Renesmee’s POV
“Napaka arogante naman nito, akala mo siya ang may ari ng university na ito," inis kong bulong habang nakatitig sa lalakeng nasa harap ko. Ang mga mata nitong singkit na hindi mo mabasa kung naiinis o kung ano, gwapo? Oo, kaso bastos ang ugali.
“Mr? Wala ka bang boses?” naiiritang ng tanong ni Mrs. Atienza
Halos magulat ang buong klase ng sagutin ni Harvey si Mrs. Atienza. Sa unang araw ng klase, nainis na niya agad ang isa sa mga professor namin. “Napaka arogante naman ng lalake na ‘to akala mo kung sino kung makapag salita,” wika ko kay Sarah.
Tulala naman nito akong sinagot dahil ang atensyon niya ay nasa lalaking nasa harap namin. “Tignan mo naman kasi ang gwapo niya, matangkad, ang katawan niya ay napaka ganda, ang tindig niya ay nako, yun nga lang bagsak sa ugali! Pero kahit na haynako kung mapapansin man ako ni Harvey, ay teka tutal lagi naman akong sumasali sa pageant, diba? Hindi malabong hindi niya ko mapansin,” ngingisi ngisi naman nito sagot at marahan pa kong hinahampas sa braso dahil sa kilig.
"I’m Harvey Enriquez," sagot ni Harvey.
"Sa susunod, matuto kang humingi ng tawad o kumatok ka bago pumasok, parang hindi ka nag-aaral wala kang respeto, ” galit na sabi ni Mrs. Atienza.
“Umupo kana dun sa tabi ni Ms. Lewis," Utos nito sa binata
Pumunta ulit sa harapan si Mrs. Atienza, at umupo naman si Harvey sa katabi kong upuan, sa kilos naman nito’y akala mo parang walang nangyari alitan sakanila ng professor namin.
Hindi ko na siya nilingon pa at tumingin na lang ako sa harap habang si Mrs. Atienza ay nagpapaliwanag.
Nagsimulang magpakilala ang bawat isa.
"Lewis!" sigaw ng isa kong kaklase.
Tumayo agad ako para magpakilala.
"Hello, I’m Renesmee Lewis."
Nagpakilala din ang iba naming kaklase at Sarah.
"Hi, I’m Sarah Pascual."
Hanggang sa matapos kami.
“See you tomorrow class! Sana hindi na maulit ang nangyari ngayon, tama ba ako? Mr. Enriquez?!" Tanong ni Mrs. Atienza sa lalaking nakaupo sa tabi ko.
"Yeah, sure,” walang galang na sagot ni Harvey.
Hindi sumagot si Mrs. Atienza at lumabas na lang. Napatingin ako kay Harvey na kasalukuyang nakasandal sa mesa niya. “Pacool?” bulong ko
"Ano ang problema ng lalaking yan?" asik ni Sarah habang inaayos ang mga gamit sa kanyang bag.
Sinilip ko saglit ang pwesto niya at tulala naman nitong pinag mamasdan ang mga puno sa labas ng bintana. “Hindi ko alam, hindi ko siya kilala at wala akong balak na makilala siya."
“Onga pala, tara magkape tayo, meron daw bagong bukas na Coffee shop malapit dito," pang aaya ni Sarah at tumayo.
"O sige, tara na." tumayo na din ako at inayos ang mga gamit ko’t lumabas na kami ng classroom.
Habang naglalakad kami bigla kong nakaramdam ng hilo at sumakit ang ulo.
"Sarah, teka," tawag ako sa kanya, at huminto ako sa isang upuan at nagpahinga sandali.
"Omg, may lumalabas na dugo sa ilong mo
Renesmee!” napatingin ako sandali kay Sarah at kaagad kong kinapa ang ilong ko at may lumalabas nga na dugo mula dito. kinuha ko ang panyo ko at nakatingalang nagtungo papunta ng cr.
"Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Sarah, habang akay-akay ako papasok ng cr.
"Okay lang ako, pwede ba tayong pumunta muna sa clinic? Sumasakit ang ulo ko,” wika ko.
"Sige sige," sagot naman agad ni Sarah.
Pumunta kami sa clinic pag katapos ko linisin ang ilong ko. Humingi agad ako ng gamot para sa sakit ng ulo. 2 p.m pa naman ang next class namin kaya pinagpahinga muna ako ni Sarah at ng nurse na nag aasikaso sakin.
“Bibili lang ako ng lunch natin, hintayin mo ako dito. Okay?" nagpaalam si Sarah bago umalis ng clinic
Nakahiga ako at pilit na itinutulog ko saglit upang matanggal ang sakit ng ulo ko nang biglang lumapit ang isang nurse sa kama ko.
"Matulog ka muna, Ms. Lewis."
"Hindi ako makatulog," wika ko sa nurse.
"Okay ka lang ba? Namumutla ka," nag-aalala naman nitong tanong.
"Okay lang, Okay lang ako."
“Sige, iiwan muna kita. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako."
"Sige po, Salamat," wika ko
Agad akong humiga at ipinikit ang aking mga mata para makatulog ako saglit, nang marinig ko ang pamilyar na boses.
“Magandang umaga," bati ni Harvey sa nurse
"Oh, Mr. Enriquez, bakit ka nandito?" gulat na tanong ng nurse.
‘Grabe, transfer pero kilala agad nung nurse? Iba din talaga eh,” bulong ko
"Hihingi sana ako ng gamot para sa sakit ng ulo," wika niya
“Siguro yun ang dahilan kung bakit hindi niya pinansin si Mrs. Atienza kanina dahil masama ang pakiramdam niya ngunit hindi tama ang ginawa niya,” inis kong bulong
"Pwede bang matulog muna, may bakante ba?" tanong ni Harvey sa nurse.
"Oo, meron, sa tabi ng higaan ni Ms. Lewis," wika nung nurse kay Harvey.
Napapikit agad ako ng maramdaman kong papunta na siya sa akin.
"Tahimik ka lang, Mr. Enriquez, nakatulog na siya," paalala ng nurse kay Harvey
"Hmmm."
Umalis ang nurse at inayos ang kurtina. Pakiramdam ko ay tinitingnan ako ni Harvey na para bang alam niyang hindi talaga ako natutulog.
"Alam kong hindi ka natutulog," sabi nito
Hindi ako umimik at patuloy lang sa pagpapanggap na natutulog.
“So what kung hindi ako tulog? Hindi kami close!" inis kong bulong sa isip ko. hindi na siya nagsalita ulit at ilang minuto pa nakatulog ako.
"Renesmee."
"Renesmee."
"Hmmmm."
"Renesmee."
"Ano!" sigaw ko, pag mulat ko’y wala naman tao sa tabi ko ngunit sino ang gumigising sa akin? Panaginip lang ba ‘yon?’
“Gising kana pala,” hinawi ni Sarah ang kurtina at umupo sa tabi ko
"Kanina kapa?"
"Kararating ko lang, bakit?”
“Hmm, wala akala ko kanina kapa nandito," sabi ko at tumayo ng maayos ng umupo siya sa tabi ng kama ko.
“Tapos na ang klase, ipaliwanag ko na sa iba nating mga propesor na dinala ka sa clinic at nagpahinga," paliwanag ni Sarah.
"Salamat. Sarah, Anong oras na?" tanong ko habang inaayos ang buhok ko.
"Quarter to 6, bakit?"
"Uwi na tayo, Ipapaliwanag ko nalang kay daddy kung bakit ako late na umuwi." bago kami lumabas ng clinic, dumaan kami sa nurse station dahil dun sa nurse na nag-alaga sa akin kanina.
