“Ah oo nagkita kasi kami sa labas. Kaya ayon sabay kaming pumasok.” Pilosopo kong sagot. “Good mood, ah. In fairness lalong gumagwapo.” Gusto ko sanang sagutin na walang kasing gwapo ngunit hindi na lang. “Good mood na ba sa’yo ang ganoon?” tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. “Oo noh! Lagi kayang seryoso ‘yon. Hindi ngumingiti. Nakasalubong pa ang kilay.” “Baka dahil busy kasi siya. Josa, anong kape pala ang gusto ni Boss?” “Naku, hindi ‘yan nagkakape. Sabi niya ayaw niya ng kape kasi daw mapait. Nagtataka nga ‘ko bakit nanghihingi ng kape sa’yo. Weird. Bakit nga kaya biglang nagkakape na si Boss? Bakit rin parang masaya siya?” Napahimas pa ito ng baba na parang naroon ang kasagutan sa mga tanong niya. “Ah, hindi ba nagkakape? Bakit sabi kanina bl

