CHAPTER 3

1679 Words
Nakaupo ako sa bench sa gymnasium habang nagbabasa ng mga notes ko ng may biglang tumawag sa akin.   “Ja!” napalingon tuloy ako , akala ko si Jam, si John lang pala.   “Oh, John, bakit?” tanong ko habang hawak ang notebook ko at sabay bumaling sa binabasa kong notes na sinulat ko mula sa discussion namin kahapon, may quiz kasi kami ngayon sa lesson na ito.   “Um, I just saw you here, alone, maybe you want someone to talk to so I came here to accompany you,” sagot nito sa akin na kinalunok ko dito na napansin naman niya.   “Hey, you alright?” tanong nito sa akin.   “Hah?” tingin ko tuloy dito, ang bilis niya kasing magsalita, hindi ko tuloy naintindihan kung ano ‘yong sinabi niya, “Mano-nose bleed naman ako sa iyo,” mahina kong sambit dito.     “What, Ja?” tanong na naman nito sa akin, “Are you mumbling something?”     “H-Hah, um, Hindi ko naman kailangan ng kausap o kasama eh,” sagot ko na kinagulat ko ko kasi parang napahiya si John sa sinabi ko.   Awts!   Ang bad ko naman kaya dinugtungan ko.   “I mean, can’t you see, nagse-self-study ako,” sagot ko sa kanya na may kasamang pagtawa para naman hindi niya ma-mis-interpret ang sinabi ko ng una.   Sana hindi  na siya napahiya, hiling ng utak ko.   “Ah, okay, um, why don’t we review together?” ngiting tanong nito sa akin, “I mean, it’s better so we can throw questions regarding our past lessons, what do you think?” tanong niya habang naghihintay ng sagot ko.   Napaisip naman ako.     Actually, wala namang masama kung sasamahan niya ako, mas magiging okay pa nga ang suggestion niya eh, “Um, okay, I like the idea,” sagot ko sa kanya, “Get yours para makapagsimula na tayo mag-review,” ngiti kong sagot sa kanya.     Natuwa naman siya sa sinabi ko, “Great, you stay here and wait for me,” sabi niya, “I’ll just get my notebook,” paalam niya sa akin.   Bumaba na siya ng bleachers at mabilis na tumakbo pabalik ng classroom para kunin ang notebook niya.       “Hay, bakit ko ba nasabi iyon?” tanong ko bigla sa sarili ko ng wala na si John, “Bahala na nga, wala naman talagang masama.”   Nagbuklat na lang ako ng notes ko at nagkabisado na lang muna habang wala pa si John.     Maya-maya lang ay bumalik na siya na may dala na ngang notebook niya, at sabay nga kaming nag-review.   “Ah, Ja,” tawag niyang bigla sa akin.   “Oh?” tanong ko pero hindi ako nakatingin sa kanya, “Ano iyon?”   “Am, is it okay with you if sasabayan kita after class?” tanong niya na kinatayo nang nakayuko kong ulo sabay baling sa kanya, “H-Hah?”   “Ah, eh, nevermind, baka you don’t want to,” sagot niya sabay baling sa notebook niya at nagbasa ulit.   “Ah,” nasagot ko na lang, natakot sigurong ulitin ang tanong niya kanina.   Lumipas ang ilang minutong katahimikan nang bigla siyang magsalita.   “I just noticed you the past few days,” sabi niya dahilan para mapatigil ako sa pagbabasa sa notes ko, “You are alone, you seem so distant,” dagdag pa niya na kinatingin ko ulit dito, “tapos palagi ka pang mag-isa,” sabi niya na tumingin na din sa akin.   Napabaling tuloy ako sa ibang direksyon at napaisip, kapansin-pansin ba ang ganoong kilos ko the last week? tanong ko sa sarili ko.   Mukhang nagulat si John dahil hindi ako nagsalita kaya naman nagsalita na naman siya.   “I didn’t mean to say that pero kasi Ja, ‘yon kasi ang napapansin ko sa iyo eh,” sabi na naman niya, “You know, you can count on me naman,” sambit niya na kinatingin ko na naman dito, “You can rely on me, promise!” sabi niya na itinaas pa ang kanang kamay niya habang ngiting-ngiti sa akin just to please me na nagpa-promise siya na maaasahan ko nga siya, at doon na ako tumingin sa kanya.   Oo nakangiti siya, ngiting hindi nangloloko, kundi ngiting nangangako na tutuparin niya ang promise niya, sincere siya in short, ”Alam mo John, may point ka eh,” sagot ko naman dito, “Sige, sige, from now on, magka-count on na ako sa’yo,” sabi ko sabay tingin sa kanya na nakangiti na din.   “Really, Ja?!” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.   Nakangiti pa din akong sumagot sa kanya, “Oo naman, kaya dahil diyan, pautang ako ng 1 thousand,” sabi ko sa kanya sabay lahad ng palad ko, sign na bigyan niya ako ng 1 thousand pesos talaga.   Napatingin tuloy siya sa akin, “What’s that supposed to mean, Ja?” tanong niya sa akin.   “You said I can count on you, then spare me 1 thousand pesos,” sabi ko dito na natatawa.   “What?!” gulat naman ito sa sa akin, “It’s not what I mean, Ja,” sagot niya, “What I’m trying to say is that I can be your friend whenever you needed one, I’ll be just here,” paliwanang naman niya na kinatanggal ko na ng kamay ko na nakalahad sa kanya.   “I know your point, don’t worry,” sagot ko naman dito.   Napahinga tuloy siya, “Good, I thought you’re really serious about the 1 thousand pesos thingy,” sabi niya na kinatingin ko na naman sa kanya.   “Hala, mukha ba akong pera?” tawa ko dito, “Of course not, John, I’m just joking you, patola ka naman,” dagdag ko pang sagot sa kanya.   “Well, that’s good to know, because if it’s true, then I’ll be lending you some,” seryoso naman niyang sabi sa akin.   “Hala siya, joke nga lang eh,” sabi ko na naman dito, “You know, joke, kidding aside,” paliwanag ko naman dito.   Hay naman, ano ba itong napasok ko? Mauubusan ako ng English dito kay John eh, sambit ko tuloy sa utak ko.   “Yeah, I know, you girls are always doing that to me,” sabay sabi niya na kinataka ko naman.   “Hah?” tanong ko dito.   “You always make fun of me,” he said na kinailing ko naman.   “Hindi naman,” sagot ko dito, “Halika na nga, let’s go back to our classroom na, baka ma-late pa tayo,” aya ko sa kanya na isinara na ang notebook ko at tumayo na.   “Yeah, you’re right, we better go,” at sinara na din niya ang notebook niya.   Sabay kaming bumaba ng bleachers habang inaalalayan niya ako.   “No need to do this,” sabi ko na tinuturo ang pag-alalay niya sa akin.   “This?” turo din niya.   “Yes,” sagot ko naman nang makababa na kami sa bleachers at naglalakad na pabalik ng classroom.   “It’s natural, Ja,” sabay sagot niya sa akin, “I am just being a gentleman, bakit you don’t like ba?” tanong niya sa akin na kinasulyap ko naman nang pasaglit sa kanya.   “Hah, hindi naman,” sagot ko dito, “It’s just that I’m not used to any kind of that thingy, you know.”   “Then, be used to,” ngiti naman niyang sagot sa akin na kinangiti ko na lang din kahit hindi ko masyadong naintindihan ang point niya.   Sabay na nga kaming bumalik ng classroom ni John.     ----------   As the days went by, hindi na ako nag-iisa.   May kasabay na ako laging umuwi, kumain, mag-review at tumawa.   It’s actually John.   Siya ang laging nagpapatawa sa akin, nagkekwento, nag-a-advise at nang-aasar.   Siya na.   Kahit na may mga times na hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi niya sa akin dahil sa kaka-english niya, tinatawanan ko na lang siya.   Madali lang naman kasi siyang makasundo.   Actually, tinuturuan ko nga din siya ng iba pang mga tagalog words eh, para naman masanay siya, tutal nandito naman siya sa Pilipinas.   Hindi ko alam kung bakit ang bilis gumaan ng loob ko kay John.   Siguro dahil wala naman akong kasama talaga maliban sa kanya.   Hindi kasi siya boring kasama at kausap.   Matalino siya kung tutuusin, hindi nga lang niya nailalabas since mahirap makipagsabayan sa mga classmates namin lalo na mas marami ang Tagalog na subjects kaysa sa English.   Pero hindi ko naman siya pinapabayaan kasi nagtutulungan kaming dalawa.     Parang si Jam at ako.   Oops!   Miss ko na siya.   Siya kasi ang best friend ko ever, pero anong magagawa ko kung tuluyan na niya akong kinalimutan?   Buti na lang nandito si John, kahit na alam niyang minsan nakukumpara ko siya kay Jam, naiintindihan naman niya.   Nga pala, nakilala na rin niya si mama nang one time kailangan niyang sumama sa bahay para gumawa ng report namin sa Araling Panlipunan na subject namin. ‘Yon, naipakilala ko siya kay Mama ng ‘di oras. Close na nga din sila eh, pero iba pa din kapag si Jam ang nasa bahay.   Miss na miss ko na ang best friend ko.   Kailan ko kaya siya makikita ulit?   Kailan ko kaya siya makakausap ulit?   Kailan ko kaya makikita at maririnig ang tawa niya? Ang pang-aalaska niya sa akin kapag hindi ko siya pinapansin.   Kailan kaya?   Sana malapit na, kasi talagang miss na miss ko na siya.   Hindi ko nga alam kung ano na ang nangyayari sa kanya.   Parehas nga kami ng school pero hindi ko naman siya nakikita kahit break time, paano ba naman, magkaiba kami ng oras ng recess, kaya naman hindi ko talaga siya nakikita.   Kahit uwian, hindi ko man lang ma-timing-an na makasabay siya.   Basta ang alam ko, lagi niyang kasama ang girlfriend niyang pagkapayat-payat.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD