INIISIP kong tumakbo para takasan ang tinig na ‘yon ngunit bago ko pa nagawa ay may sumagot na hindi ko inaasahan. “Grace? Uy! Kumusta ka na?!” “Who would have thought na dito pa tayo sa parking lot magkikita ulit, Nikki? Kumusta na ang Mama mo?” Para akong binunutan ng nakatarak na bubog sa talampakan nang maulinigang malayo na ang dalawang babaeng nag-uusap. Napabuntong-hininga ako at mas napasandal pa sa kotse. Gusto kong magpadausdos pasalampak sa sahig habang iniisip kung tama bang magpatuloy pa ‘ko kahit na ilang beses na akong ginugulo ng pangalan na iyon. May ipinapahiwatig ba ang tadhana sakin? Ilang taon ko na rin iyong kinalimutan. Ang pangalan ng taong sumira sa buhay ni Ramona Palacol. Hinding-hindi ko na gugustuhin pang balikan ang mga ala-ala kaugnay n

