'DID she cry last night?' pala-isipang tanong ni Gerode sa kaniyang isip nang mapansin niya ang pamumula ng mga mata ni Ianah na tila kagagaling lamang sa pag-iyak. Kapansin-pansin din ang pamumutla nito. Kaninang umaga nang sabay silang mag-agahan.
'Is she feeling sick again? Am I too harsh on her yesterday?' Hindi niya mapigilan na makaramdam ng pag-aalala at konsensya dahil sa huling naisip at sa mga salitang sinabi niya rito kagabi.
Sa mga nagdaang araw na naging yaya ito sa mga anak niya, masasabi niyang unti-unti na nilang tinatanggap ito. Nasisilayan niyang muli ang mga ngiti at naririnig ang mahinang tawa ng kambal, maliban kay Alisha. Bukod pa roon, hindi lang ang mga ito ang nagbago, kundi pati siya.
Wala sa sarili, malakas siyang napabuntong hininga.
"Is there something wrong, Mr. De Guzman?" tanong sa kaniya ng sekretarya niyang si Colleen. Agad na tumuon sa kaniya ang mga paningin ng mga empleyado niyang kasama sa isang meeting room--kung saan isang meeting ang nagaganap sa araw na ito.
Tumikhim siya at umayos sa kakasandal mula sa swivel chair.
"Nothing. You may continue," aniya sa empleyadong kasalukuyang nagre-report sa harapan.
May isang paparating na malaking proyekto silang gagawin sa magazine company na pinamamahalaan niya. Nakapag-closed sila ng isang malaking deal kasama ang advertisement company para sa isang nila-launch na bagong wristwatch products at isang bagong wine mula sa mga sikat na kompanya.
Nakatuon dapat dito ang buong atensyon niya dahil gusto niyang maging perpekto at walang aberya ang magaganap pagdating sa pag-re-release ng mga magazines na isa sa mga gagamitin pang advertise ng mga produkto. Pero heto siya, nasa bahay ang isip o mas magandang sabihing okupado ang utak niya mula sa iisang tao.
Ilang araw na ring ganito siya. Hindi niya mapigilan ang sarili na isipin si Ianah. Ang mas malala pa ay nakikita niya ang pagbabago sa sarili. Nagagawa niya ang mga bagay na malayo sa nakasanayan niyang gawin. Kagaya na lamang kapag may nagkamali sa trabaho, hindi na siya nagbibigay pa ng pagkakataon dahil ang ayaw niya sa lahat ay yung mag-aksaya pa ng oras para sa taong pumapalpak. Pero pagdating kay Ianah, nagagawa niyang maging kalmado at habaan pa ang pasensya.
Napahilamos siya sa mukha gamit ang mga palad.
"S-sir? May mali po ba sa report namin?" kinakabahan na tanong sa kaniya ni Jenkie, isa sa mga nag-report.
Agad siyang natigilan. "Nothing. Meeting adjourned," walang emosyon niyang sabi at tumayo.
Lumakad siya palabas ng room. Sumunod naman sa kaniya si Colleen.
'Damn it. What's really happening to me? This is really out of my character.' Pangkakastigo niya sa sarili.
"Sir, do you want me to moved your appointment with Mr. Rivas?" tanong ni Colleen nang akmang papasok na siya sa kaniyang opisina.
Nilingon niya ito. "No. Just let it go as scheduled," aniya, at tuluyan nang pumasok.
Dumeretso siya sa kaniyang mesa at umupo sa swivel chair. Iritado niyang hinilot ang sumasakit na sentido habang nakapikit.
"Siguro kulang lang ako sa tulog," usal niya sa sarili.
Ngunit ilang taon na siyang palaging kulang sa tulog. Pero ang huling beses na nakatulog siya ng maayos ay noong araw pa kung kailan nagkasakit si Ianah. May kung anong mahika sa amoy nitong pambabae na naiwan sa unan at kama niya na nagpahimbing ng tulog niya.
"What the f**k?" pagmumura niya nang biglang sumagi sa isip niya ang pagmumukha nito.
Idinilat niya agad ang mga mata. Mas lalo siyang hindi natuwa nang maramdaman ang pagkabog ng puso niya.
'Do I have a problem with my heart now because I'm getting too old?' Nababahala niyang tanong sa isip. 'But I'm just 37 years old, not too old and still healthy." Agad niya ring kinontra.
Pinulot niya ang telepono na nasa mesa niya. "Colleen, set me an appointment with Dr. Santos," aniya sa sekretaryang nasa kabilang linya. Nasa labas lang ng opisina niya ang mesa nito.
"Dr. Santos? What happen, Mr. De Guzman? Why are you calling for a heart specialist? Do I need to call an ambulance now?" tanong nito nang may pag-aalala.
"No need for that. Just set me an appointment for later and move my other appointment today to tomorrow," tugon niya saka ibinaba ang tawag.
Alam niyang malakas pa siya, pero kailangan niyang manigurado. Ayaw niya pang iwan ang mga anak niya. Siya na lang ang meron sila. Kahit gusto niyang makasama ang asawang matagal ng yumaong, hindi pa pwede, lalo na't masyadong mga bata pa ang mga anak nila. Baka kapag nagharap sila ng asawa niya, mapagalitan at masermunan pa siya kung bakit sumunod agad siya.
Hindi niya maiwasan na makaramdam ng kirot sa puso nang maalala ang dating asawa.
Mahal na mahal niya ang asawa niyang si Ayesha; ito ang lakas niya at nagpapagaan ng araw niya. Kaya nang mawala ito, parang kalahati niya ang namatay kasama nito. Pinipilit niya lang magpatuloy sa buhay para sa mga anak nila. Ilang taon na rin siyang tila patay. Pero sa mga dumaang araw, sa hindi maipaliwanag dahilan ay unti-unti niyang nararamdaman ulit na maging masaya. Masaya siya sa tuwing nakikita niyang masaya ang mga anak niya at dahil pa sa iisang tao na kasama nila ngayon.
"I hope you are proud of me, Love," mahina niyang usal at ipinikit ang mga mata. Pillit na inaalala ang mukha ng mahal na asawa. Pero kumunot ang noo niya nang hindi niya na masyadong maalala ang mukha nito. Hindi na rin niya maalala ang boses nito, bagkus ang pamumukha at boses ni Ianah ang nakikita sa isipan at ang naririnig niya.
***
"DADDY was acting odd, you think, Kuya Drex?" tanong ni Alessandra sa nakakatandang kakambal.
"What happen, young lady?" hindi maiwasang pang-usisa ni Ianah.
Nakita ni Ianah na tila nagdadalawang-isip na sumagot si Alessandra.
"You're really a gossip, Yaya," sabi ni Allendrex sa kaniya.
Sinamaan niya naman ito ng tingin at inirapan.
Ngumisi ito ng nakaka-asar. Napabuntong hininga na lamang siya.
"Daddy's really acting odd these past few days. Halos ayaw niya ng sumabay sa'tin mag-breakfast, and always doing overtime. I mean, he was really used to doing over time, but these past few days, umuuwi naman siya and he is making sure to make it for dinner. But now, halos ayaw ng umuwi. I'm starting to miss him," nalulungkot na sagot ni Alessandra.
"Ate Alisha also was getting colder each day. Ayaw niya ng makipag-play sa'kin o makipag-usap unless Yaya is not around," dagdag pa nito.
Nanatili siyang tahimik, hindi alam kung ano ang sasabihin, dahil maging siya ay napapansin din ang pagbabago ng mag-aama. Kung dati ay galit at malamig na ang pakikitungo sa kaniya ni Alisha, ngayon ay mas doble pa at mayron'g silent treatment na kung ituring siya ay parang hangin.
"Don't worry, young lady Sandy. I heard your Dad has a big project right now, kaya siguro sobrang busy. And your Ate Alisha, busy lang din siguro sa pagre-review. You know, malapit na rin ang exams," pagpapagaan niya sa loob nito.
"Don't worry too much, Sandy. We can just play together if you want," dagdag pa ni Allendrex.
Kahit malungkot pa rin si Alessandra, pinilit pa rin nitong ngumiti. Pero hindi nagtagal, nang lumaki ang bilogin nitong mga mata at napalitan ng punong excitement ang mukha.
"What if we visit Dad?" excited na suggest nito.
"Sandy, you know Dad. He doesn't want to be disturbed when it comes to work," pagpipigil ni Allendrex.
"But Kuya, I really miss Daddy so much. I feel like I'm going to be sick again," nakangusong sabi nito.
Kagagaling lang din kasi nito sa lagnat, at mukhang dahil nga sa pangungulila sa Ama. Sa takot niyang muli itong magkasakit ay pumayag siya sa ideya nito.
"Let's just check on him secretly, young lady. And after that, we'll go home," usal niya na ikinaliwanag ng mukha ng bata.
"Really, Yaya? Yehey, thank you so much po!" sobrang galak nitong sabi saka siya yinakap.
Ngumiti siya. Simula nang magaan na ang loob nito sa kaniya, mas lalo niya itong nakikilala. Nalaman niya ring pillit nitong maging matured agad dahil ayaw nitong mag-alala ang kanilang Ama. Pero masaya siya na unti-unti na nitong pinapakita ang totoong ugali.
Bumuntong-hininga si Allendrex. "Are you really sure, Yaya? Can you handle Dad's anger if he doesn't like that you agreed to Sandy's request? Don't blame us if you get scolded again and get fired. You know, he's really different when it comes to work. He was known as a cold and heartless boss," may bahid na pananakot na sabi nito sa kaniya.
Kumunot ang noo niya.
"Cold and heartless boss not a cold and strict boss?" nagugulohan niyang tanong.
Kumibit balikat lang si Allendrex.
Alas dos pa lang ng hapon nang umalis sila ng mansion. Hindi pa sana sila papayagan ni Lea nang sinabi niya ang plano nilang pagbisita sa kompanya, ngunit wala na itong magawa nang magpa-cute si Alessandra para kumbinsihin ito.
"Umuwi agad kayo pagkatapos niyo roon," bilin pa ni Lea sa kanila.
Sabay naman silang tumango ni Alessandra saka tuluyang pumasok sa sasakyan.
"Sandy, we're just going to see Dad secretly. Take note, SECRETLY. After that, we will go home right away. Are we clear?" seryosong paalala ni Allendrex sa kakambal.
"Yes nga, Kuya," naiiritang sagot ni Alessanrda dahil ilang beses na itong nagpapaalala. Hindi rin ito pabor sa plano nila, ngunit wala itong magawa kundi pumayag sa gusto ng kakambal.
Napailing-iling na tahimik naman nakinig lang si Ianah sa dalawa, na kasalukuyang pinangigitnaan.