bc

The Secret Forest

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
goodgirl
powerful
mafia
twisted
mystery
campus
magical world
previous incarnation
crown prince
like
intro-logo
Blurb

Renesmee Lewis is a simple student of Hanson University. Everyone envies her for her enchanting beauty. Her gray eyes, red lips, sharp nose and thick eyebrows. In other words she was perfect. She had nothing else to ask for in her life. It's just a nice and happy family for her, she’s content. But it all changed because of a wish that she thought was just a joke. Ability to see the future and past of other people and especially to stop the time. But that ability is only for the benefit of others and not for her.

Renesmee will meet Harvey who is also a time traveler. Harvey goes to Renesmee’s time to stop her from things that shouldn’t have happened.

chap-preview
Free preview
Chapter One: Wish
Renesmee’s POV "Esmee,” hinihingal na tawag ni sarah nang makarating kami sa tuktok ng bundok. "Bakit,” agad naman akong napalingon sa gulat dahil sa sigaw na yon ni sarah. "Alam mo ba ang sabi nila meron daw falls dito na kapag humiling ka, ito raw ay magkakatotoo,” humihingal nitong sabi. "Naniniwala ka ba diyan,” napailing nalang ako dahil sa edad namin na ito ay naniniwala pa siya sa mga kahilingan na ganto, hindi dapat ako sasang ayon sa pag-akyat namin dito dahil bukod sa sobrang liblib nakakatakot pa sa dadaanan dahil halos walang nakatira sa lugar na ito bukod sa bahay noong matandang na nag babantay nito. “Walang masama sa paniniwala, halimbawa kung totoo kung ano ang gusto mong hilingin?” nakakunot noo nitong tanong na parang pinipilit na maniwala ako. "Ahmm, gusto kong makita ang hinaharap." napapaisip kong kunwaring sagot napapikit nalang ako dahil sa kakulitan niya dahil hindi niya ko titigilan hangga’t wala siyang nakuhang sagot mula saakin. "Ahhhm, napakainteresado naman ang hiling mo. Ako ayokong makita ang hinaharap ko, baka mamaya mamatay ako ng maaga, di ba? Gusto ko lang yumaman tayo." natatawa nya’ng sabi at nag lakad papunta sa gilid ng falls. “Mahalaga ba talagang maging mayaman? Hindi masaya ang maging mayaman sarah." tanong ko naman sa kanya habang sinusundan ko siya. Dahan dahan lang ang lakad ko dahil medyo madulas ang mga bato tinatapakan namin, dahil na din sa tubig na umaampiyas mula sa falls. “Mayaman kana Esmee, alam mo naman ang nangyare sa buhay namin, di ba? Maswerte ako na magkaibigan tayo, at tsaka kontento kana sa buhay mo wala ka ng ibang mahihiling." halata sa mata nito na seryoso siya sa mga sinasabe niya malungkot din ang mga mata nito na parang iiyak dahil sa mga binibitawan nitong mga salita sa akin. “Basta't maayos ang pamilya mo sarah, Maswerte din naman ako dahil kaibigan kita Sarah." nakangiti naman akong sumagot dahil kilala ko si sarah na madamdamin pero alam kong totoo ang mga sinasabe niya. Kahit ako totoong swerte ako dahil kaibigan ko siya, bahagya akong nangiti ng maalala kung bakit ganto nalang katibay ang pag kakaibigan namin. Bigla naman itong tumigil sa pag lalakad at humarap sakin, “Bakit ganto tayo ka drama, halika na hanapin nanatin yung falls,” natatawang sabi niya at pinunasan ang luha nang gigilid sa mga mata niya. Naging magkaibigan kami simula pa noong kindergarten: naging mag kaklase kami hanggang mag kolehiyo, nahihiya pa siya sakin noon dahil walang gustong makipag kaibigan sakanya. Dahil ang mga gaya raw namin na mayayaman dapat ang kinakaibigay ay kapwa mayaman. Hindi kami pantay sa buhay pero hindi ko naman ‘yon tinitignan sa isang tao wala akong pakialam, Hindi ako pinalaki ng aking magulang ng maging masama at mapang mataas sa kapwa ko. "Esmee,” galak na galak na tawag sakin si Sarah nang