♪♪Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit..♪♪
Nagising si Heart sa malamyos na tinig ng isang boses babaeng umaawit. Pupungas pungas syang bumangon sa isang higaan na di lang napaka lambot, kundi napaka bango pa. Lumingap ang kanyang tingin sa paligid. Napakunot nuo sya ng mapagtantong hindi nya silid ang kinaroroonan nya ngayon.
Mula sa kisame na kulay bughaw na kalangitan, may mga ulap at Anghel na disenyo, napa wow pa sya sa ganda nito. Pero, habang nagtatagal ang kanyang pagtitig dito, napansin nyang mabagal na paggalaw ng mga disenyong ulap at mga Anghel. Dun nya nakita ang isang puting puti na Anghel, umaawit ito habang mabagal na naglalakad sa ulap. Dito pala nanggagaling ang magandang awitin na nagpagising sa kanya.
'Susmaryosep! Namamalikmata lang ba ako?'
Kinusot nyang kanyang mga mata. Maya maya tumingala ulit sya sa kisame, napa sign of the cross na sya ng makitang gumagalaw talaga ang mga disenyong ulap at mga Anghel. Kinakabahang napayuko na lang sya't nabaling ang tingin sa sahig ng silid. Akma na syang bababa ng kama ng bigla syang matigilan pagkakita sa disenyo naman ng sahig, di nya mawari kung tiles ba ito o carpet lang.
Kung ang disenyo ng kisame ay Langit at mga puting Anghel ang kanyang nakita, ito namang sa sahig ay Impyerno. Kadiliman na may nagbabagang apoy sa kapaligiran.. Mga Itim na Anghel na may mahahabang sungay at mahabang buntot ang kanyang nakikita, saang sulok man ng sahig nya ibaling ang kanyang paningin.
'Mahabaging langit! Anong klaseng silid ba itong kinaroroonan ko? Bakit naman po ganito ang mga nakikita ko dito, Diyos ko?'
Panay ang pagsa sign of the cross nya, ng kagaya nung mga disenyo sa kisame, gumagalaw din ang mga disenyo sa sahig. Napausod sya sa headboard ng kama, nanginginig na tiniklop nyang mga tuhod saka niyakap ng mahigpit. Umikot ang kanyang mapanuring tingin sa buong silid, ang wallpaper ng dingding naman ang kanyang napansin..
Magandang tanawin ng kabundukan, maaliwalas na kapatagan, panatag na karagatan at malinis na kapaligiran, ang kanyang nakikita ngayon. Tila gumagaan ang kanyang pakiramdam habang kanyang tinititigan ang mga disenyo ng dingding.. May naanigan syang nakasulat sa pinakagitna nito, kulay rainbow ang mga letra na nakasulat kaya kaiga igaya sa kanyang mga mata. Binasa nyang nakasulat...
"Between Heaven and Hell"
Mabilis na nag analyze ang kanyang utak.., ngayon ay malinaw ng lahat sa kanya, na ang bawat disenyong kanyang nakikita ay konektado sa isa't isa.
"Pambihira! Napakagandang tanawin naman nitong nasisilayan ng aking mga mata... Parang tila isang ilusyon lang ang lahat! Ay! Teka lang! Baka naman.. panaginip lang ito, di kaya?"
Tinampal nyang pisngi. "Aray! pucha! masakit!" Kinurot naman nyang braso, yung pinong pino para sagad to the bones ang epekto. "Whoa! sheteng! ansakiitt..! Totoo ito! totoong totoo.. ahuhuyy.."
Himas himas ang nasaktang pisngi at braso, pilit nyang inalala ang mga nangyari, kung bakit nandito sya ngayon sa isang silid na puno ng magic, saan man nya ibaling ang kanyang paningin. Ng biglang pumasok sa kanyang isipan si Kuyang putlain, yun ang tawag nya kay Zero Fossils Ablan. Si Kuyang driver na savior nya. Savior nga ba sa kanya? o baka naman isang distraction lang ang papel nito sa kanyang buhay.. di kaya?
"Anuba itong sinuong kong sitwasyon? Sa kakatakas ko kay Papa, mukhang mapapasama pa akong lalo! haayy.. Ayan kasi, Heart Jewel Saji! Napakatigas ng ulo mo! Napakatayog ng pride mo! Sa ugali mong 'yan, tiyak! yan ang ikakapahamak mo!"
Tinampal nyang nuo.. tinuktok ang kanyang ulo, ng dipa makontento, hinila hila pa nyang mahabang buhok.
