Inihatid na ni Callum ang dalaga sa bahay nito. Huminto ang saskayan s atapat nila at kita naman ni Loli ang pagtingin ng mga kapit-bahay nilang gising pa. Saktong alas-siyete treinta na rin ng gabi. Wala ang mga kabataan ngayon dahil busy sa mga pa-contest ng LGU at capitol. Malaki rin kasi ang prizes kaya halos lahat ng barangaya ay may entry. “Ihahatid n akita sa loob,” ani Callum. “H-Huwag na,” pigil niya rito. Kumunot naman ang noo ng binata sa kaniya. “Bakit? Ikinakahiya mo ba ako rito sa baryo niyo?” tanong nito. “Huh? Hindi naman sa ganoon. Umiiwas lang ako sa mga puwede nilang i-issue sa ‘yo,” paliwanag niya rito. “I don’t care,” sagot ng binata at bumaba na. Nagulat naman si Lolita at bumaba na rin. Nauna pa nga ito sa kaniya. Natigilan ito nang bumukas ang pinto at bumulag

