Chapter 3

2122 Words
Napapalunok na lamang si Loli habang tinitingnan ang sarili sa malaking salamin. “Oh, Loli? Ano pa ang hinihintay mo riyan? Sige na. Hindi ka ba marunong maglagay ng make up?” tanong sa kaniya ni Tajo. Wala naman siyang malapitan ni isa dahil busy silang lahat. Hindi niya rin makita si Nicah. Wala siyang ideya kung nasaan ito. “H-Hindi po ako maalam eh,” sagot niya rito. Tumango naman ito at nilapitan siya. Pinaupo sa harap ng salamin at nilagyan ng makapal na make up ang bandang mata niya. “Kailangan maganda ang mata mo. Maganda naman ang mata mo at namimilantik ang iyong pilik-mata. Pero mas maganda pa iyan kung lalagyan natin ng mga shining shimmering splendid,” anito. Ilang minuto lang naman iyon at tapos na. “Ito, isuot mo nga,” dagdag nito. Napatingin naman siya sa paligid at tila alanganin pa siyang maghubad. “Nahihiya ka ba? Aba’y huwag kang mahiya sa mga ‘yan,” ani Tajo at inalalayan pa siya. Kita naman niya ang pagtikwas ng kilay ng kasamahan niya. “Ano ba naman ‘yan? Baby ka ba para kailangan pang asikasuhin ni, Mamang?” asik ng kasamahan niya. Napakamot naman siya sa batok niya at kaagad na hinubad ang suot na damit. Nang maisuot ang ibinigay na costume ay hindi siya makagalaw. Para na rin siyang naghubad sa sobrang sexy. Tanging private parts niya lang ang natatakpan. “Halika,” ani Tajo at dinala na siya sa ikalawang palapag. Hawak-hawak ni Lolita ang maskara niya. “Alam mo bang masuwerte ka sa gabing ‘to? Dapat ang nakatuka ngayon para pagsilbihan mo ay si Don Julio. Kaso may umapela. Isang mayamang negosyante. Hindi nagsabi kung sino pero malaki ang bigay. Kaya galingan mo, siguraduhin mong magugustuhan niya ang iyong performance at seventy-five percent ng perang ibinigay niya ay mapupunta sa ‘yo. Dapat half-half tayo, pero dahil nangangailangan ka kaya payag na ako sa bente-singko,” wika nito. Napangiti naman si Lolita sa tuwa. “T-Talaga po?” “Oo, isang daang libo ang binigay. Kaya setenta y singko nun ay sa ‘yo. Kaya galingan mo, malay mo, kapag nagustuhan ka niya, babalik ulit ‘yan. Huwag mong sayangin ang pagkakataong ‘to, naiintindihan mo ba? Isipin mo, kwits na ang utang mo sa ‘kin may bayntesinko mil ka pang tira,” wika nito. Napatango naman si Lolita. “Oh siya, pasok ka riyan. Iyang nasa gitnang pinto ang kuwarto mo. Galingan mo ha,” anito at tinapik pa ang kaniyang balikat. Huminga siya nang malalim at kahit papaano ay naibsan naman ang kaniyang kaba dahil sa nalaman. Kahit na kinakabahan ay tinikis niya iyon at pumasok na. Rinig na rinig niya ang kaniyang hakbang dahil sa sobrang tahimik ng kuwarto. Pagpasok niya ay dim ang ilaw at ramdam niyang may tao sa unahan. May pahabang couch at sa gitna ay may pole. Mahilig siyang sumayaw noon pa man kaya kahit walang experience sa ganitong klaseng trabaho ay nagbabakasali na lamang siya. Inayos niya ang pagkakakabit ng maskara at dumeritso sa gitna. Hindi niya masiyadong maaninag ang lalaki dahil nasa madilim itong parte at tanging ang gitna lang ang natatamaan ng iba’t-ibang ilaw. Nang magsimula ang sensuwal na musika ay kaagad na ipinikit niya ang kaniyang mata at sumunod sa indayog ng kaniyang katawan. Pakiramdam niya ay tinatambol ang kaniyang puso nang masilayan itong nakatitig sa kaniya. Gusto niyang lapitan at tingnan kung sino ito subalit labag iyon sa napagkasunduan. Napalunok siya nang makita ang maugat nitong kamay na nagsasalin ng alak sa baso. Rinig na rinig niya ang kaniyang hininga. Unti-unti ring nagsituluan ang kaniyang pawis na lalong nagpakintab sa kaniyang malambot at makinis na balat. Bawat giling niya ay sinigurado niyang hindi ito manghihinayang sa ibinayad sa kaniya. “Stop,” malamig nitong saad. Natigilan naman si Lolita at agad na kinabahan. May problema kaya sa sayaw niya? Hindi ba ‘to nagustuhan ng binata? “B-Bakit po?” taranta niyang tanong dito. “Have a drink,” aya nito sa kaniya. “Pasensiya na po, hindi po ako umiinom,” sagot niya rito. Ramdam niyang tinitigan siya