Chapter 2

2164 Words
Pakiramdam ni Lolita ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Ni wala siyang ideya kung saan siya pupunta. Wala siyang malapitan. Habang naglalakad nga sa daan papunta sa pinagtatrabahuan niya ay napahinto siya sa bahay aliwan na pinagtatrabahuan ni Nicah. Halos hindi niya maihakbang ang paa dahil nag-aalangan siya. “Uy! Lolita ‘di ba? Ikaw ang step-sister ni, Nicah,” wika ng babae at nilapitan siya. Medyo may edad na ito subalit nakasuot pa rin ng sexy na damit at puno ng kolorete’t alahas ang katawan. Napalunok siya nang tingnan nito ang buo niyang katawan. Kaagad na nakaramdam naman siya ng pag-aalangan. “Gusto mo bang magtrabaho rito? Sabihin mo lang at may bakante ako ngayon. Kailangan namin ng private dancer,” sambit nito habang nakangiti. Ayaw niya sa ngiti nito dahil halatang iba ang iniisip. “Nabalitaan kong malaki ang problema niyo dahil nasa ospital ang kapatid mo. Ano? Gusto mo ba?” ulit nito. “M-Magkano po ba ang puwede kong kitain? Kailangan ko po ng malaking halaga para masimulan ang operasiyon ng kapatid ko,” sagot niya rito. Halata ang ka desperadahan sa boses niya. Ngumiti naman ang babae at nilapitan pa siya. “Tita Johara nga pala, Tajo ang tawag dito sa ‘kin ng mga girls,” aniya at iniumang ang kamay para sa lamano. Alanganing tinanggap naman iyon ni Lolita. “L-Loli,” saad niya. “Alam mo, maganda ka, bata, at higit sa lahat makinis. Gustong-gusto ng mga customer ko. Mas malaki kung makikipagsiping ka. Malaki rin naman ang kita sa pagsasayaw lalo na kung magustuhan ng kostomer,” wika nito. “A-Ayaw ko pong makipagsiping. Hindi po ako ganoong klase ng babae,” aniya rito. Tumawa naman ito sa kaniya na tila ba naaaliw sa kaniyang sagot. “Alam mo Loli, naiintindihan kita. Pumasok din ako sa trabahong ‘to noon para sa mga anak ko. Tingnan mo naman ako ngayon, may-ari na ng club. Sa ganitong trabaho, hindi ka magkakapera nang malaki kung hindi ka makikipaglaro sa mga customer mo. Baka nga magkaroon ka pa ng consistent na customer aba’y mas maganda iyon. Mas malaki ang pera,” saad nito. Napahawak naman nang mahigpit si Loli sa laylayan ng damit niya at napapikit. Naiiyak siya. Lahat naman kasi ng kaibigan niya ay walang-wala rin sa buhay. kung hindi siya magsusumikap at aasa lang sa kinikita ng tatay at kay Nicah paniguradong kukulangin at malalagay sa alanganin ang buhay ng kapatid na si Junior. Tiningnan siya ni Jo at nagkibit-balikat. Kita niyang nag-aalangan ito kaya nagpaalam na muna siya. “Sige ha, at marami pa akong gagawin. Puntahan mo lang ako sa loob at hanapin si Tajo kapag nakadesisyon ka na,” saad nito. Naikuyom niya ang kaniyang kamao at pikit matang nagtanong. “S-Sasayaw lang po ba?” Nahinto naman si Tajo at tumango. “Oo, depende naman sa ‘yo kung gusto mong magpahawak. Pero mas malaki ang kitaan kapag makikipagsiping ka. Ibang usapan na ‘yon,” wika nito. Napalunok naman si Loli. “Mamaya po ba puwede na akong magtrabaho?” tanong niya rito. Ngumiti naman si Tajo at tinapik ang kaniyang balikat. “Puwedeng-puwede, alas-sais ng gabi pumunta ka na rito. Ipahahanda ko ang isusuot mo at ang kuwarto kung saan ka sasayaw,” sambit nito. Tumango lamang si Loli at huminga nang malalim. “Sasayaw ka lang naman eh, hindi ka naman momolestiyahin du’n,” kausap niya sa kaniyang sarili. “Wala ka na bang ibang tanong at ako’y papasok na sa loob,” sambit nito. “Sandali po, p-puwede po ba akong bumale ng pera? K-Kailangan na po kasi ng kapatid ko eh. Promise po babayaran ko kaagad. Lahat ng kikitain ko ngayong gabi ibibigay ko,” aniya rito. Mataas ang pag-asa niyang papayag ito. Tiningnan siya nito at tinanguhan. “Magkano ba? Singkuwenta mil?” tanong nito. “Kung meron po sana,” mahinang sagot niya. Pinasunod naman siya ni Tajo sa loob. Kita niya pa ang tingin sa kaniya ng mga babaeng nakaupo sa gilid at mukhang kagigising lang. “Girls, ito si Loli. Bagong kasama niyo,” pagpapakilala sa kaniya ni Tajo. Tiningnan lamang siya ng mga babae. Pumasok sila ni Tajo sa isang kuwarto