Naiwang mag-isa si Lol isa loob ng kanilang kuwarto at kaagad na tahimik na nagdadasal. Ngayon ang schedule ng CS operation niya. Ang laki ng ipinagbago ng kaniyang katawan. Pumayat siya. Nakatingin nga lang siya sa sarili niya sa salamin at nappaikit. Hinawakan niya ang kaniyang tiyan at ramdam ang pabigla-biglang pagtigas. “Lord, huwag niyo po akong pabayaan. Hayaan niyo po akong makita ang anak ko. Mailuwal ko siya nang maayos at malakas. Lord, wala akong magagawa kung wala ka. Sa ‘yo ko inaasa lahat-lahat. Ano’t ano man ang manyayari ay wala po akong pagsisisihan. Lahat ng papuri ay ibabalik ko sa ‘yo. Amen,” aniya at huminga nang malalim. Lumabas na siya ng kuwarto nila ng asawa niya at nakita si Callum na hindi mapakali sa isnag sulok. Nang makita siya ay kaaagd siya nitong nilapit

