“Sabay na tayong umuwi, Loli. May sundo ka ba ngayon?” tanong sa kaniya ng kaibigan. Napaisip naman siya. Ang sabi ni Callum ay susunduin siya nito pero hindi naman kasi siya sigurado kung pupunta ba talaga o hindi. Ayaw niyang umasa lalo pa at nu’ng nagsabi ito ay hindi naman natuloy. “Hindi ako sure eh,” sagot niya rito. “Ganoon ba? Sige na, sabay na lang tayo,” anito at nginitian siya. “Hey! Uwi na kayo?” Napalingon naman ang dalawa at nakita si Tim. “Oo, bakit? Ihahatid mo kami?” nakangiting tanong ni Gemma. Napataas naman ang kilay ni Loli nang tingnan siya ni Tim. “Kung okay lang sa inyo at kung may tiwala kayo sa ‘kin,” sambit nito. Siniko naman ni Gemma si Loli. Nagtaka naman siya sa inaakto nito. “Ano? Nag-offer na ang pogi oh,” wika nito at tila kinikilig pa. Mukhang cr

