Mundo ng Engkantadya ꨄ

1457 Words
"Woww..! Saang tourist spot ba tayo ng Pinas napadpad Fossils?" Manghang mangha kong tanong saking katabi. Ng bumungad saking paningin ang napakagandang tanawin, luntiang kapaligiran.. mga ulap na halos takpan ng kabundukan.. Iba't ibang klase ng ibon na nagliliparan.. at higit sa lahat ay ang bumabagsak na tubig mula sa mataas na talon, napakalinaw ng tubig nito na tila may mga dyamanteng crystal na kumikinang sa sikat ng araw.. idinipa ko pang aking mga braso at sinamyo ang humahalimuyak na bango ng hangin. "Batanes ba ito? Bohol? ay parang hindi naman! Palawan ba o Cebu? Kasi, ang gandaaa....!" Dahan dahan akong umikot, habang nakadipa pa rin ang aking mga braso, unti unting ipinikit kong aking mga mata, para damdamin ang kapayapaan ng loob na aking nararamdaman. 'Haayy.. napakasarap mabuhay..' "Halika na!" Napadilat akong bigla, saka nilingon si Fossils.. Nagulat ako sa suot nitong damit.. Kasi ang simpleng kamesita at pantalong maong na suot nito kanina, ngayon ay isang mahabang itim na damit na at may apoy na desenyo. "Wow! Astig ng suot mo ah! San ka nagbihis? Ba't diko man lang napansin kanina na may dala ka palang damit?" "Wag ng maraming tanong, tara na!" Seryosong sagot nya sakin, sabay hablot nya saking kamay at hinila ako patungo sa kasama naming naghihintay at nagmamasid sa paligid. "Mossimo! Alis na tayo!" "Sshh.. sandali lang Fossils!" Natahimik naman kami ni Kuya.. Sinundan kung saan nakatutok ang tingin ni Mossimo, nagulat na lang ako ng may nagliparang mga sibat patungo samin, na kung hindi naging maagap sa kanyang kilos si Mossimo, sigurado natuhog na kaming tatlo, na parang iba barbeque. buti na lang ibinuka nitong mga pakpak para protektahan kami. "Porta?" Kunutnuong tanong ni Fossils na bumaling ng tingin kay Mossimo. "Bakit tayo sinasalakay ng mga kauri mo?" "Sila ang mga taksil sa Kaharian ng Porta na umanib sa Kaharian ng Mekam." Nakatiimbagang sagot naman nito. "Eh, bakit sila nandito? may atraso kaba sa kanila?" "Wala! ang alam ko lang ngayon.. Kelangan nating lumaban." "Kaya mo na yan! Mauuna na kami sa Fossus!" Tatalikod na sana si Fossils ng bigla itong matigilan sa sinabi ni Mossimo. "Kala mo ba.. makakaalis kayo dito ng hindi lumalaban?" "Bakit naman hindi?" "Alam kong makakaya mong maglakbay gaano man kalayo ang iyung patutunguhan, pero yang kasama mong tagalupa.." May awa ang pagkakatingin ni Mossimo ng sumulyap sakin. "..dyan mismo sa kanyang kinatatayuan.. ay ang kanyang magiging libingan.." Bumalik ang tingin nito kay Fossils. "..kung hindi mo sila lalabanan." Bigla akong kinabahan, nanginig sa takot ng marinig ang usapan ng dalawang lalaki kong kasama. Nadagdagan pa ng umihip ang may kalakasang hangin.. Napatingala ako sa himpapawid.. "Mahabaging langit! Kaylalaking mga ibon naman nyan!" Sabay pang napatingala yung dalawa kong kasamahan. Ramdam kong higpit ng pagkakakapit ni Fossils saking braso. Napamura pa nga ito. "Hollyshet!" "Anu Fossils! Hindi kapa rin ba lalaban? Hindi mo ba ipagtatanggol yang tagalupa mong kasamahan? Hahayaan mo na lang bang mga itim na Anghel na yan.. Na pag gutay gutayin ang kanyang katawan?" Sa narinig napangawa na'kong nagmakaawa kay Kuyang putlain.. "Nakupo! Ayoko pang mamatay Fossils! Hihingi pa'ko ng second chance kay Cejay ko eh! Waaahh! Iuwi mo na lang akoo.. huhu..!" "Darn! Tumahimik ka nga! Di makakatulong yang pag iyak mo dyan!" Sabi nitong napabitaw sa pagkakahawak sa'king braso. Punas ng luha at sipon, para akong nauupos na kandilang napalupasay ng upo sa lupa. 'Bakit ba'ko napasama sa weirdong ito eh? Sana dina lang ako nakipag friends sa kanya!' "Nag iisang Anak ka ng tagaulat ng Kahariang Umbra.. Tinaguriang Dyablo dito sa mundo ng Engkantadya ang yung Ina.. isa sa pinakamahusay.. pinakamagaling at dalubhasa sa digmaan ang pinanggalingan mong Angkan... Bakit dito pa lang umaatras kana sa laban?" "Damn it! Hindi ako umaatras Mossimo! Umiiwas lang ako!" Tiimbagang sagot nito. "Wala kang pagpipilian! Nakalimutan mo na bang mas mapanganib ang tatahakin nating daan patungo sa Fossus na iyung pinanggalingan? Fossils! bilisan mong pagpapasya! Dahil habang tumatagal tayo dito sa b****a ng lagusan.. Tinatangay na ng hanging kadiliman ang humahalimuyak na amoy ng tagalupang yan!" Itiniklop ni Mossimo ang kanyang mga pakpak, at dahil sa nawalan na ng harang saming harapan. Malinaw ko ng nakikita ang mga itim na Anghel. Sa totoo lang.. magagandang lalaki silang lahat, malalaki ang pangangatawan, maaamo din ang mukha, pero