Ziglo ꨄ

1599 Words
Malayo layo pa si Max sa bahay ni Trixie, naispatan na nyang Alfa Romeo sports car ni Bogz sa gilid ng kalsada, tatlong dipa sa kulay itim na gate. "Nyeta! Nandito lang pala ang isang 'to, kandahilo hilo pa kaming maghanap kung san saan!" Inabot nitong cellphone sa dashboard, saka tinawagan ang kaibigan.. Pero, kagaya ng dati, ring lang ng ring ito. Naiinis na hinagis nitong pabalik ng dashboard ang kawawang cellphone. "Shett! Bakit ba di nito sinasagot ang cellphone nito? Kainis!" Mas binilisan pa nyang pagmamaneho patungo sa bahay ni Trixie, at ng sapitin nya ito, Pabalibag syang pumarada sa harapan ng kotse ni Bogz.. Akma na syang bababa ng kanyang sasakyan ng mapasulyap sa gate na bumukas. Lumabas dun ang kanyang kaibigan, napailing na lang si Max ng makitang nakalingkis na parang sawa si Trixie dito, dipa nakontento inabot pa nitong pisngi ni Bogz hinaplos haplos bago siniil ng halik sa labi. "Kenginang babae yan! Lang kasawa sawa sa romansa eh!" Napataas pang kanyang kilay ng makitang pagdakma ni Trixie sa harapan ng kanyang kaibigan. At ng akmang hihilahin pa nito papasok ng gate si Bogz, dun na sya umeksina. Bumwelo sya't pasigaw na tinawag ang kaibigan. "Hey! Bro! 911..!" Sabay pang napatingin kay Max yung dalawang naglalampungan. "Max?" "Yow! Come on Bro, hurry up! Zero, needs us!" Pagkarinig ni Bogz sa sinabi ni Max sa kanya, mabilis ang kilos na bumitaw sya sa kayakap at mabilis na tinungo ang sariling sasakyan. Kahit na panay pang tawag ni Trixie sa kanya, deadma na lang sya't senenyasan si Max na umalis na't susunod na lang sya dito. Mabuti na lang at bagong ligo na sya't bagong laundry ang suot na damit, kaya di sya mukhang haggard ngayon. "Grabeng babaeng yun! Nakaka drain ng energy.." Panu ba naman! Simula kahapon.. wala na yata silang ginawa kundi magsex ng magsex.. kain lang ang pahinga nya. Naiiling na inabot nyang cellphone na naiwan sa katabing upuan, saktong nag ring ito pagka open pa lang nya. 'Mom Calling...' Kaagad nyang sinagot ang tawag ni Tamara. Dipa nga sya nakakapag hello, rumatsada na ang bunganga ng kanyang Ina. Napatapik na lang ng kanyang nuo si Bogz. "Klyto! Kahapon pa ako tawag ng tawag sa'yo! bakit hindi mo sinasagot ang telepono mo ha? Anong kalokohan na naman bang pinaggagawa mo't dika na naman namin mahagilap? San ka ngayon? Ikaw na bata ka, kapag may babae na namang umiiyak na nagpunta dito sa bahay, malilintikan kana naman sakin..!" "Mom.. Relax lang po kayo! Kila Paolo lang po ako nagpunta." "Mabuti naman kung ganun, mabait na bata yang si Paolo, kaya wala akong masasabi kung sa kanila ka lang nagpupunta." 'Puff! Si Pao! Mabait? Haha.. Kung alam mo lang Mom, kung anung nakatago sa maamong mukha ng burdadong yun, baka mapa Dyosmeyong damuho kapa sa kanya!' Kaya palaging si Paolo ang ginagawa nyang kasangkalan sa Ina, dahil malinis ang pangalan nito sa kanyang pamilya, lalo na kay Tamara. Bilib na bilib kasi ito sa kanyang kaibigan.. Malaki ang tiwala at respeto nito kay Paolo Viena Andrade. Isa sa mga ka brother nya sa underground society na Ziglo.. Ziglo, ang pangalan ng founder ng brotherhood nila, na hanggang ngayon ay hindi pa ulit