ng tingin ang Ina nito. Sumenyas pa ng pasasalamat si Zero, bago hinalikan sa nuo ang kanyang Ina.
"Bakit po kayo napasugod dito, Ina? May nangyari ba kay Ama?"
Para lang may masabi si Zero sa kanyang Ina, saka nais nyang pakalmahin ang sarili, dahil alam nyang dipa tuluyang nakakalabas ng lagusan dito sa Engkantadya sila Ziglo. Nag aalala syang baka tangayin ng hangin ang amoy ng kanyang mga kaibigan, malanghap ng kanyang Ina, malaking suliranin kapag nangyari yun.
"Wala naman, Anak! Nag alala lang kami ng yung Ama kasi, dalawang araw ka ng hindi umuuwi sa bahay."
"Patawad Ina! Kung di man lang ako nakapag paalam sa inyo ni Ama na uuwi ako dito. Hayaan nyu po, dina mauulit ang ganitong pangyayari!"
"Wala namang problema Anak, basta magpapaalam ka lang sa'min ha! Para hindi kami mataranta sa paghahanap sa'yo!"
Panay ang pisil ni Amber sa braso ni Zero, maya maya hinahalikan na nito.
Lihim namang napapangiti si Whisper, sa nakikitang kalambingan ng kanyang kaibigan. Parang ang hirap lang paniwalaan, na ang dating Dyablo ng Engkantadya.. Ang walang puso at hindi marunong magmahal na Diwata, na ang tanging alam lang ay pumaslang mapa hayop, Engkanto o Tao. Ngayon ay kaylaki na ng ipinagbago. Talagang iba ang nagagawa ng pag ibig.
"Dipa ba kayo uuwing mag Ina? Maggagabi na! Matatagalan kayong makalabas ng Engkantadya kapag kumalat ng dilim."
"Pwede mo kaming ihatid, kung nais mo lang naman! Para hindi na maantala ang aming paglalakbay!"
Kaylapad ng pagkakangiti ni Amber kay Whisper. Sinusubukan lang naman nito kung mapapapayag bang masungit na kaibigan.
"Pwede! Para sa kaligtasan ng Inaanak ko! Sasamahan ko kayo hanggang sa Lagusan patungong mundo ng mga tao."
"Ang bait bait nitong kaibigan ko! Ayan Anak ha! Narinig mong sinabi ng Ninong mo! Basta sa kaligtasan mo! Kikilos ito!"
"Yeah! Uwi na tayo Ina, kawawa naman dun si Ama, walang kasama!"
Palihim pang nagtinginan ulit sila Whisper at Zero. Bago nito inakay ang kanyang Ina palabas ng Kweba.
Ang tanong...
Paano kaya kapag nalaman ni Amber ang sekreto nung dalawa? Paniguradong si Whisper na naman ang sasalo sa galit nitong Dyablo ng Engkantadya.
?MahikaNiAyana