MANILA INTERNATIONAL AIRPORT Nakalapag na ang plane na sinasakyan nina Elena. Mahigpit ang hawak niya sa maliit na kamay ni Matty habang hila-hila ang malalaking maleta nila. Kasunod siya sa nanay at kanyang lola na may private nurse na kasama. Gusto nang ama niya na sumama sa kanila pero may mga business itong dapat asikasuhin kaya susunod nalang daw ito. Plano ni Elena na manatili sa Pilipinas ng dalawang buwan. Sasamahan lang niya ang pamilya sa bago nitong bahay sa Metro Manila pero uuwi din agad siya sa New Zealand. Doon na ang buhay nilang mag ina at may mga obligasyon siya sa kompanya nang daddy niya. Bali ginawa niyang bakasyon ang dalawang buwan mula sa apat na taon niya pakikipagbuno sa pag aaral at sa ibang bagay. May sasakyan nang naghihintay sa kanila sa labas nang airport