at mukhang opisina iyon. May kinakalikot ito sa drawer niya at pera iyon. Napakaraming pera. Napalunok naman si Lolita. Kinikuwenta iyon ng babae at isinilid sa sobre saka ibinigay sa kaniya. “Alam mo bang bumale rin dito si Nicah? Alam kong kailangan niyo ng pera. Basta ang sa akin lang pagtrabahuan niyo ‘yan. Hindi ko naman kailangan ng interes diyan. Kung magkano ang kikitain mo mamaya kukunin ko kung magkano lang ang hiram mo. Naiintindihan ko kayo,” anito. “M-Maraming salamat po,” aniya at kaagad na isinilid iyon sa bag niya. “Basta ang usapan ay usapan. Mamayang alas-sais,” wika nito. Tumango naman si Loli at nagpaalam na rito. Nagmamadaling umuwi siya at kahit papaano ay nakahinga nang maluwag. Sakto namang pagdating niya ay paalis na ang kaniyang Tiya. Kinuha niya ang pera sa bag niya at ibinigay iyon sa madrasta. Kita naman ang gulat sa mukha nito. “Saan ka kumuha nito?” usisa nito. Umiling na lamang si Lolita. “Sige na po, Tiya. Hindi na mahalaga kung saan galing iyan. Importante ay magamot si Junior,” aniya rito. “Loli,” pigil nito. “Sige na po, magtiwala na lang po kayo sa ‘kin. Mas importante po ang buhay ng kapatid ko. Huwag po kayong mag-alala hindi ako nagnakaw. Hindi rin ako nagbenta ng illegal na droga,” paliwanag niya rito. Nag-aalangan pa rin ito pero tinulak na niya ito palabas. “Sige na po,” aniya rito. Wala na itong nagawa at umalis na lamang. Napaupo naman si Loli sa upuan nilang gawa sa kahoy at pasira na iyon. Napahawak siya sa kaniyang ulo at ramdam niya ang pagkirot. Napaangat isya ng tingin nang makita ang dalawang pares ng tsinelas sa harapan niya. “Nicah,” aniya. Kita niya ang malditang tingin nito sa kaniya. “Alam ko kung saan ka humiram ng pera. Hindi mo alam ang pinapasok mong trabaho, Loli. Baka magsisi ka lang,” sambit nito sa kaniya. “Wala na akong pakialam. Hindi ko kayang tingnan lang si Junior na nahihirapan. Gagawin ko ang lahat para makatulong, para maisalba ang buhay niya,” sagot niya rito. Umupo naman sa tabi niya ang step-sister at huminga nang malalim. “Handa ka bang tanggapin ang pangungutya ng mga tao? Handa ka bang pandirihan at bastusin nila?” tanong nito. Hindi naman siya nakaimik sa tanong nito. “Hindi madali ang pinasok mong trabaho, Loli. Nilagay mo ang sarili mo sa sitwasiyong hahamakin ka ng lahat. Babae, lalaki, bata man o matanda. Wala silang sasantuhin sa pagkatao mo. Babaeng mababa ang lipad, malandi, pokpok. Ilan lang yan sa tawag sa ‘tin. Handa ka bang tanggapin ‘yon?” tanong ni Nicah sa kaniya. Huminga siya nang malalim at hindi mahanap ang tamang salitang isasagot dito. “Ang trabahong ‘to ay hindi para sa mga lambutin. Kaya tatagan mo ang loob mo. Gaya ng pangkaraniwang trabahador, may karapatan din tayong humindi. Sundin mo kung ano ang trabaho mo at huwag na huwag mong hayaang lumampas ang customer mo sa napag-usapan,” wika ni Nicah. “Private dancer ka rin ba?” tanong niya rito. Tiningnan naman siya ni Nicah. Kita niya sa mga mata nito ang pait. Alam niyang nahihirapan din ito dahil sa lahat ng treatments ni Junior ito ang laging sumasagot. “Magmumukha akong sinungaling kung sasabihin kong oo,” natatawa nitong sagot. Sumandal ito sa upuan at napailing. “Pumasok ako sa ganitong klase ng trabaho dahil wala na akong choice. Kung pipiliin kong magtrabaho sa mga minimum wage ang kita paniguradong malalagay sa alanganin ang buhay ng kapatid natin. Nagsasayaw ako sa gabi. Private iyon at minsan kung masiyadong gipit naghuhubad ako,” saad nito. Nagulat naman si Loli. “Tago naman ang mukha ko eh. Hindi nila makikilala kung sino ako. Kapalit ng kada performance ko ay iilang libo rin. Hindi ko kayang kitain iyon sa loob ng isang buwang sahod. Naiintindihan mo ba? Kapalit ng hiya ko sa sarili ko ay pera. Wala na akong pakialam, ang importante ay buhay si Junior,” sambit nito. Pareha naman silang dalawa eh. Lahat para sa kapatid. “Kung hindi ka sure, sabihin mo lang. Aakuin ko ang hiniram mo kay, Tajo,” saad nito. Umiling naman si Loli. “Huwag,” pigil niya rito. “Kailangan kong kumita. Hindi puwedeng akuin mo lahat. Malaki na ako at malakas pa. Kaya kong lunukin ang hiya para sa pamilyang ‘to. Sabi mo nga, hindi naman kita ang mukha ‘di ba?” Tumango naman si Nicah. “Katawan lang ‘to, titingnan pero hindi mahahawakan. Malinis pa rin naman kahit papaano,” aniya. Halatang kinukombinsi ang sarili. “Pero hindi iyan ang nasa isip ng tao, Loli. Kahit pa magpaliwanag tayo sa kanila na hindi tayo nagpapakangkang, hindi sila maniniwala,” anito. “Ang importante alam natin sa sarili natin ang totoo,” aniya rito. “Paano na ang nobyo mo? Paano na si Tiyo? Kapag nalaman nila ang trabaho paniguradong magagalit sila,” anito. “Wala na kami ni, Derek. Huwag mo na lang sabihin kay, Papa. Hindi ko kakayanin kung sakali,” wika niya. “Alam mo namang hindi habang-buhay matatago natin ‘to,” saad ni Nicah. “Alam ko, pero okay lang. Sige lang,” sagot niya. Tumango naman si Nicah. Sabay na napatingin sila sa labas nang marinig ang paghinto ng sasakyan. “Nobyo mo,” wika ni Nicah. Napahilamos naman sa mukha niya si Loli. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makuhang patawarin ang lalaki sa ginawa nito sa kaniya. “Loli,” saad nito habang nakatayo sa pintuan nila. Tiningnan niya lang ito. “May kailangan ka ba?” malamig niyang tanong dito. Pumasok naman si Derek at ibinigay sa kaniya ang bouquet ng bulaklak. Hindi niya iyon tinanggap kaya inilagay na lamang ng binata sa ibabaw ng mesa. “Alam ko namang mali ako eh. Patawarin mo ako, hindi na mauulit ‘yon,” panunuyo nito. “Ikaw naman kasi eh, sinabihan na kitang huwag ng pumunta, pumunta ka pa rin. Alam mo naman ‘di ba? Pagtatawanan ako ng mga kaibigan ko,” saad nito. Mabilis na kinuha naman ni Lolita ang bulaklak na dala nito at hinampas sa binata. “Aray!” reklamo nito. “Mahal ‘yan, dalawang libo ‘yan,” dagdag nito. Napahilamos naman si Loli sa mukha niya at hindi makapaniwalang tiningnan ito. “Umalis ka na, wala na tayo. Tapos na tayo. Hindi ko kailangan ang tulad mo,” singhal niya rito. Marahas na pinunasan niya ang luha sa kaniyang mata at itinuro ang pinto. “Hindi ko kailangan ng lalaking tulad mo. Kung kinakahiya mo ako, maghiwalay na tayo. Nu’ng gabing ‘yon, alam ko namang hindi mo talaga ako mahal eh. Hindi ako importante sa ‘yo. Kaya magkaniya-kaniya na tayo,” aniya rito. “Ang yabang mo na ah. Bakit? Sa tingin mo ba magkukumahog ako sa ‘yo, ha? Ikaw na nga itong sinusuyo ikaw pa galit? Eh ‘di maghiwalay. Matagal na rin kitang pinagtitiisan. Akala mo hindi ko alam? Kaya ka nagtitiis sa ‘kin dahil ako lang ang puwedeng makapag-ahon sa inyo sa kahirapan niyo. Kaya mo lang naman ako sinagot dahil alam mong makatutulong ako sa pagpapagamot ng kapatid mo ‘di ba? Ginagamit mo lang ako,” sumbat nito sa kaniya. Natawa naman nang pagak ang dalaga. “Ang kapal naman ng mukha mong manumbat sa ‘kin. Bakit? may naitulong ka ba, ha? Ni singkong duling wala ka namang naibigay sa ‘min ng pamilya ko kaya tumahimik ka. Huwag kang manumbat dahil wala ka namang maisusumbat. Ginamit kita? Sa anong paraan? Ang kapal ng mukha mo. Umalis ka na! Alis!” sigaw niya rito. “Kung pumayag ka lang kasi na makipag-s*x sa ‘kin hindi na sana nahihirapan ang kapatid mo ngayon. Pakipot ka rin kasi,” insultong saad nito. Galit na kinuha niya ulit ang bulaklak na dala nito at pinaghahampas ito. Mabilis na lumabas naman ang binata. “Ano ba?” sigaw nito. “Huwag na huwag ka ng magpapakita ulit sa ‘kin. Huwag mo ring sabihing nagkulang ako sa ‘yo dahil tama lang na hindi ko isinuko ang sarili ko sa tulad mo. Alam ko, alam kong kung sino-sino lang ang babaeng kasama mo. Nagtatanga-tangahan ako dahil minahal kita kahit gago ka.” Kita niya ang gulat sa mukha ni Derek. “Lahat ng kahayupan mo alam ko, tiniis ko ‘yon. Pero ubos na ubos na ako sa ‘yo. Sana hindi na magtagpo ang landas natin. Kinamumuhian kita,” galit niyang wika at basta na lang na itinapon ang bulaklak nitong sira na sa binata at pabalyang isinara ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD