Maagang pumasok si Lolita at medyo busy sila ngayon dahil malapit na ang fiesta ng lugar nila. Nu’ng mga nakaraan nga ay halos hindi sila magkita ni Callum dahil marami itong pinuntahan. Siya naman ay inaayos ang mga reports. Pagpasok niya ay ramdam niya ang malamig na opisina. Walang ngiti ng binata na bumungad at wala rin ang good morning nito. “Wala pa siya?” aniya at umupo na sa kaniyang desk. Inayos na lang muna niya ang opisina pamatay ng oras. Ilang beses na siyang tumingin sa orasan at magte-ten-oclock na wala pa rin ito. Usually kapag hindi ito nakakabalik ng opisina ay tinatawagan siya o kaya text. Himala ngayon at wala talaga ni isa. Napatingin siya sa pinto nang may kumatok doon. Mabilis na lumapit siya roon at binuksan. “Oh? Lily?” aniya sa katrabaho. “Wala pa rin si gov?

