“Kumusta na ang pakairamdam mo anak?” tanong ng ama niya sa kaniya. Ngumiti naman nang tipid si Loli. “Okay lang po ako,” sagot niya. “Nasaan po si Callum?” tanong niya rito. “Umalis saglit at kinausap pa siya ng doctor,” sagot nito. Tumango naman si Loli. “Puwede niyo po bang dalhin rito si Calli?” wika niya sa ama. “Oo naman anak, kakausapin ko mamaya si Callum,” sagot nito. “Gusto kong makalanghap ng sariwnag hangin, ‘Pa,” saad niya. “Pero hindi pa puwede anak,” sambit nito. Ilang sandali pa ay dumating si Geng-Geng bitbit ang anak niya. “Kanina pa siya iyak nang iyak,” tarantang wika nito. Itinaas naman ni Loli ang kamay niya at kinuha ang kaniyang anak. Hindi na siya napigilan nang kargahin niya ito. Napatitig siya sa anak niya na nakatitig lang din sa kaniya at hinahaplos