"Ang tanga tanga mo talagaa..! Oh! Ano ka ngayon? Isa kang suwail na Anak! Kita mong napala mo? sa pagmamalaki mo sa'yong Ama, Mapapahamak kaaa..! Gaga ka talagaa..!"
Tagaktak ang pawis, walang tigil ang kanyang bunganga kakasalita. Kahit mahapdi ng kanyang anit, tuloy pa rin ang paghila nya sa kanyang buhok, paghampas sa kanyang braso, pagsuntok sa kanyang hita. Masakit para sa iba ang kanyang ginagawa, pero kay Heart, ang lahat ng sakit at hirap ito'y balewala. Ugali na nyang saktan ang kanyang sarili kapag, depressed, stressed, at higit sa lahat, kapag broken hearted sya. Aminado naman syang.. isa syang masokista. Mas masakit.. mas ikakasiya at ikakagaan ito ng kanyang kalooban, kapag nakokontento na sya sa lahat ng sakit na kanyang nararamdaman.
"Ano na ngayon ang gagawin mo ha? Gayung dimu naman alam, kung saang lupalop itong iyong kinasasadlakan? Ni hindi ka nga, maka call a friend kay Rowena, kasi, wala kang cellphone? Dimu maalala kung san mo isinuksok! Napaka burara mo naman kasi, talaga..!"
Sa intense drama ng eksena ni Heart, di man lang nito narinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan.
"Huy! 'Nung nangyari sa'yo?"
Napatigil sa kanyang ginagawa si Heart, dahan dahang bumaling sya ng tingin sa may pintuan. Mabilisang hinawi't sinuklay suklay ng kanyang daliri ang sabog sabog nyang buhok, ng makita nya ang nagtatakang mukha ni Zero.
"Anu bang ginagawa mo sa sarili mo ha? Anu, okay kana ba? Kumustang pakiramdam mo ngayon?"
Wala man lang syang sinagot ni isa sa mga tanong ni Zero sa kanya, basta't nakatingin lang sya dito. Gusto nyang magtanong, pero mas minabuti na lang nyang manahimik at hintaying ang binata na lang ang kusang lumapit at magkwento sa kanya.
"Miss..."
"Heart Jewel Saji, ang pangalan ko! Hindi Miss."
Naiinis na sabi ni Heart dito, Nakaismid nyang inirapan pa ito ng makitang pag ngiti ni Zero.
"Wow! Ang taray mo ngayon ah! San na yung.. hugotera kong pasahero, na non stop ang bibig kakadaldal? Bakit tila yata nag iba ang ihip ng hangin at naging masungit kana? Anong rason, ba't ka nagkakaganyan?"
Nakapamulsa sa suot na pantalon, bahagya pang lumapit si Zero at sinilip ang kanyang mukha. Napapalatak itong kaagad na tumuwid sa pagkakatayo ng makitang namumula ng kanyang mga mata, may namumuo ng mga luha dito, na anytime ay papatak na ng sunod sunod.
"Uy! Wag kang iiyak ah! Bawal! Mabubulabog ang mga nilalang sa loob ng silid na ito!"
Kaagad na pinalis ni Heart ang pumatak na luha sa kanyang pisngi. Ngani ngani nyang singhalan ang binatang nagpalakad lakad sa loob ng kwarto. Pinagmasdan nyang kabuoan nito. Mula sa basa nitong itim na itim na buhok, hinuha nya bagong paligo ito, sa itim na suot nitong T-shirt, na lalong nag patingkad sa mala porcelana nitong balat.. Kakaiba ang balat nito sa kanyang paningin.. tila naggo glow sa bawat paggalaw ng katawan nito.
"Sige na! magtanong kana sa'kin!. Hindi masasagot lahat ng gumugulo sa'yong isipan kung tititigan mo lang ako ng ganyan!"
Oo nga naman! Kesa, mag isip lang sya ng mag isip ng kung anu ano, ba't di nga ba sya magtanong sa putlaing lalaking ito?
"Nasaan na tayo ngayon?"
Taas noong tanong nya dito. Ang nais nya sanang unang malaman dito, ay kung bakit gumagalaw ang mga nakaukit na larawan sa buong silid na kanilang kunaroroonan? Pero, ang lumabas sa kanyang bibig na tanong ay tanging yun lang.
"Nasa Engkantadya tayo!"