ang nakakatakot lang sa kanila ay ang mga nagbabagang mga tattoo sa kanilang balat.. Saka bakit ba hubad baro ang mga ito? Bakit pantalon lang ang suot? sinasadya ba nilang ipakita ang mga yummylicious nilang pangangatawan, para maging distraction sa kanilang makakalaban? Kung ganun nga! Abay panalo! Lalo na kung girlala ang makakatapat ng mga ito. "Fossils! Teach your demons how to roam your mind without damaging your thoughts! Gawin mo na! bago pa mahuli ang lahat at maulit na naman sa'yo ang bangongot ng nakaraan, dahil sa'yong kapabayaan!" "Nag e english ka Mossimo? San ka natutu? Kagaya ka rin ni Fossils, na kala ko matinong tao yun pala maligno!" Manghang mangha kong sinuri ng tingin ang itim na Anghel sa'king tabi. "I'm just here to pay my debt! Hindi para sagutin ang mga tanong mo!" "Suplado mo naman! Parang nagtatanong lang naman ako! Kanina bet kita, pero ngayon hate na! Hmp! dyan na nga kayo! Uwi na lang ako!" Pumihit ako pabalik sa inaakala kong lagusan na pinasukan namin kanina. Napamulagat ang aking mga mata, ng diko na makita ang magkadikit na malaking puno kanina.. Ang nakikita ngayon ng aking mga mata ay malawak at masukal na kabundukan.. "Hala! Nasan na yung dalawang puno na bumuka kaninang pumasok tayo? San ba banda yun?" Pabaling baling ang aking tingin sa kapaligiran, pero wala talaga akong makita na kaparehas ng kambal puno na aming pinasukan kanina. "Stupid girl! Magkaiba ang mundo nyung mga tao sa mundo naming mga Engkanto, mag isip ka! wag puro bunganga!" "Ay! Grabe sya! Bakit anuba 'to! Pinoy henyo? wag mo'ko mastupid stupid dyan! Baka magdilim ang aking paningin, yang egg balls mo'y aking pisilin! Gusto mo ba yun ha?.. Ha! gusto mo?" Pinandilatan ko pa ng aking mga mata si Mossimo. Kumunot ang nuo, salubong ang makakapal na kilay, napaisip ng malalim ang lokoloko.. 'Oh anuh ka ngayon? Eh di, natameme ka! egg balls lang dipa naintindihan? Kaloka ang pagtatali talinuhan, kala naman nya, patatalo ako sa kanya! Hooyy! wag ako! matatakutin lang ako sa mga ganitong sitwasyon, pero malakas ang loob ko nuh! Malakas ang loob ko sa pakikipagtalo! Hehe..' "Don’t confuse my inocence with naïveness. I am an Angel not an ignorant ." Asik nitong sagot sakin ng makabawi mula sa malalim na pag iisip. Sasagutin ko pa sana ng umawat si Fossils. "Dipa ba kayo tapos magtalo? May mga kalaban tayo oh! Mamya nyu na ituloy yang debate nyung dalawa, kapag nakaalis na tayong tatlo dito!" Kasabay ng boses ni Fossils na tinangay ng hangin.. Kitang kita ko ang pagbabago ng anyo nito.. Ang kulay itim na mga mata ay naging kulay pula, hindi lang basta pula, ito'y naglalagablab na apoy saking paningin. may lumabas ding mahahaba at matulis na pangil sa kanyang bibig. At mula sa pagiging maamong mukha nito kanina, hanggang sa naging nakakatakot na Bampira. "Geezz!! Totoo ba ito? Goodness.. Graciousness..!" natulos ako saking kinatatayuan ng Idinipa nito ang mga braso, kasabay nun ang paglitaw ng pakpak nitong kulay pula din. 'Ohmygod!!' napatutop ako saking bibig, pigil hiningang napakurap kurap ako ng aking mga mata. Di'ko malaman ang aking gagawin, napatingala ako sa langit para iiwas ang aking tingin sa nakakapanindig balahibong tanawin na aking nasaksihan ngayon. Nakita kong Araw, napansin ko ring pag iiba ng kulay nito na unti unting naging Buwan sa kalangitan. tila sumasabay sa pagbabagong anyo ni Fossils.. . 'Fossils?' Napabalik ang tingin ko kay Fossils, nahuli ko pang pagpitik ng kanyang daliri at sa isang iglap lang.. may nakapatong ng koronang sungay sa kanyang ulo at isang mahabang sandata naman sa kaliwang kamay nito. "Sa wakas! Lumabas ng Dyablo! Ngayon! May laban na tayo!" Nakangising sabi pa ni Mossimo, pumapalakpak pa nga ito. "F-Fossils..!" Nginig ang boses kong tinawag si Kuyang putlain. Akma ko ng lalapitan ito, ng awatin ako ni Mossimo. "Wag mo syang lapitan kung nais mo pang mabuhay! Tagalupa!" "Heart Jewel ang pangalan ko! hindi tagalupa!" Naiinis kong tinabig ang kamay ni Mossimo na nakaharang saking harapan. Ngani ngani ko pang umbagin ito ng mahigpit nitong hinawakan ang aking braso. "Tumabi kana lang at wag ng makialam! Mundo namin ito at laban ng mga nilalang dito! Wag ka ng maging pabigat pa sa'min.. kung nais mong makaalis na tayo sa lugar na ito! Intyendes!" Isang pagpitik ng daliri sa harapan ng aking mukha ang huli kong natatandaan, bago bumagsak sa malambot na bagay ang aking katawan.. at nahulog na'ko sa malalim na pagkakatulog sa karimlan. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD