KINABUKASAN ay mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Gustuhin ko mang kalimutan ang narinig ay hindi ko magawa. Isang pagpapanggap na kasisimula pa lang ngunit hindi ko na mapanindigan. Alas quatro y media pa lang ng umaga ay gising na ‘ko, marahil dahil sa haba ng tulog ko sa biyahe namin pauwi galing Tagaytay. Maaga akong naligo at nagbihis. Dinaan ko sa pag-aayos ng closet at pagpili ng damit na isusuot ang pagkaaburido ko kung paano pakikiharapan si Pierre simula ngayong araw. Kung sana simple lang ang lahat at wala akong ibang itinatago, mas madali sana siyang pakisamahan. Napabuntonghininga at muling humarap sa closet kung saan nakasabit ang ibat-ibang damit na aking pinamili. Sa laki ng closet ng silid na ‘yon, kahit na marami naman akong na-shopping, one fourth pa lang ang