"Engkantadya?" Napaisip syang bigla. Kala nya ginu good time lang sya ni Fossils, ng unang sabihin nito sa kanya ang tungkol sa Engkantadya. Eh, napapanuod lang naman nya sa GMA ang teleseryeng ito gabi gabi.
"So, totoo ngang lahat ng sinabi mo sakin, ganun ba 'yun, ha! Fossils?"
"Uhumm..'
"Eh, ang mga yan?" Inikot ng kanyang tingin ang bawat larawan na gumagalaw sa paligid nila. "Bakit, ganyan ang mga yan? Nakakatakot silang tingnan, lalo ng mga Anghel na itim na yan. "
Nababasa ni Heart sa mukha ni Fossils ang pagkabalisa nito, na tila may gusto itong sabihin sa kanya, pero, nag aalinlangan lang.. Marahil nag aalala ito sa magiging reaksyon nya.
"Sabihin mo na sa'kin, kung anuman yang nagpapagulo sa'yong isipan. Promise, iintindihin at uunawain ko ang lahat."
Ngumiti pa sya dito, para ipakitang okay lang sya, kahit na ang katotohanan nun, parang magigiba ng kanyang dibdib, dahil sa kaba na kanyang nararamdaman.
"Ganito na lang... May ikukwento ako sa'yo..."
"Hay naku! Anong kwento na naman ba yan? Kwentong barbero, na gawa gawa lamang ng mga taong malawak ang kaisipan? Hmp! Umay na umay na'ko sa mga kwentong ganyan."
Kaagad syang napasimangot at umirap sa binata, feeling kasi nya, may itinatago ito sa kanya, o sa madaling salita may inililihim ito, kaya di nito masagot ang kanyang katanungan tungkol sa mga desenyong, parang buhay na buhay sa kanyang paningin.
"Ito ay kwento ng isang makapangyarihang Engkantada at isang ordinaryong Tao lamang. Na nagkatagpo sa di inaasahang pagkakataon, sa isang magulo at madugong sitwasyon."
"Ha! Talaga ba? Me alam kang ganung kwento? Nakaka excite naman.. Sige! sige lang, magkwento ka lang... Makikinig ako, at dina kita tatanungin ng kung anu anupa!"
Tahimik na naglakad si Zero, patungo sa isang single chair malapit sa may nakabukas na bintana. Umupo, sumandal saka seryoso ang mukhang tumingin kay Heart.
"May isang Diwata na lumabas sa kanilang mundo, nagtungo sa mundo ng mga Tao, para hanapin at pagbayarin ang mga pumaslang sa buong Angkan nito, naging ulila sya, dahil sa walang awang pinatay at sinunog ang kanyang mga Magulang sa mismong harapan nya. Sa murang edad nya nuon, namulat sya sa kasamaan ng mga Tao na tumangay sa kanya patungo sa mundo ng mga Tao, kasamang iba pang Engkantong mga musmos pa.. Binebenta at ginawang mga alipin yung iba sa kanila. Kapag nagkakamali at sila'y nagkakasala.. Ikina kadena sila sa isang basement at duon nilalatigo, hindi pinapakain hanggang sa duon na sila malagutan ng kanilang hininga."
"Grabe naman yun! Napaka brutal naman nila. Kawawa naman yung mga bata, Kuya!" Di nakatiis na sabi ni Heart kay Fossils.
"Kala ko ba, di kana magsasalita! Na makikinig kana lang sa kwento ko?"
"Ops! Sorry naman, Kuya!" Nag peace sign kaagad sya sa binata. "Masyado lang akong nadala sa ikinwento mo, kaya diko napigilan 'tong bunganga ko! Sorry ah! Sige, tuloy mo ng kwento!"
"Isang Diwata ang Ina ni Amber, puting Mangkukulam na may lahing Bampira naman ang Ama nito. Taglay nya ang kapangyarihan na nagmumula sa kanyang Ama't Ina.. Isa syang Tagapagbantay sa Lagusan ng Kahariang Umbra, at tagaulat rin sya ng Palasyo. Bukod pa sa kanyang mga tungkulin, may ginagawang kakaiba si Amber kapag sumasapit na ang dilim. Walang awa syang pumapaslang ng iba't ibang masasamang nilalang.. Mapa Tao man, o mapa Engkanto. Inililibing nya ang mga ito sa kalupaan ng Fossus, at kapag naging isang buto na, saka sya gagawa ng isang tahanan, kung saan sya namamahinga kapag nanggaling na sya sa mundo ng mga Tao."
