Habang kumakain nga sila ay tahimik lang sila. Hindi sanay si Loli dahil tuwing kumakain siya nag-uusap talaga sila ni Nicah. “Ang sarap ng pagkain nila,” komento niya at ngumiti sa dalawa. Tiningnan lang naman siya ni Callum at tinanguhan. “Yes, kaya nga ito ang go to restaurant namin ni, Callum,” nakangiting sagot naman ni Hazel at inispatan ng tingin ang binatang wala namang reaksiyon. Kita naman niyang medyo nahilaw ang dalaga. Nawala ang ngiti sa labi nito at itinuon na lamang ang pansin sa pagkain. “Callum, gusto mo ‘to ‘di ba?” ani Hazel at binigyan ito ng fish fillet. Natigilan naman ang binata at hinarap ito. “I can manage, just mind your own. you don’t have to take care of me, I’m just eating. Eat yours,” wika ni Callum. Alanganing ngumiti naman si Hazel. “S-Sorry.” Hingi

