Pahiga na sana si Loli nang tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon at tumatawag si Callum. “Hello?” “Glad you’re awake,” anito. “Bakit po sana? May iuutos po ba kayo?” tanong niya rito. “Wala naman, I just want to inform you that I’m here outside of your house,” sagot nito. “Ha?” Mabilis na bumangon naman ang dalaga at lumabas. Alas-nuwebe na ng gabi ah. Bakit kaya nasa labas pa ito? Maingat lang ang kilos niya dahil baka magising ang kaniyang tiya at papa. Paglabas niya ay nasilayan niya kaagad ang kotseng nakaparada sa unahan. Pinatay niya ang tawag at nilapitan ito. Sinadya pa talagang iparada sa bandang madilim na parte ng kabilang kanto. Napapatingin siya sa paligid at baka may makakita sa kaniya. Binuksan naman ng binata ang pinto ng sasakyan at hinila siya papasok