nito. Bagamat hindi niya makita ang mukha ay alam niyang mayaman ito dahil sa iniinom nitong alak. “M-May problema po ba? Ayaw niyo po ba sa performance ko?” kinakabahan niyang tanong dito. Rinig niyang bumuntong hininga ito. “My grandmother was just buried. I just find it too weird. Dapat malungkot ako ngayon, and not having a f*****g hard on while watching you dance,” sagot nito. Natigilan naman si Lolita. “H-Hindi po ako bayarang babae,” aniya. Hindi naman umimik ang binata. Huminga na naman ito nang malalim. Mukhang nalulungkot nga ito. Hindi niya lang maintindihan kung bakit ito nasa bahay aliwan imbis na magluksa. “Lalo lang akong malulungot kapag nasa bahay ako,” sambit nito na tila ba nababasa ang nasa isip niya. “Just stay here until your work’s done. Puwede ba? Bantayan mo ako hanggang sa matapos ang oras mo,” dagdag pa ng lalaki. Kahit na naguguluhan ay pumayag naman si Lolita. Mas pabor iyon sa kaniya. “H-Hindi mo naman babawiin ang ibinayad mo ‘di ba?” panganglaro niya rito. She heard him chuckle. “Dadagdagan ko pa kung tatanggalin mo ang maskara mo. Let me look at you,” seryosong saad nito. Napahigpit naman ang hawak ni Lolita sa maskara niya. “H-Hindi puwede,” aniya rito. Tumango lamang ang binata. “I can’t even show my face to you. Paniguradong magkakagulo,” wika nito. Napakunot-noo naman ang dalaga. “Magkakagulo? Bakit naman?” usisa niya. “Basta,” sagot nito. Hindi na rin nangulit pa ang dalaga. “Can you at least lend me some drinks?” tanong nito. Mabilis na kumilos naman si Lolita at ipinagsalin ng alak ang baso nito. Ilang sandali pa ay tumama sa mukha niya ang mabangong coat nito. “Wear that, I can’t concentrate. Your cleavage is showing,” sambit nito. Mabilis na tinakpan naman ng dalaga ang dibdib niya. “You’re acting like a virgin,” komento nito. Napanganga naman si Lolita at hindi makasagot. Gusto niyang depensahan ang sarili niya pero para sa ano pa? Hindi naman niya ito kilala. “You don’t have to reason out. Alam ko naman na unexperienced ka. I purposefully requested for a newcomer. Gusto ko lang na may kausap na hindi ko kilala,” sambit nito. “Kung ganoon...bakit sa ganitong lugar ka pumunta?” usisa niya rito. “Dahil malaya akong magsalita kahit ano. Wala naman kayong pakialam sa istorya ng buhay ko. Importante sa inyo ay pera. You pretend that you’re listening, but the truth is, tinitiis niyo lang naman ‘yon dahil may perang kapalit. Ang balik naman sa ‘kin nu’n ay ang assurance na hindi ako pagtatawanan at kakalimutan din pagkatapos,” sagot nito. Napaisip naman si Lolita. Totoo nga naman ang sinasabi nito. “Alam mo ba ang pakiramdam na mawalan ng taong kaisa-isang nakaiintindi sa ‘yo?” tanong nito. Tumango naman siya. “O-Oo, nu’ng mawala ang mama ko. Pakiramdam ko tinanggalan ako ng lakas para magpatuloy. Nawalan ng saysay ang buhay ko. Kasi, kaya naman ako nagsusumikap sana sa buhay dahil sa kaniya kaso kinuha rin siya sa ‘kin. Ngayon naman, ang kapatid ko naman ang naghihingalo. Napilitan akong magtrabaho nang ganito para maisalba ang buhay niya,” kuwento niya. Para bang may kung anong humihila sa kaniya para gumaan ang kaniyang pakiramdam at sabihin din dito ang dinadala. “What about your brother?” “May sakit siya. Cardiomyopathy, hindi na kaya ng pamilya namin na mapagamot siya dahil wala ng pera. Kailangan kong maghanap ng paraan, at ito lang ang nakikita ko,” aniya. “You really love him,” he stated. “Oo naman, kahit ano gagawin ko para sa kaniya. Naaawa lang ako sa bata. Ang liit pa pero grabe na ang pinagdaanang sakit. Gusto ko lang naman na lumaki siyang maayos at masaya. Iyong walang iniindang sakit, pero iba eh. Lumapit na kami sa kahit saang foundation. Lahat na ng ahensiya ng gobyerno nilapitan na namin. DENR na lang yata hindi namin nalapitan,” nakangiting saad niya. He heaved a sigh and handed her a card. “Ano ‘to?” “If ever kailangan mo ulit ng pera. Call me. One night for one million,” sambit nito. Napatigagal naman ang dalaga. Nang matauhan ay natawa siya nang pagak. “Maliban sa pagbebenta ng laman, alam kong marami pang paraan para kumita ng pera. Nasabi ko na sa ‘yo na napilitan lang akong magtrabaho rito dah—” “Just keep it. Throw it away kung hindi mo kailangan,” sambit nito at tumayo na. Nakatitig lamang si Lolita sa likod nito. Matangkad at napakaganda ng katawan. “I have to go, thanks for tonight,” sambit nito at walang lingong likod na umalis. Naiwan naman si Lolita na nakatingin sa card. Huminga siya nang malalim at umiling. Lumabas na rin siya ng kuwarto at dumeritso sa opisina ni Tajo. Pagkapasok niya ay kita niya ang ngiti sa labi nito. “Grabe! Ikaw talaga ang lucky charm ko ngayon. Oh heto, alam kong kailangang-kailangan mo ‘yan,” sambit nito. Tinanggap naman niya iyon at nagulat nang makitang one hundred thousand iyon. “T-Tajo, ang laki po nito. Nakuhaan niyo na po ba ‘to ng utang ko?” tanong niya rito. “Oo, dinagdagan kasi ng kliyente mo ng sitenta mil. Kaya iyan na ang linis ng pera mo,” sagot nito. Natuwa naman si Lolita at napayakap dito. “Maraming salamat po,” aniya rito. “Basta ha, kapag kailangan mo ulit ng trabaho, puntahan mo lang ako,” wika nito. Tumango naman siya at nagpaalam na rito. Nagmamadali siyang umuwi para makapunta na rin ng hospital. Pagkauwi niya ay siya namang paglabas ni Nicah sa bahay nila. Mukhang kauuwi lang din nito. “Oh? Tapos ka na?” tanong nito sa kaniya. Alanganing tumango naman siya. “Bili lang ako ulam, para makakain ka na rin,” sambit nito. Tumango naman siya. Napatingin siya sa orasan at alas-dos na ng madaling araw. Buti na lamang at may 24/7 na karenderya sa unahan nila. Pagkapaosk niya ay kaagad siyang naghilamos at nagbihis. Napatingin siya sa perang naka-bundle at napangiti. Malaki ang pasasalamat niya sa taong ‘yon. Nakapagbayad na siya ng utang, may sobra pa. Lumabas na siya ng kuwarto niya at pumunta sa kusina. Naghain na rin siya ng kanin at sakto namang dumating si Nicah. Kaagad na umupo sila at nagsimula na ring kumain. “Kumusta pala ang unang araw mo sa trabaho?” usisa ni Nicah habang busy sa kakalikot sa kaniyang cellphone. Sa kanang kamay ay ang hawak na kutsarang naiwan sa ere. “May pandagdag na ako sa pera. Mabait iyong naging customer ko. Binigyan ako ng isang daan libo ni, Tajo,” sagot niya rito. Natigil naman sa pagnguya si Nicah at tiningnan siya. “Talaga? Buti naman. At least alam niya kung ano ang halaga mo,” sambit nito. “Ayaw ko ng bumalik doon,” wika niya. Ngumuya naman si Nicah at sumubo ulit saka siya tinanguhan. “Karapatan mo naman ang humindi kung ayaw mo na. Kahit ba alam mong ganiyan kalaki ang kitaan aayaw ka pa rin?” tanong nito. “Susubukan ko sa ibang trabaho. Baka palarin ako. Hindi ko kayang sumayaw sa harap ng kung sinu-sinong lalaki,” sagot niya rito. “Naiintindihan kita, ako rin naman,” saad nito. Napakunot-noo naman si Lolita. “Bakit?” “Huwag mong hahayaang malaman nila kung sino ka. Huwag mong hahayaang makilala ka nila dahil paniguradong hindi ka titigilan. Kaya tama lang na tumigil ka kaagad. Huwag kang mag-alala, ako na muna ang bahala sa ibang gastusin. Nandiyan naman ang papa para sa pang-araw-araw natin eh,” wika nito. Napatingin naman si Lolita sa kaniya. “Hayaan mo Nicah, kapag nakapasok ako sa trabaho, kapag maganda rin ang kitaan isasama kita. Hindi puwedeng habang-buhay na ganitong hanap-buhay ang pagtiisan natin,” sambit niya. Natawa naman nang pagak si Nicah. “Sa tingin mo ba talaga sa klase ng buhay natin may tatanggap sa ‘tin? May kukuha sa ‘tin? Ang reyalidad masiyadong masakit. Kung wala kang natapos, wala kang backer, wala kang experience, hindi ka magkakaroon ng magandang trabaho. Sabihin na lang natin na puwede kang matanggap sa opisina, para sa ano? Para sa minimum wage na kahit pa magbuhay dalaga ka, kahit pa sarili mo lang ang tustusan mo, mahihirapan ka,” mapait nitong wika. “Graduate ako ng two-years course tourism, pero saan ba ako napadpad?” dagdag nito at napailing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD