CHAPTER 2

1596 Words
Ang lambing kasi nila tingnan kahit na hindi naman halata.   Pero hindi ko alam kung bakit ako naiinis.   "So, paano, Ja, una na kami, ah,” paalam ni Jam sa akin.    "Sige, Ingat," nasambit ko lang dito at sana hindi nila nahalata dahil napipilitan lang akong sumagot.   "Bye, Ja, nice meeting you again," sabi naman ni Jek at yumuko pa.   "Umuwi ka na, ah?" pahabol pa ni Jam bago umalis at tumalikod sa akin.   Naiwan na akong nag-iisa sa hallway, akala ko isasabay ako, hindi naman pala. Kung tutuusin, pwede naman nila akong isabay sa paglalakad eh.   "Gano’n na lang iyon?!" nasabi ko na lang habang nakatayo, "Badtrip!"  At umuwi na lang ako na walang kasabay, kaya ko naman maglakad mag-isa eh, hindi naman ako mapapano, maaga pa naman.   “Bakit naman kasi hindi na lang talaga ako, sinabay?” sabi ko nalang habang naglalakad.   Dumiretso ako ng playground, wala naman kasi akong kasabay.       Nag-swing ako mag-isa habang nag-iisip kung paano nangyaring may girlfriend na si Jam, samantalang wala naman siyang naikekwento sa akin na may niligawan siya.     Hay, nakakatampo lang tuloy.     Para kasing na-by pass ang pagiging magkaibigan naming dalawa sa ginawa niya.   Umuwi na lang tuloy ako sa bahag nang malungkot, wala na naman kasi ako sa mood.   “Nak, how was your day?” tanong sa akin ni Mommy nang makita ako na pumasok na sa loob ng bahay, huminga lang ako ng malalim at sumenyas sa kanya na okay lang, “Nagmeryenda ka na ba, anak?” tanong na naman ni Mommy sa akin, umiling lang ako bilang sagot dito at saka dumiretso sa hagdanan, “Wala ata si Jam, anak?” tanong ni Mommy na kinatigil ko sa paghakbang.   “Huwag ninyo na lang pong itanong, my,” tanging naisagot ko lamang dito at saka tumuloy na sa pag-akyat patungo sa aking kwarto at saka pabagsak na inihiga ang buong katawan ko sa malambot kong kama.     Magmula nang magka-girlfriend na si Jam ay hindi ko na ito nakakasabay na umuwi o pumasok man lang, palagi na niya kasing kasama si Jek.     Nakikita ko na lang siya minsan sa covered court habang nagpa-practice ng basketball, o kaya naman ay hinihintay niya si Jek na matapos sa badminton training nito.     In short, ako na lang nang ako ang umuuwi mag-isa.     "Hay, ni text wala man lang, masyado na siyang naka-focus kay Jek, hindi na niya ako naaalala," sabi ko habang nasa swing, bigla tuloy akong napahinto sa pagsi-swing nang marinig ko ang kakasambit ko pa lamang ngayon.   Nagseselos ba ako? tanong ko bigla sa sarili ko, No way! Sabi ng utak ko sabay tayo at naglakad ng mabilis.   "Nako naman, self, kung ano-ano na lang naiisip mo, umayos ka nga," sita ko sa sarili ko habang naglalakad.   - - - - - - - - - -   Nakauwi ako ng bahay namin pass 6pm na kaya naman nagulat si mama, tinanong tuloy niya ako, "Nak, bakit parang ginagabi ka ata ngayon, hindi ba hanggang 5pm lang kayo sa school?"   "Ah, eh,” hanap ko naman dito ng idadahilan, Dumadaan na po kasi ako ng library ngayon, ma,” dahilan ko dito, “Alam mo na po, doon ko nap o kasi ginagawa ang mga assignments ko," pagsisinungaling ko kay Mama.   "Ah, kaya pala, mabuti ‘yan, nak,” sagot naman ni Mama na naupo sa couch dahilan para umakyat na ako sa taas nang, “Eh pero teka, bakit parang hindi ko na ata nakikita si Jam?” napatigil na naman ako sa paghakbang ko sa tanong ni Mama sa akin, “Magkagalit ba kayo?” napatingin na ako dito, “Hindi na kasi siya dumadalaw dito,” dagdag pa ni Mama, “Hindi ka na rin niya hinahatid, lagi ka na lang umuuwing mag-isa, baka naman magkagalit kayo,” sita ni mama sa akin.   "A-Ah,” hindi ko na naman alam kung ano ang isasagot ko kay Mama, “Busy po siya eh, sumali na po kasi siya ng basketball,” sagot ko dito na kinagulat naman ni Mama.   "Oh talaga, nak?” tanong niya, “Eh ‘di ba ayaw niya ng gano’ng laro dahil may daya,” sabi ni Mama habang kumakain ng chips.   Huminga naman muna ako nang malalim bago sumagot kay Mama, "Nagbago na po isip niya eh."   "Hah?” sabi ni Mama, “Ano namang pumasok sa utak niya at nagustuhan na niya ang basketball?” hindi ko alam kung naiintindihan ba ako ni Mama, kasi naman nakatutok din siya sa t.v, “Kahit naman anong busy niya dati, nakakapunta pa din naman siya dito, ‘di ba?” sagot naman ni Mama, “Kahit nga gabihin pa siya ng uwi, okay lang sa kanya, basta maihatid ka niya, dito pa nga siya nagdi-dinner, bakit ngayon hindi na?" may halo nang pag-uusig ang tanong ni Mama sa akin, kaya napilitan na tuloy akong umamin.   "May pinagkakaabalahan na po kasi siya ngayon, Ma," sagot ko sabay punta sa kitchen para kumuha ng tubig.   Nakasunod na pala sa akin si mama, "Hah, eh ano naman iyon, anak?" tanong ni Mama.   "Ma, personal life niya na po iyon," sagot ko dito at saka uminom ng tubig.   "I just want to know, anak, tutal parang anak na din naman ang turing ko kay Jam eh,” mapilit talaga ang nanay ko.   "Okay fine, Ma," tumalikod ako dito para maghugas ng kamay pero sinadya ko lang iyon para hindi niya makita ang reaksyon ko, "Her girlfriend's name was Jek,” sagot ko dito habang naghuhugas pa din ng kamay, “I don’t know the real name po of that girl but I've already met her," paliwanag ko dito.   "Talaga?” gulat naman na tanong sa akin ni Mama na lumipat pa talaga ng pwesto malapit sa akin at saka ako tinitigan, “Kumusta naman, anak, maganda ba?" tanong na naman ni Mama sa akin.   "Ma,” sita ko naman dito.   “Sorry, anak, pero ano nga?” hay, may pinagmanahan talaga ako.   “Um,” kunwari ay nag-isip muna ako ng isasagot ko, “Opo, maganda siya, marunong pumili si Jam, Ma,” sagot ko naman dito.   "Wow, binata na talaga si Jam,” masayang sambit ni Mama. "Yeah, Right!" mahina ko namang sabi ko sabay upo sa dining chair at kumuha ng apple.   Nakasunod na naman si mama sa akin, "Okay lang ba sa iyo, nak?" tanong ni Mama sa akin sabay upo sa upuan na nakaharap sa akin.   "Ang alin po?" tanong ko.   "Na may girlfriend na si Jam?" tanong na naman nito.   "Um, oo naman po," sagot ko sabay tayo at balik sa sala para kunin na ang mga gamit ko.   Nakasunod pa din si mama sa akin, "Sigurado ka?” hindi ko alam kung ano ang point ni Mama, “Baka naman manibago ka?" tanong pa din nito na kinaisip ko.   Anong manibago? Eh sanay na nga po ako na hindi na niya ako nasusundo eh. Gusto ko sanang sabihin pero alam ko naman na hindi ko kaya.   "Ma, kahit naman magmaktol ako o magtampo, wala naman akong magagawa kasi mahal niya ‘yong tao eh," sagot ko kay Mama na hindi ko man lang inisip kung tama ba o mali.   Napatigil si mama. Mukhang nagulat sa sinabi ko.   Doon lang ako bumalik sa huwisyo ko, Oops, foul! Nasobrahan ako ro’n, ah?!   "Anyways ma, akyat na po ako,” paalam ko na lang dito para hindi na siya makapag-usisa pa at makapagtanong sa akin, “Papahinga na po ako, bye!” defense mechanism ko dito.   - - - - - - - - - -   Ang bilis lumipas ng mga araw.   Halos three weeks ko ng hindi nakikita si Jam.    Lagi na lang akong mag-isang umuuwi at nagpupunta ng playground.   Ako na lang.   Wala na akong kasama. Nakakabagot tuloy.   Nakaka-miss ang dati na may kakwentuhan ako.   ‘Yong may nang-aalaska sa akin.   “Yong laging manggugulo sa buhok ko at iyong laging magsasabi sa akin nang, lampa ka kasi eh, at saka ako tatawanan nang malakas.   Hay.   Miss ko na ang best friend ko.   Miss na miss ko na si Jam.   Sana nandito siya para malaman niya kung ano na ang mga nangyayari sa akin the previous weeks, kaso wala naman siya.   Wala siya dahil busy siya, dahil may pinagkakabusy-han na siya.   Madali namang intindihin ‘yon eh. Best friend naman kasi niya ako kaya maiintindihan ko.   Hindi naman ako nanghihingi ng atensyon mula sa kanya eh.   Ang akin lang naman, kumustahin niya ako, ang BEST FRIEND niya.   “Hay naman, ano ba itong iniisip ko, malungkot na naman ako dahil wala na naman akong mahingahan ng sama ng loob.” sambit ko habang nasa playground ko, mag-isa, nagsi-swing sa duyan.   Eh kanino ba masama ang loob ko?   Malamang sa mga teachers ko na ang dami-dami kung magbigay ng mga assignments.    Ang papa ko na minsan lang magkaroon sa amin ni mama ng time.   Si mama na ang daming tinatanong at inuusisa.   Mga tropa kong kilala lang ako kapag may kailangan sa akin.   Tumahimik bigla ang isip ko.   Kanino nga ba talaga masama ang loob ko?   Sabi ng utak ko, ‘yong mga naunang binanggit ko, pero ang sabi naman ng puso ko, kay Jam.   Masama ang loob ko kay James Harold L. Tanacco, ang best friend ko.   Mukhang nakalimutan na ata niya na may best friend siya.   Sana naman hindi.   Sana lang hindi.   Dahil kung gano’n na nga ang mangyayari,   Magkalimutan na lang talaga kami ng tuluyan.   Pero ang tanong, magagawa ko ba?   Kaya ko ba?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD