Chapter Two: Harvey?

2321 Words
Renesmee’s POV Sikat ng araw na nagmumula sa bintana ang gumising sa akin, nakapikit mata kong ibinangon ang sarili sa kama upang uminom ng tubig sa tabi ng mesa tulad ng ginagawa ko araw-araw paggising ko sa umaga. Huminto ako sandali ng hawakan ko ang baso ng tubig at tumingin sa paligid. “Bakit ako nasa ospital?” tanong ko sa sarili ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si mommy. "Gising kana anak.” agad naman lumapit sa akin si mommy at tinulungan akong humiga. "Humiga ka muna, tatawag ako ng doktor," utos ni mommy at lumabas na ng kwarto. Inisip ko kung bakit ako nandito at kung gaano ako katagal natulog, mayamaya’y bumalik si mommy na may dalang doktor, at dalawang nurse. "Kumusta ang pakiramdam mo?" asik ng doktor sakin at sinuri ang aking buong katawan. "Halos tatlong araw kang tulog anak,” halata ang pag-aalala sa boses na sabi ni mommy sa akin. “Natulog ako ng tatlong araw? Hindi ako makapaniwala,” wika ko "Mommy, nasan si Sarah? ” nag aalala kong tanong dahil kung tatlong araw na nandito ako, ibig sabihin tatlong araw din tulog si Sarah? "Gising na siya, saan kayo nagpunta at anong nangyari?" kalmado siyang nagtanong ngunit halata sa boses nito ang pigil na galit. "Umakyat kami ng bundok mom, tapos nung pababa na kami.” bahagya akong napaisip kung anong bang nangyare nung araw na ‘yon. “Hindi ko masyadong maalala, basta nagmamadali lang kaming bumaba," ipinaliwanag ko dahil hindi ko talaga naaalala ang buong nangyare noon. "Paano kami nakarating rito?” nagtataka kong tanong kay mommy. "Isang matandang lalaki at ilang pangkat ng mga kabataan ang nagdala sainyo dito, sinabi nila na hindi nila kayo magising nung nakita nila kayo sa gilid ng bangin," paliwanag ni mommy at bumuntong hininga. Tinanggap ko lahat ng sermon ni mommy dahil alam ko sa sarili ko na kasalanan ko iyon. Kung hindi ko sinamahan si Sarah, hindi ito mangyayari. "Kung pipigilan ko lang ang oras ngayon upang tumigil si mommy sa pangangaral sa akin, gagawin ko," bulong ko at ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil masakit talaga ang buong katawan ko pati na rin ang aking ulo, bahagya ko pang hinilig ang ulo ko sa bandang kanan ko para hindi marinig ang mga sinasabi ni mommy. "Mommy, please?” nakikiusap kong sabi kay mommy habang nakatalikod sa gawi niya, dahil hindi ko makaya ang ingay ngayon dahil sumasakit ang ulo ko. "Mom,” pikit mata kong tinawag si mommy para sana sabihin na nagugutom ako, bigla nalang kasing tumahimik ang paligid wari mo’y ako lang ang nandito sa loob ng silid ko. Medyo nagulat ako pag mulat ko ng aking mata, akala ko’y lumabas sila dahil biglang tahimik na ultimo pag bukas ng pinto ay hindi ko napansin. Ang lahat ng tao sa silid ko maliban sa akin ay hindi gumagalaw, pinunasan ko ang aking mga mata, at iba pa. Si mommy at ilang mga tao sa aking silid ay naging tulad ng mga estatwa. Tumayo ako sandali at sumilip sa labas upang humingi ng tulong ngunit maging ang mga tao sa labas ay tila mga rebulto rin. Tumakbo agad ako sa higaan ko at nagdasal, dahil natatakot ako. "Natatakot ako please! Ayokong pigilan ang oras!" takot na takot kong sigaw na pati ang aking mga kamay ay nanginginig na rin habang ako’y nagdadasal. Sisilipin ko na dapat si mommy at ang doktor ng biglang tawagin ako ni mommy. "Nakikinig ka ba Renesmee?” galit na tanong ni mommy. "Mommy!” sa gulat ko, umiiyak kong niyakap si mommy. Nagulat pa siya bigla sa ginawa kong iyon sa kanya. "Hindi ako galit, bakit ka umiiyak? Gusto ko lang malaman mo na hindi mo kailangang mag skip nang klase mo," kalmadong ipinaliwanag niya. Hindi pa ako sumagot bagkus niyakap ko nalang si mommy lalo. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon, ngunit parang kakaiba at nakakatakot sa pakiramdam. —— End of Flashback. —— Mas naramdaman ni Renesmee ang sobrang irita dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw na nagmumula sa kanyang bintana. Nagtataka siya kung sino ang nagbukas ng kanyang bintana sa maagang oras na ‘to. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago siya tumayo sa kanyang kama at walang kahirap-hirap dinarag ang kanyang sarili patungo sa bintana ng kanyang silid upang isara ito. "Renesmee," tawag sakin ni mommy sa isang matamis na boses. "G-good morning mom, nakakagulat ka naman po.” gulat ko naman siyang nilingon ng matapos kong ayusin ang kurtina ng bintana ko. “Kayo po ba ang nag bukas ng bintana ko?” "Oo at maaga kitang sinilip kanina, bumaba kana’t hinihintay ka ng daddy mo sa baba," nakangiting sabi niya at inayos ang buhok na nakaharang sa mukha ko. "Opo, susunod ako,” sagot ko at hinalikan siya sa pisngi. Tumayo ako at inihatid palabas si mommy ng kwarto, ngumiti lang siya sa akin bago ko sinarhan ang pinto at pumunta sa banyo upang maglinis. Kontento na ako sa buhay ko, ito’y isang magandang at tahimik na buhay lamang. Nang matapos kong linisin ang katawan ko bumaba na agad ako dahil alam kong maikli ang pasensya ni daddy kaya bago pa ako tawagin ulit bumaba na ako. Ang aking unang klase ay alas-10 pa, ngunit maaga akong ginising ni mommy dahil kailangan sabay-sabay kaming kumain ng agahan. "Magandang umaga!" masayang bati ko sa kanila at lumapit kay daddy para halikan siya sa pisngi. "Good morning baby, kumusta ka sa school?" kunot noo na tanong sakin ni daddy pero sa mga papeles nitong nakatingin at hindi sa akin. "Okay lang daddy, nag eenjoy po ako,” nakangiti kong sagot at tumingin ako kay mommy. “Masaya akong marinig na nasisiyahan ka, 2 taon nalang mula ngayon ay magtatapos kana,” wika nito at binaba sa mesa ng mga papeles na binabasa niya at tumingin sakin. “O-Opo." nakaramdam naman ako ng kaba sa tanong na yon ni daddy dahil nauutal ko siyang sinagot. Sweet si daddy pero may pag kaistrikto talaga minsan lalo't kung tungkol ito sa company namin. “So, kailangan na kitang ihanda upang hawakan ang ating kumpanya?” tanong ni daddy, tumingin agad ako sa kanya at hindi ko alam kung anong isasagot ko. “Maaga pa mahal, hayaan mo munang mag-enjoy si Renesmee sa kanyang buhay," sabay ni mommy sa usapan at tumingin sa akin. "Hangga't maaga’y kailangan na niya itong aralin, basta kung kailan man siya maging handa, maaari niya akong makausap," kalmado nitong sagot at tumingin sa akin. "Tama ba ko Renesmee?" seryosong tanong nito ulit at kumunot pa ng bahagya ang noo dahil sa tagal kong sumagot. "Y-yes, d-daddy,” nauutal kong sagot at pinilit kong ngumiti sa harap niya. “Basta't kung saan ka masaya, susuportahan ka namin," sabi ni mommy. Kontento na ako sa buhay na mayroon ako. Hindi ko kailangan mainggit sa lahat. Hindi rin mahalaga sa akin ang pera dahil mas mahalaga ang pagmamahal na ibinibigay ng aking mga magulang. "Mommy, aakyat na po muna ako may klase ako ng 10AM." tawag ko kay mommy habang nasa living room sila ni daddy at masayang nag uusap, napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang dalawang taong mahalaga sakin, lumapit muna ako sa lamesa at kumuha ng apple bago tuluyang umakyat ay tinawag ko ulit si mommy dahil hindi niya ko sinagot kanina. "Mommy, sabi ko aakyat na ako. May klase ako ng 10,” nakangiting sabi ko kay mommy “Sure baby, sige na’t mag ayos kana muna," sagot naman nito at bumalik ulit sa pakikipag usap kay daddy. Umakyat na ako sa aking kwarto at iniwan sila sa sala, walang trabaho si daddy ngayon kaya't ginugugol niya ang kanyang oras sa amin. Pagpasok ko sa kwarto, kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Sarah, sumagot siya pagkatapos ng isang ring palang. "Magkita na lang tayo sa library," wika ko kaagad nang sinagot niya ang tawag. "Sure sure, see yah!" wika nito sa kabilang linya. Pinatay ko ang tawag at pumasok sa banyo upang maligo. Habang naliligo ako bigla kong naalala ang nangyari sa akin 2 taon na ang nakakalipas ng naranasan ko iyon, hindi ko naisip ang ganoong desisyon dahil takot din ako. Agad akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. Halos maubusan ako ng oras dahil sa mga kilay na hindi ko matutunang ayusin. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at tinignan ang sarili sa salamin. "Napaka-frustrate ang subject na ‘yon. Kailangan ko pang mag-make up!" galit na bulong ko sa sarili habang nakatitig sa salamin at binura ulit ang kilay ko. "Ipapaayos ko nalang ‘to kay Sarah." tumayo ako at hinanap ang susi ng sasakyan ko. Pagbaba ko, hinanap ko agad sila mommy para mag paalam. "Mommy?" tawag ko habang inaayos ang necktie ng blusa ko. "Ma'am, ang mommy niyo po ay nasa hardin," wika ni Ate Melba "Sige na, ate melba paki sabi mo lang sa kanila na umalis na ako, salamat," utos ko at lumabas na ng bahay at nagtungo sa garahe. Agad kong pinaandar ang kotse ko at nagtungo sa school. Ang University na pinapasukan ko ay malapit sa aming village kaya pagkatapos ng 5-10mins ay nakarating ako agad sa University. Nang maipark ko na ang kotse, bumaba na ako upang pumunta sa library kung saan kami magkikita ni Sarah. Tahimik akong nagtungo sa library dahil halos lahat ng mga mag-aaral ay nagsimula na ang klase. Sa di kalayuan, nakita ko kaagad si Sarah. Dahil sa hair style niya, makikilala ko siya agad. Pati na din ang katawan nito, matangkad din si Sarah kaya lagi siyang napipili na sumali sa mga pageant simula nung highschool kami hanggang ngayon. "Sarah!" "Renesmee! I miss you,” sigaw niya at tumakbo palapit sa akin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin masabi kay Sarah ang mga kakatwang nangyayari sa akin dahil ayokong sumama ang loob niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa natutupad ang kanyang hiling. "Hoy Renesmee," tawag nito sa akin "Ohhh,” nakasimangot kong sagot sakanya “Wala sa mood? Bakit? Pinag-usapan niyo ulit ng daddy mo ang tungkol sa kumpanya niyo?” tanong nito habang tinatapik tapik ang balikat ko. "Hoy," tawag nito ulit sakin. "Syempre, hindi ko masabi kung ano talaga ang gusto ko," nakasimangot kong sagot at yumuko nalang ako ulit. "Ipaliwanag mo lang sa kanila. Baka maintindihan ka nila, di ba?" sagot naman ni Sarah habang nakatingin sa maliit na salamin sa harap niya habang inaayos ang sarili, nag lagay pa ito ng pulang lipstick sa kanyang makakapal na labi na bumagay naman sa kanya. "Alam ko, ang hirap kapag wala kang mga kapatid Sarah, Yun ang kulang sa akin," malungkot kong sabi at tumungo ulit sa lamesa. “Teka, hoy bakit wala kang make up?" inangat niya ang aking ulo at tiningnan ako ng masama. "Alam mo bang halos maubusan ako ng oras dahil sa kilay ko!" gulat naman nitong tinignan ako at nilapag sa lamesa ang hawak niyang make up kit. “Halika aayusin ko yang kilay mo, lumapit ka dito." lumapit ako kay Sarah upang ayusin niya ang aking mukha, dahil kailangan talaga naming magmukhang presentable sa isa sa aming mga subject. "Ohhh ganda lang, Ang ganda mo talaga!" manghang manghang sabi ni Sarah. "Halika, huli na tayo," sagot ko at tumayo na, agad din naman din siyang sumunod sa akin pag tayo ko. Ang aming library ay nasa ika-3 palapag at ang silid ng aming unang subject ay nasa unang palapag. Pababa na kami nang biglang tumunog ang bell ng school, at lumabas ang mga estudyante. “High school building nga pala ito,” wika ko kay sarah. “Hayaan muna natin mauna ang mga highschool.” Hinayaan muna namin ni Sarah na bumaba ang mga estudyante sa high school at tsaka kami bumaba. “Ang hirap makipag sabayan sa mga ‘yon maliligalig," naiinis na saad ni Sarah. “Oh halika, wala na ang mga bata," dagdag pa nito at tumawa. "Tayo na," sagot ko at nag lakad na pababa ng hagdanan. Habang bumababa kami ni Sarah, may nakasalubong kaming isang hindi pamilyar na lalaki. Hindi ko siya nakikita dito baka Transferee siya? Hindi ako tumingin sa kanya. Bago siya dumaan sa amin, napansin ko ang pinaglaruan niya sa kamay niya... isang bato, isang bato na kapareho noong samin ni Sarah. "Ms. Lewis!” galit na galit na tawag sakin ni Mrs. Atienza at tinuro pa ako na akala mo’y sobrang laki ng kasalanan ko. "A-Ayyyy!" sa gulat ko bahagya akong napasigaw. “Mukhang wala kang pakialam sa aking klase Ms. Lewis?" manghang tanong ni Mrs. Atienza, nagawa pa nga nitong ngumiti ng nakakaasar. "Sabagay, first day of class mo wala kang ibang magagawa ngayon kundi magpakilala, dahil bukas mag uumpisa nako magturo," aniya ni Mrs. Atienza "Ang pagpapakilala ay ayon sa alpabetiko ———" natigil ito sa pagsasalita, nang biglang may dumaan na lalaki sa harap mismo niya at huminto saglit upang maghanap ng bakanteng puwesto. “Aba, Mr? Parang walang Professor sa harap mo?!” inis na inis na sigaw ni Mrs. Atienza sa lalakeng nakatigil sa mismong harapan niya. Ang mas nakakainis pa, hindi siya pinansin ng lalaki at dumiretso lang sa akin kung saan bakante ang upuan sa tabi ko. “May nakaupo ba dito?" tanong nito sakin. "A-Ahh w-wala," nauutal kong sagot "Ehem, baka gusto mong mag-sorry, Mr?!" galit na paninita ni Mrs. Atienza. "Enriquez," walang galang naman na sagot nang lalaki. "Ahhhhh! Tumayo ka’t, magpakilala ka ng maayos!" galit na utos ni Mrs. Atienza, halos lahat kami’y natakot dahil unang araw ganto agad? Biglang tumayo ang yung antipatiko kong katabi at walang kagana gana ang mukha niya, nakapamulsa pa at ngumunguya ng bumble gum? Grabe, nag iwas tingin naman ako ng bigla niya kong tignan at humarap sa unahan ulit. “Problema nito? Titingin pa talaga muna sakin? Hindi naman kami close!” bulong ko "Harvey, I’m Harvey Enriquez."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD