“Loli, busy ka ba sa sabado?” tanong ni Nicah sa kaniya nu’ng paalis na siya. “Hindi naman bakit?” sagot niya rito. “Puwede mo ba akong samahan?” tanong nito. Mukhang nage-gets naman niya ang ibig sabihin nito kaya tumango siya. “Oo naman,” aniya. “Salamat,” nakangiting wika nito. “Sige, una na ako. Huwag kang masiyadong magpagod,” aniya rito at sumakay na ng traysikel. Mukhang mas maganda talaga na samahan niya ito sa check-up para naman maramdaman nito na hindi nag-iisa. Mabait naman si Nicah at matulungin. Pagdating niya sa capitol ay naglakad na siya papasok nang makita si Derek na nakaupo sa labas at tila hinihintay siya. “Good morning, friend,” bati nito sa kaniya. Napakunot-noo naman siya. “Ano na namang drama ‘to, Derek?” asik niya rito. “Eh ‘di ba sabi mo kagabi magigi