makita ang falls, nang ako na ang nakakita tila isa itong paraiso para sa’kin, paraiso ang tamang itawag sa lugar na ito. Napakagandang lugar na hindi mo aakalain na nasa tuktok ng bundok na ito. Ang magkakaibang kulay ng mga bulaklak na kumikinang sa pagampiyas ng tubig at sikat ng araw ay na nagbibigay liwanag sa mga tubig na nasa ibabaw ng mga bulaklak, ang siyang mas nag papaganda sa lugar na ito animo’y mga kristal na kumikinang sa ibabaw ng mga dahon, Sa gitna ng sapa ay mayroong isang layer ng mga bato at ito ay isang bilog na porma na katapat mismo ng daloy ng tubig, Agad naming nilapitan ni Sarah ang batong iyon na kung titingnan mong mabuti ay isang balon. Sumilip kami sa loob at naglalaman ito ng iba`t ibang mga kulay na bato. "Tingnan mo ang bagay na ito,” namamahang sabi ni Sarah nang makita sa tagiliran ang timba ng iba't ibang kulay na bato. "Sarah, baka magalit ang may-ari niyan.” pinagalitan ko siya ngunit hindi niya ako pinansin at binigyan ako ng isang pulang bato. "Sinasabi dito kapag ang bato ay pula para sa mga kahilingan na imposible ngunit mangyayari." saad nito at binasa kung ano ang nakasulat sa papel sa gilid ng timba. Ang mga kulay dito ay pula, puti, asul, itim at dilaw. Ang pula ay para sa mga imposibleng kahilingan. Ang puti ay para sa pag-ibig, Ang Blue ay para sa iyong personal na pagkahilig, At ang itim ay para sa kabutihan, At ang dilaw naman ay hindi namin mahanap kung para saan ito ang kulay na ito. "Humiling tayo,” wika ni Sarah at nakapikit habang hawak ang bato sa magkabilang kamay. Pinili niya ang kulay asul na bato. Pinikit ko din ang aking mga mata at humiling, Pagkatapos nito itinapon ko ito sa balon. Alam kong imposible ito, ngunit walang masamang mangyayari kung maniniwala ako, tama? Kung magkatotoo ito, maniniwala ako. “ aniya ko "Ang bilis mo naman, Ano ang hiniling mo?" tanong ni Sarah at tumingin sa loob ng balon. "Eh, hiniling ko lang ang makita ko ang hinaharap.” ngunit sa katunayan nais ko ring makita ang nakaraan. “Tayo na,” sabi ko at naglakad na papunta sa isang kubo. Sa totoo lang hindi alam ng aming mga magulang na pumunta kami sa bundok na ito, Hindi namin pinasukan ang amin klase ngayon dahil gusto ni Sarah na pumunta dito. "Sarah,” “Bakit?” sumagot naman siya at umupo sa tabi ko. "Ano ang sasabihin mo sa iyong mga magulang kung nalaman nila na hindi tayo pumasok sa klase?" "Wala silang pakialam kung pumasok ako o hindi." bahagya pa itong nayuko ng sagutin ako. "Sarah, bakit ganyan ang iniisip mo?" pangungumbinsa ko sakanya dahil hindi ko alam kung bakit nasabi niya ang mga bagay na yon. Lumapit naman ako sakanya para tapikin ang likod niya dahil ramdam ko ang lungkot sa mga sagot niya. "Esme kung nakikita mo lang o kung kasama mo sila hindi mo hihilinging mabuhay." wika niya ramdam ko ang kalungkutan sa boses nito. "Kilala mo ako, baka mamatay ako kung mawala ang magulang ko, Hindi ko alam kung kaya kong mabuhay mag-isa." sabi ko at bumuntong hininga "Magkaiba tayo Esmee, Mabait ang magulang mo. Mga magulang ko, hindi ko alam." kunwaring ngiting sagot ni sarah kita ko naman sa mata nito ang lungkot na daladala niya dahil na din sa mga magulang nito. "Ngunit bakit mo hiniling na maging mayaman kaysa mamatay?" pagbibiro ko dahil alam kong iiyak siya. "Baliw ka, Malamang hiningi ko 'yan para hindi na sila magalit sa akin." wika nito at tumawa. "Biro lang tara bumaba na tayo, Hindi tayo pwede gabihin dito." natatawa kong sagot sa kanya dahil kahit kelan hindi mo siya mabibiro dahil lahat sa kanya seryoso. Agad ko naman siyang niyakap bahagya pa siyang nagulat sa ginawa ko dahil bibihira kong gawin to sa kanya madalas siya pa ang ganto samin. “Nandito lang ako, kaibigan mo ko at parang kapatid na rin kita.” nakangiti kong sabi sa kanya at bumitaw sa pag kakayakap. "Sandali kukuha muna ko doon ng isang bato, Isang souvenir lang." bumalik siya sandali at kumuha ng isang dilaw na bato. "Kung sabagay, wala namang nagsabi kung ano ang ibig sabihin sa likod ng dilaw na bato, kaya kukunin ko lang ito. Ay, eto. Para sa iyo ang isang ito." iniabot niya sa akin ang isang kulay dilaw na bato at inayos ang kanyang kagamitan at nauna nang naglakad. Sinundan ko siya nang matapos kong ayusin ang mga tali ng aking sapatos nang bigla kong mapansin ang isang tao sa tuktok ng talon, Hindi ko siya masyadong nakita dahil napapikit ako dahil sa sikat ng araw at pagkabukas ko ng aking mga mata ay wala na ang taong yun. "Renesmee!” halos mapatalon naman ako sagulat dahil sa sigaw ni sarah dagdag ko pa iyong taong nakita ko tapos nawala nalang bigla. "Teka.” tumakbo agad ako kung saan naroroon si sarah dahil sa takot, napakatahimik ng lugar. Ako, at si Sarah, lang ang tao dito. "Sarah?" marahan kong tawag sa kanya, at lumingon siya kaagad saakin. "Bakit? Hoy, bakit namumutla ka?!" nag-aalala tanong nito sa akin. "Kasi ... teka, may kasama ba tayo dito nung umakyat tayo? I-I mean... K-kasabay ba..” nauutal kong tanong sa kanya. "A-Bukod sa c-caretaker ng lugar na ito, wala. A-Bakit?" halata naman sa muka niya ang gulat dahil sa tanong ko bahagya pa siyang tumingin sa likod ko at sa paligid namin. “B-bakit? H-hindi oras n-ngayon para manakot ka renesmee! ” nauutal na nitong tanong sakin. Kahit naman ako’y nakaramdam din ng takot dahil kung pati siya’y nakita ang tao na yon sa taas siguro tatakbo siya pababa nitong bundok. "May nakita ako bago tayo bumaba. Sa taas ng talon. I can't see the person that much because of the sun." paliwanag ko naman sa kanya kung anong nakita ko kanina bago kami bumaba. "Siguro ang tagapag-alaga nitong falls ang nakita mo, Tinatakot mo ang sarili mo." tumawa siya at hinampas ang braso ko. Nagpatuloy kaming bumaba. Madulas ang daan pababa, kaya't pareho kaming nag-iingat. Ngunit hindi ko makakalimutan ang nakita ko kanina, hindi mawala sa isip ko. "Baka nakatingin sa atin ang taong iyon kanina," bumulong ako "Renesmee.” "Sarah bakit?" tanong ko kay Sarah. "Ha? Ano, bakit?" takang tanong din nito sakin nabasa ko naman ang biglang pagkalito sa mukha nito. "T-Tinawag moko di ba?" nauutal kong sabi. "H-Hindi A-Ahh!" halos mautal na nitong sagot sakin bahagya pa siyang napahawak sa isang maliit na punong nasa gilid niya dahil kung hindi baka dahil sa gulat at takot ay madulas siya pababa. "Renesmee!” sigaw ng boses ng lalaki na nang gagaling sa taas kung saan kami nang galing kanina. Sa takot namin ni Sarah ay halos tumakbo kami pababa, hindi nanamin pinapansin ang madulas na daan dahil naramdaman naming hinahabol kami ng boses. Sa sobrang taranta namin na makababa ay nahulog kami sa bangin, at hindi namin alam kung ano ang nangyari bago madilim ang aking paningin ay naging maliwanag muna ito nakita ko ang isang lalaki na nanonood sa amin habang nasa gantong sitwasyon kami. "Tulong." sambit ko sa lalaking nakatingin saamin, bakas sa mga mata nito ang gulat dahil na rin siguro sa sitwasyon namin ngayon ni sarah, akmang iaabot na niya ang kanyang mga kamay sakin mula sa taas ng bangin, nang bigla akong mawalan ng malay...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

True Luna

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
203.2K
bc

Lauchlan The Betrayed (book 2 of Hell in the Realm series)

read
70.6K
bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

A Warrior's Second Chance

read
339.5K
bc

Holiday Fling with the Fae King

read
11.9K
bc

Alpha's Rejected Mate

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook