PAOS na paos na ‘ko kakasigaw dahil sa mga exciting rides na sinakyan namin ni Pierre. Namumula ang mukha ko sa sobrang excitement. Ayaw ko pa sanang tumigil kaso lang ay inaatake na naman ng pagkabi-polar ang kasama ko. “No! I’ve had enough! Kapag hindi ka pa tumigil iiwanan talaga kita rito!” Nakatikom ang kamao at gigil ang mukha niyang sabi. “Ang KJ mo naman! Dadalhin mo ‘ko rito tapos hindi ka naman makikisama. Lahat naman ng rides na sinabi mo sinakyan ko. Bakit kapag ako na ang nagrequest nagagalit ka...” pairap kong sagot. Nasa tapat kami ng paborito kong ride nang maghamon ito sa akin ng away. “Are you seriously telling me that? Really?!” Napasabunot pa siya sa ulo habang palakad-lakad sa harapan ng isa sa mga rides na anim na beses na naming inuulit dahil i