"Kamusta pakiramdam mo Ms. Lewis? okay kana? Masyadong mahaba ang tulog mo, ” wika nung nurse
Hindi ako nakasagot kaagad dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang puting ilaw sa katawan niya.
“Hoy Renesmee, bakit anong problema?" tanong ni Sarah habang naglalakad kami papunta sa parking lot ng school.
"Wala."
Pagdating namin sa sasakyan namin, agad kong inayos ang bag ko sa likod ng sasakyan ko at tinawag si Sarah para magpaalam.
"Mag-ingat ka sa pagmamaneho!" wika ni Sarah bago pumasok ng sasakyan niya.
"Ikaw din, itext mo ako pag-uwi mo,” wika ko
Naunang umalis si Sarah at sumakay na ako sa kotse ko, paalis na sana ako ng makita ko si Harvey sa harapan ko na kasalukuyang may kausap sa harap ng kotse niya. Hindi ako nagtagal baka mapansin niya ako at kung ano pang isipin nito kaya nagpasya na akong umalis.
Habang pauwi na ako, naalala ko ang bagay na nakita ko dun sa katawan nung nurse kanina. Nagtataka lang ako kung bakit wala iyon kina Sarah at Harvey.
"Kung isa to sa aking mga nakaraang hiling, natatakot ako," wala sa sariling bulong ko.
Hindi ko napansin na nasa harap na ako ng gate namin. Bumisina ako para mabuksan ng aming guard ang gate, iniabot ko ang susi ng kotse kay manong jude upang siya na ang magparada ng sasakyan ko, laking gulat ko na pati ang aming mga guwardiya ay may ganoong bagay tulad nung sa nurse kanina. Agad akong pumasok sa bahay dahil sa takot.
“Good evening baby, bakit ka late kana at umuwi?" tanong ni mommy ng makasalubong ako sa living room.
"Uhm, maraming schoolworks mom, asan si daddy? Kumain na ba kayo?” tanong ko dahan-dahan akong tumingin kay mommy at kahit siya’y meron din ng bagay na iyon. Nakaramdam naman ako ng kaba at takot dahil sa bagay na ito.
“Nasa office niya, ipapatawag ko siya bago tayo kumain, hinihintay ka lang namin," nakangiting sabi ni mommy at pumunta kami sa kusina para mag ayos ng pagkain habang hinihintay si daddy.
"Magandang gabi mga magagandang dilag," galak na galak na sabi ni daddy ng makita kami sa kusina.
"Hello daddy," bati ko at lumapit para humalik sa pisngi niya
Masaya ako, kahit medyo kinakabahan ako dahil lahat sila ay may kung anong bagay sa katawan.
"Nalate ka ata ng uwi? bakit?" tumingin siya sa akin
"Sorry dad, maraming gawain sa school," aniya ko
"Sabagay, may business trip pala ako at isasama ko ang mommy mo, siguro 1 week? Okay lang ba sayo?" tanong ni daddy habang inaayos ang mantle sa mga hita nito.
“Okay lang po daddy, basta mag-ingat kayo ni mommy."
Ang trabaho ni daddy ay hindi isang problema para sa akin, dahil ipinaliwanag nila sa akin ang dahilan kung bakit minsan wala sila sa tabi ko. Hindi ako galit, o anupaman kapag wala sila rito at nasa isang business trip.
"Ingat ka din dito," pag papaalala ni mommy
"Oo naman po mommy."
Pag katapos ng hapunan umakyat agad kami nila daddy dahil aayusin nila ang dadalhin nila. Pumunta na din ako sa kwarto ko para magbihis, dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung anong nangyayari sa akin.
"Sa katapusan ng linggo ay pupunta ako ulit sa lugar na iyon upang alamin kung ano ang nangyayari sa akin." pumasok ako sa banyo upang maglinis at magpahinga.
Wala akong masyadong ginawa mag hapon, ngunit pakiramdam ko’y pagod na pagod ako.