nya nakikita.. Isang mahiwaga at matalinhaga ang pagkatao ni Ziglo.. Na kung hindi dahil dito, wala na sana sya sa mundong ito. Utang nya ang kanyang buhay kay Ziglo, iniligtas sya nito sa tangkang assassination sa kanya ng kanyang mortal na kalaban sa fraternity. Malaki ang pagtanaw nya ng utang na loob dito, kaya ng magtatag ito ng isang brotherhood society, sya ang unang kasapi nito, at mula ng mawalang parang bula si Ziglo, sya na ang nag patuloy sa nasimulan nitong samahan.. hanggang sa makilala nya isa isa sila Zero, Arrow, Max, Kleiton, Magnus, Lucas at Paolo.. Sa iba't ibang sitwasyon, panahon at pagkakataon nga lang. "Klyto! Nakikinig kaba sa mga sinasabi ko sa'yo ha? Naiintindihan mo ba ako?" Napabuntong hininga na lang sya. Kapag ganitong tumatalak ang kanyang Ina, isa lang ang naisasagot nya dito. "Yes Mom!" Pinindot nyang hidden button sa ilalim ng kanyang inuupuan. Isang mini monitor ang lumabas sa dashboard ng kanyang sasakyan. "Oh! Sya! Kumilos kana ha! Pupunta kami ng Daddy mo, sa Sierra Casa Blanca, sasamahan namin dun ang Tito Gaelan mo't umalis daw ang Tita Amber mo." 'Umalis? San naman nagpunta si Tita?' Bigla syang kinutuban. "Mom, san nagpunta ang Tita Amber? Umuwi ba sa kanila?" "Yeah! Yun ang sabi ng Tito Gaelan mo, kaya nga namin pupuntahan ang Tito mo, dahil nag iisa lang sya sa Casa, baka kung anu na naman ang maisipang gawin nun, mahirap na't baka lumaki pang problema natin pag nagkataon. Teka! bakit mo naman naitanong kung umuwi sa kanila si Amber?" "Wala naman po, Mom! Natanong ko lang.." Sagot nya, pero ang kanyang mga daliri ay abala sa kaka swipe sa kaharap na monitor. Kung tama ang kanyang sapantaha, siguradong matutunton nyang kinaroroonan ng kanyang kaibigan. Isang kambal na puno ang malinaw na lumabas sa monitor, ng pindutin nya ang secret code na ibinigay ni Ziglo sa kanya. Ngayon may hint na kung saan sya magsisimula. "Perfect!" "Ano yun, Anak?" Saka nya lang naalala na naka loud speaker pala sya at nasa linya pa rin ang kanyang Mommy. "Ahm! Wala po yun Mommy, maghahanap na po ako ngayon din. Bye, Mom.!" "Dahan dahan sa pagmamaneho, Anak!" "Always! Thanks Mom... Love you!" "Love you more.. mwah! Bye..!" Ng mawala na sa linya si Tamara, kaagad nyang tinawagan ang kanyang tropa.. Group chat na para isahang tawag na lang. ARROW: Yeahaw! Sa wakas! Nakaalala ka ring tawagan kami.. Langya! San kaba nagsususuot at cannot be reached ka?" KLEITON: Kaninong hita kamu sya nagbabad at masyadong nasarapan, kaya nya tayo nakalimutan. LUCAS: Ilang perlas kamu ang sinisid.. nabundat, kaya dina nakaahon! hahaha. MAX: Ganun talaga ang burdado! Makamandag ang tinta nito, bawat sawang matatakan! mahigpit ang kapit, kaya di nakatakas ang isang yan.. Buti, to the rescue ako, kung medyo nahuli pang dating ko dun, malamang hanggang ngayon nakababad pa rin yan sa bahay ng Trixie na yun! KLEITON: Ikaw ang salarin na hayop ka! Dala ka kasi ng dala ng mga Sawa, kaya nadi distract ang tropa! MAX: Bakit! Dika ba nakikinabang sa mga pasalubong ko sa inyo? Deny to death kapa! Eh, dala dalawa pa ngang tini take home mu! Kala mo ha! Di'ko nahahalatang pasimpleng diskarte mo? Hoy! Kleiton, wag ako! Kasi, dimu ako maloloko! MAGNUS: Ayan na naman kayong dalawa! ceasfire muna! Si Zero ang problema natin ngayon! Hindi yang mga Sawa Sawa na yan! MAX: Ito kasing si Klei... MAGNUS: Oh! Hihirit kapa! Dipa ba tapos ang talampati mo Max? Mag seryoso ka naman! kahit ngayon lang Bro, pwede! Biglang natahimik ang lahat.. Kahit si Bogz na abala pa rin sa monitor ay napatigil ng marinig ang huling sinabi ni Magnus. Hindi kasi, ang tipo ni Magnus ang nakikiusap! Kahit pa sa kanilang mga ka brothers nito. Dahil sa kanilang pito, si Magnus ang may stone cold heart. ARROW: Ehem! Bogz, Bro... bakit nga pala nasa group tayo? Important meeting ba ito, o kumustahan lang? BOGZ: Well, since tapos ng chismisan nyu tungkol sakin.. Meet me in Quezon, near Sierra Casa Blanca.. Right road going to the forest, See you there, Brothers! Dina hinintay pa ni Bogz ang mga sagot nila, basta na lang nyang ini off ang kanyang cellphone, saka nya binuhos lahat ng kanyang attention sa pagmamaneho. Actually nasa Quezon na sya, binabaybay ang daan patungong Sierra Casa Blanca. Malapit na nyang sapitin ang magkasangang daan ng kalsada, na yung sa kaliwa ay patungo sa Kastilyo nila Zero, at yung sa kanang daan naman ay patungo sa kagubatan, kung saan nya makikita't matatagpuan ang kambal na puno.. Na ayun kay Ziglo, isa ito sa mga lagusan nila patungo sa mundong pinagmulan nito. 'Makikita kaya kitang muli dito Ziglo? Hmm.. I don't think so.. baka nga tuluyan ka ng naglaho sa mundong ito.' Isang beses pa lang syang nakapunta sa kagubatan, pero maraming beses na sa Kastilyo nila Zero. Kahit malayo ito sa syudad, sinasadya pa rin nilang magkakaibigan na dito tumambay.. Inaabot pa nga sila ng limang araw minsan, kapag naglambing na sa kanila ang Tita Amber nila. Masarap itong magluto, araw araw, iba't ibang putahe ang inihahain nito sa kanila. At ang mga niluluto nito ay kakaiba, espesyal kumbaga, hindi nila ma explain kung anong dish ang mga ito, kasi, sure namang hindi ito lutong pinoy o ng ibang bansa. Kapag nagtanong naman sila, ang palaging sagot ng Tita Amber nila ay 'SECRET' sabay tatawa ng makapanindig balahibo, na sinasabayan na lang nila ng pagjo joke dito. "Walang pinagbago ang lugar na'to!" Pinarada nyang sasakyan sa ilalim ng punong Balete, ibinulsa ang kanyang cellphone, saka lumabas ng kotse. Pinasadahan muna nya ng tingin ang paligid, huminto ang kanyang mga mata sa kambal na puno. Pinakatitigan nya ito ng matagal. Habang nagtatagal sya sa lugar na yun, nag iiba ang kanyang pakiramdam, hanggang sa may maaninagan syang lumilipad papunta sa kinatatayuan nya. 'Nu yun? Parang ibon..' Isang malaking Kwago ang lumapag sa lupa. Laking gulat nya ng sa isang kisapmata lang nya ay naging Tao ito. "Long time no see... Brother Bogz!" Nanigas sya pagkarinig sa paos na boses ng isang lalaking nakatayo na ngayon sa kanyang harapan. Pamilyar na pamilyar sa kanya di lang ang boses nito, maging ang amoy nitong tinatangay ng hangin. "B- Brother Z- Ziglo?" Di lang lumuwa ang kanyang mga mata, kundi laglag pang kanyang panga. Biro ba ito, o isang klase na naman ng black magic ni Ziglo? ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD