Nasa waiting area lang si Loli at hinihintay na lumabas si Callum. Mukhang sinamahan nito si Maggie papunta sa ward kung saan naka-confine ang kaniyang lolo. Nakatingin lamang siya sa paa niya at huminga nang ilang beses. Nasa kalahating oras din siyang naghihintay. Gusto pa nga siyang isama ni Callum kanina pero siya na ang humindi. Baka sa inis niya kay Maggie ay hindi niya mapigilan ang sarili. Napatingin ulit siya sa digital clock sa itaas at tumayo. “Puntahan ko na lang kaya?” aniya sa sarili. Naglakad-lakad na lamang siya at pumunta sa nurse station para matanong ang room number ng lolo ni Maggie. Nang malaman ay umalis na siya kaagad at sumakay ng elevator. Paglabas niya ay tahimik na binagtas niya ang hallway at tinitingnan ang mga room number. Nang makita ang kuwarto ay nakahin

