“Kanina pa sunod nang sunod sa ‘tin si gov, pansin mo ba?” bulong ni Geng-Geng sa kaniya. Naglalakad sila sa unahan para puntahan ang pamilihan sa gilid ng dagat. “Baka may bibilhin din,” sagot niya. Tumawa lamang si Geng at hinila siya papsok sa isang swimwear store. “Pili ka, feeling ko bagay sa ‘yo itong kulay kahel na two piece,” wika ni Geng-Geng. “Hindi ako nagsusuot nang ganitong kalse ng damit,” sagot niya rito. “Ano ka ba? Ngayon ang tamang pagkakataon na magsuot ka. Maliligo tayo at hindi mag-i-sleep over, okay?” kumbinsi ni Geng-Geng sa kaniya. “Sige na nga, pero sa gabi ko na ‘to susuotin. Lubog tayo roon sa indoor pool nila, malapit sa cottage natin,” aniya rito. “Oo naman no, dapat lang na enjoy-in natin ‘to at sa susunod na araw trabaho na naman,” anito. Sumang-ayon

