NAGUGULUHAN at hindi makatulog si Ianah.
Nasa sarili na siyang silid at pilit na pinapatulog ang sarili, ngunit hindi siya dinalaw ng antok. Gising na gising ang diwa niya at patuloy na ginugulo sa sinabi ni Gerode sa kaniya sa garden. Hindi niya maintindihan ang huli nitong sinabi.
Naiiritang napabuntong-hininga siya bago pabalikwas na bumangon.
Bumaba siya ng kama at isinuot ang tsinela na nakalapag sa sahig. Napagpasyahan niyang uminom ng gatas—baka sakaling makatulong iyon sa kaniya na makatulog.
Bitbit ang libro na kinuha sa may bedside table, nagtungo siya sa kusina. Maingat ang bawat galaw niya. Mula sa pag-init ng tubig hanggang sa pag-timpla ng gatas.
Pagkatapos, umupo siya sa isang high-end chair na nakahilera sa may kitchen table.
Sumimsim muna siya ng kaunting gatas bago binuklat ang librong dala at nagsimulang magbasa.
Malapit na niyang matapos ang librong tungkol sa kung paano maging isang mahusay sa pag-aalaga ng bata. Masasabi niyang epektibo ito, dahil sa kabila ng lahat, nagawa niyang tumagal sa trabaho. Pero hindi rin maikakaila na malaki ang naitulong ng pagkakaroon niya ng mabait na amo.
Napabuntong-hininga siya nang maalala si Gerode.
Hanggang ngayon, hindi niya pa rin makabisa ang ugali nito. Para itong puzzle na kay hirap buuin. Kung hindi ito panay sulyap, nakaw ng tingin o iiwas bigla sa kaniya, magbibitaw na naman ito ng salita na hindi niya maintindihan.
Huminga siya nang malalim na hininga at dahan-dahang ibinuga ito, pilit pinapakalma ang magulo niyang isipan.
"To care for the children..." malakas niyang bigkas sa binabasa linya.
Lumipas ang ilang oras. Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya habang nakasubsob sa mesa at nanatiling nakabukas ang librong hawak.
***
Kinabukasan, inaantok pa niyang pinatay maingay na alarm tone sa cellphone.
Napakunot-noo siya nang mapagtantong nasa sariling silid pala siya at hindi niya matandaan kung paano siya nakarating dito.
"Sino ang naglipat sa'kin dito? Nakakahiya naman!" nahihiya niyang usal sa sarili.
Mabilisang pag-ligo at pagbihis ang ginawa niya. Nang matapos sa paghahanda ay lumabas na siya ng kwarto para magtungo sa kusina at uminom ng gatas. 5:40 pa lang ng umaga, at dahil walang pasok ang mga bata, mamaya-maya niya niya pang gigisingin ang mga ito.
Bahagya siyang natigilan sa paglabas ng silid nang makita niya si Gerode na kababa lang mula itaas. Bagong ligo ito at nakasuot lang ng kulay itim na jogging pants at kulay puting t-shirt—malayo sa nakasanayan niyang pormal na bihis na naka-suit and tie.
Tumikhim siya.
"Good morning po, Sir Gerode," bati niya bago tuluyang lumabas ng silid at maingat na isinira ang pinto.
"Are you going to the kitchen to have breakfast now?" tanong nito sa kaniya habang nanatiling nakatayo sa huling baitang ng hagdan.
Tipid siyang tumango at naglakad patungo sa kusina. "Opo," maikling tugon niya.
Nakita niyang sinulyapan ni Gerode ang suot nitong wristwatch.
"Let's have breakfast together," kaswal na alok nito.
Napahinto siya sa paglalakad at gulat na lumingon kay Gerode. Mabilis na sumalubong sa kaniya ang mabango nitong amoy—malinis at presko.
Wala sa sariling napaatras siya habang pinigil ang paghinga. Muntik na siyang mawalan ng balanse, pero agad siyang nahawakan ng mahigpit sa kamay ni Gerode at hinila palapit sa katawan nito.
"Are you okay?" tanong nito, halata ang pag-aalala sa tinig.
Hindi siya agad nakasagot. Ramdam niya ang malakas na kabog ng puso niya na parang gusto nang kumawala.
Nang tuluyang makabawi, tumikhim siya at nahihiyang lumayo kay Gerode.
"Salamat po. At oo nga po pala," magalang niyang sagot.
Tumikhim siyang muli. "Y-yung kamay ko po, Sir," mahina at nahihiya niyang sambit, nang mapansing hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya.
Tila doon lang din natauhan si Gerode. Mabilis itong tumikhim at maingat na binitawan ang kamay niya.
"Let's go together," alok nito, kasabay ng banayad na ngiti.
Tipid siyang tumango at mariing itinikom ang bibig.
Pagkarating nila sa kusina, halos mapatayo sa gulat at masamid sa iniinom na kape sina Lea at Railey nang makit silang magkasabay na pumasok ni Gerode.
"Good morning po, Sir Gerode," aligaga at sabay na bati nina Lea at Railey.
Tumango lang si Gerode habang may kalmadong ekspresyon.
"Ihahanda na po ba namin ang agahan niyo?" tanong ni Lea, halatang litong-lito pa rin sa nakita.
Tahimik na lumapit si Ianah sa kitcher counter at nagsalin ng mainit na tubig sa tasang kinuha mula sa cupboard.
"Careful," paalala ni Gerode kay Ianah.
Sabay-sabay na natigilan sina Ianah, Lea, at Railey. Gulat sa narinig.
Si Ianah ang unang nakabawi. Tipid lang siyang tumango at umiwas ng tingin.
Tumikhim si Lea habang pilit na nagkukunwaring abala, at si Railey naman ay nagpatay-malisya na muling humigop ng kape.
"You can just ready my meals together with the children. I'll just jog outside for a minute first," wika ni Gerode kay Lea, ngunit nanatiling kay Ianah nakatuon ang tingin, kahit nakatalikod ito.
Namamangha namang tumango si Lea habang palipat-lipat ang tingin kina Gerode at Ianah.
"Okay po, Sir," sagot ni Lea., may bahid pa rin ng pagkagulat sa boses.
Nang masiguradong nakalabas na si Gerode, saka lamang tinapos ni Ianah ang pagtitimpla ng inumin. Pilit niyang iniiwasan ang mga tingin nina Lea na halatang puno ng tanong at pagtataka.
"A-ano 'yon? Sino ang nagbukas ng television dito?" mahihimigan ang pang-aasar ni Railey, kasabay ng pagtagong bahagya ng ngiti.
Hindi ito pinansin ni Ianah. Bahagya lamang siyang sumimsim sa mainit na gatas, na tila inaasahang lalagyan pa ng tanong o tukso ang katahimikan.
"Ianah, may hindi ka ba sinasabi sa'min?" usisa ni Lea, may halong pilit na binabantayan ang magiging reaksyon ni Ianah.
Agad na umiling si Ianah.
"Wala naman," mabilis niyang tugon.
"Pero bakit may 'careful' pa si Sir? Nanghahawa ba siya ng pagiging caring pagdating sa'yo?" sabat ni Railey, sabay taas-baba ng kilay at may tuksong ngiti sa labi.
Muling umiling si Ianah, pinilit panatilihin ang kalmadong tono.
"Wala lang talaga 'yon. Kilala niyo naman si Sir, masyado lang maalalahanin pagdating sa mga tauhan niya," sagot niya.
Bumuntong-hininga si Lea at tila may naalala. "Ay oo nga pala. Nakalimutan ko lang siguro kasi medyo binangungot ako kagabi... dahil sa inasta ni Sir," ani Lea at nakangiwing umiling-iling.
Napalingon si Ianah nang agad nakuha ang buong atensyon.
"Bakit naman?"
"Kagabi ko lang ulit nakita si Sir Gerode na gano'n kalamig at halatang nagtitimpi ng galit. Nakakatakot siya," sagot ni Lea habang maingat na sumimsim sa kape.
"Ay true! Nakakatakot nga si Sir Gerode. Natakot nga ako para sa'yo, Aya, nang hanapin ka agad pagkarating niya dito," dagdag pa ni Railey.
"Hinanap agad ako?" kunot-noo at hindi makapaniwalang tanong ni Ianah.
Halos sabay na tumango sina Lea at Railey.
"Hindi ka naman siguro napagalitan kagabi nang mahanap ka ni Sir, 'no?" tanong ni Lea.
Agad na umiling si Ianah.
"Hindi naman. Mukha lang siyang galit kagabi, pero parang kalmado naman ang boses niyang kinausap kami ni Thomas," sagot niya.
"Nga pala, speaking of Thomas" sabat ulit ni Railey. Halata sa boses na nito ang pagka-excite. "Muntik ko ng makalimutan! Kumusta ang pag-uusap niyo ni Thomas? Kayo na ba?"
Nalito si Ianah sa naging tanong nito.
"Anong kami na ni Thomas?" kunot-noo niyang tanong. "Bakit palagi na lang may nagtatanong tungkol sa relasyon namin? Magkaibigan lang kami ni Thomas, at hanggang doon lang 'yon," halos may diin sa bawat salita niyang usal.
"At isa pa, hindi kami nakapag-usap ng maayos kagabi... kasi biglang dumating si Sir Gerode," dagdag pa niya, sa mas mababa ng boses.
"Aray ko naman para kay Thomas. Mukhang na-friendzone pa yata kahit hindi pa nakakapag-confess," ani Railey.
"Friendzone? Confess? Diyos ko, walang mangyayaring gano'n," tugon ni Ianah, bahagya pang natatawa. "Hindi naman gano'n ang tingin ko kay Thomas at alam kong gano'n din siya sa akin. Kaya huwag niyo ng lagyan pa ng ibang meaning ang friendship namin," nakangiti at puno ng kompiyansa niyang sabi.
"Hala ka, hindi ka sure, 'te," makahulugang ani Railey, sabay kindat.
Napailing-iling si Ianah.
"Tama na iyan. Mas mabuting magsi-kilos na tayo, baka gising na ang mga bata," saway ni Lea, sabay tayo mula sa kinauupuan.
Sabay naman silang tumango ni Railey at pinili na lang ubusin ang kani-kanilang inumin.