"Ganda ng pangalan nya.. Amber! Pero, nakakatakot naman ang kanyang mga ginagawa." Di napigilang singit na naman ni Heart.
"Ahem!"
Nakataas ang isang kilay ni Zero ng sulyapan ito ni Heart.
"Soowwrry..!" Nag peace sign na naman ulit sya sa binata na napapailing na lang.
"Isa namang Assassin secret agent si Gaelan Ablan, sa isang mission nito, unang nagtagpo ang landas nila ni Amber. Hindi man sila harapang nagkita, pero, sa unang nagtagpo ang kanilang mga mata, nagkaroon kaagad ng connection yung dalawa. Kung totoo nga ang destiny.. Yun ang nangyari sa dalawa, dahil kahit na one sided love affair ang relasyon nila, hindi sinukuan ni Gaelan ang Diwata na pinaka mamahal nya. Tinanggap nito ng buong buo ang katauhan ni Amber, na hindi lang isang Diwata, isa rin itong puting Mangkukulam at higit sa lahat isang Bampira.. Magkaibang mundo man ang kanilang pinagmulan, hindi ito naging hadlang kay Gaelan, para pag isahin ang Mundo ng Engkantadya at Mundo ng mga Tao.. Magkasama lang silang dalawa.. At sa gitna ng kabundukan sa Quezon, tahimik silang namuhay... bumuo ng sarili nilang Pamilya... sa pag aari nyang lupain na pinangalanan nyang.. Sierra Casa Blanca.."
Ibinaling ni Zero ang tingin mula kay Heart sa labas ng bintana.. Lumalabas na naman kasi ang samo'tsaring emosyon nya sa kanyang mukha, na ayaw nyang makita at mabasa ng mapanuring dalaga. Huminga ng malalim, bago nagpatuloy sa kanyang kwento si Zero Fossils Ablan.
"Pero, ng tumagal ang kanilang pagsasama, nakaramdam si Amber ng kakulangan, lalo pa't nasasanay na itong mamuhay sa kalupaan. Ninais nitong magkaroon ng Anak, kahit na anong paliwanag sa kanya ng kaibigan nitong si Arkin, na hindi sya maaaring magkaanak, dahil sa isa syang immortal, binalewala nya ito. Gumawa si Amber ng paraan maging lubos lang ang kanyang kaligayahan."
Titig na titig si Heart sa mga mata ni Fossils, kasi, kahit iniwas pa nitong tingin sa kanya, ay huli na, nakita na nyang mga mata nito na pulang pula, na sa tuwing nag iiba ang timpla ng boses nito, tila nagbabaga naman ang kulay ng mga mata ng binata.
"Si Gaelan ang Ama.. si Amber ang Ina at ito na nga! sa wakas, nagka anak sila! Boyla! Happy Family na ang ending ng love story nila!" Kaagad na bumaling ng tingin si Zero sa dalaga. "Oh! Anu? nagustuhan mo ba, ang aking kwento?"
Tahimik lang si Heart, gumaganang kanyang isipan.. Pinagninilayan nyang mabuti ang mga sinabi ni Fossils sa kanya.. Ang kwentong ibinahagi nito.. sa palagay nya ay kwento ito ng totoong buhay ng binata. Malakas ang kanyang pakiramdam na ang Amber na isang Diwata, o puting Mangkukulam at isang Bampira, ay ang Ina nito. At ang sinasabi nitong Tagalupa na umibig kay Amber na si Gaelan Ablan, ay ang Ama naman nito.
"Ganda! Maganda ang kwento mo! Tanong ko lang... san na ngayon ang Anak nung Amber at Gaelan na mga bida sa kwento mo?"
"Bakit ka naging interasado sa Pamilya nila? Eh, kwento ko lang naman yun para maaliw kita!"
Di nakaligtas sa mga mata ni Heart ang pagtaas ng sulok ng labi ni Fossils.. Ngayon sigurado na sya na ito nga ang Anak nila Amber at Gaelan.
"Wala! Natanong ko lang! Kelan nga pala tayo uuwi sa'tin? Baka kasi, aligaga na si Weng kakahanap sa'kin."
Tumayo sa pagkakaupo nya sa sofa si Fossils, lumapit ito kay Heart at inilahad ang kamay nito sa harapan ng dalaga, na walang kakurap kurap na nakatitig pa rin sa mga mata nitong unti unti ng naglalaho ang pulang kulay, bumabalik na sa kulay itim ang mga mata ni Fossils.
"Wag kang mainip, babalik ka rin dun, hintayin na lang natin dito ang susundo sa'yo.. Pero, habang wala pa sya.. ipapasyal muna kita! Lika, kapit ka sa kamay ko!"
Hindi muna inabot ni Heart ang kamay ni Fossils.
"May susundo sakin? Sino naman yun? Si Weng ba! Ha?"
"Hindi basta basta makakapasok ang isang tagalupa dito sa Engkantadya, kung wala syang kasama na tagahatid at tagasundo.. Dahil ang bawat lagusan, ay may tagapagbantay.. Kaya, hindi ang kaibigan mong susundo sa'yo."
"Eh, sino nga?" Pangungulit pa ni Heart sa naiinip ng binata.
"Halika na nga! Dami mo pang tanong."
Si Fossils ng humawak sa kamay ni Heart, pagkalapat ng palad nito sa palad ng dalaga, napapiksi pa ito. Hindi lang kasi sya nagulat, kundi bigla syang kinabahan, o mas lamang ang kilabot na bumalot sa buo nyang pagkatao.
'Nyay! Ba't napakalamig naman ng kamay nito, nagbabad ba sa yelo ang taong ito?'
Napapikit ng kanyang mga mata si Heart ng bigla syang mahilo. Ramdam nyang parang hinila sya't naglalakbay dahil sa haging at samyo ng hangin.
"Dito na tayo! Dumilat kana, para makita mo ang buong Kaharian ng Fossus."
Nakiramdam muna sya sa paligid, bago dahan dahang iminulat ang kanyang mga mata.
"Woww..! Ang ganda!"
Tanging nasambit ni Heart, ng bumungad sa kanyang paningin, ang makukulay na mumunting mga bahay, at sa pinakagitna nito ay may isang Palasyo na gawa sa iba't ibang klase at hugis na mga buto. Di nya mahulaan kung mga buto ba ito ng tao o buto ng mga hayop. Nawala sa kanyang isipan, kung paano sila nakarating sa mataas na lugar na kanilang kinatatayuan ngayon. Masyado syang na mesmerized sa makukulay at magagandang tanawin san man nya ibaling ang kanyang paningin.
"Welcome to my world.. The world of happiness and pain.. "
"Ha! Anu yung sinabi mo?"
Di lumilingon na tanong ni Heart sa katabi.
"Fossus.. The Kingdom, where I belong."
Nagulat na lang si Heart ng hapitin sya ni Fossils sa bewang at inilipad pahimpapawid.
"A-Anong...?"
Pagbaling nya sa mukha ng binata, napasinghap na lang sya ng makita sa malapitan ang putlain nitong pisngi, mapupulang labi, matangos na ilong, mahahaba't malalantik na pilik mata. At ng bigla itong lumingon sa kanya, kitang kita nyang mapula nitong mga mata, na nakikipagtitigan sa kanya.. Kumindat pang loko, saka ngumiti.. kumislap sa sikat ng araw ang puting puti nitong ngipin, sa saglit na pagkurap ni Heart, kitang kita ng dalawang mata nya ang paglabas ng mga pangil ni Fossils.
"O.. M.. G.."
Huling nasambit na lang nya bago sya ulit nawalan ng malay.
"Tsk! Anuba namang babaeng 'to! Napaka mahimatayin, mukhang mahihirapan pa'kong makakuha ng impormasyon dito, tungkol kay Katie Spence Fedora Nylian ah? Pero, hindi bale, sa palagay ko naman, medyo nakuha ko ng kanyang loob, kaya, ayos pa rin. Mapagtyatyagaan pa naman kita! Yun nga lang, ilalayo muna kita kay Bogz, saka na lang kita ibabalik sa ka destiny mo, kapag detalyado ko ng nakuha ang mga impormasyong kailangan ko sa'yo!"
Humigpit ang paghapit nya sa bewang ng walang malay na dalaga. Inilabas nyang pulang pakpak, ikinampay ito, saka bumwelo. Isapang sulyap sa nakapikit na dalaga, bago nya inihilig ang ulo nito sa kanyang dibdib.
"Tayo na! Sleeping beauty, pasyalan muna natin si Whisper, siguradong matutuwa yun kapag nakita tayo!"
Inilipad na si Heart pahimpapawid ng isang Dyablo ng Fossus, dito sa mundo ng Engkantadya.
?MahikaNiAyana