FOUR YEARS LATER Sa bilis lumipas ng araw buwan at taon ay hindi na namalayan ni Elena lumipas na pala ang four years. Sinubsob niya ang oras sa anak at sa pamilya kaya parang hindi niya masyadong napansin ang mga araw na dumaan. Pinili niyang maging masaya kahit pa may isang bahagi sa puso niya ang may linya. Na para bang kahit anong gawin niyang pag ayos niyon ay hindi talaga napupunan. Alam naman niya kung bakit ngunit ayaw lang niyang aminin sa sarili. Ilang beses niyang naisip na bumalik sa pilipinas noong manganak siya ngunit wala siyang lakas ng loob. Lalo pa't ang huling balita niya kay Alvin ay may babae nang naugnau dito. Anong silbi kung uuwi siya at ipakilala ang anak kung may ibang babaeng nag mamay-ari na dito? Isa pa ay siguradong galit na galit ang lalaki sa kanya. Si

