KABANATA 4

2041 Words
AWKWARD. Iyon ang nararamdaman ni Ianah sa mga sandaling ito. Kasalukuyang nag-aagahan siya kasama ang mga De Guzman. Abala siyang nagpapakain sa kambal habang hindi kayang matignan ang mga kasama na nasa hapag-kainan. Tanging kubyertos na nagbabanggaan sa pinggan ang naglilikhang ingay lamang sa loob ng dining area. "You don't have classes today, so I'm expecting that you will behave here and do all your homeworks and review. Especially, both of you Sandra and Drex. Practice your reading." Pagsasalita ni Gerode habang nakatutok ang mga mata mula sa nakabukas na laptop sa harap. May tinitipa ito at bahagyang napatigil lang nang hindi marinig ang sagot ng kambal. "Do you hear me, Alessandra and Allendrex?" Halata sa boses nito ang may babala. Nakita niyang bahagyang nanigas sa kina-uupoan ang kambal at takot na sabay-sabay na sumagot. "Yes, Dad." Tinignan niya naman ang kambal. Masasabi niyang maganda talaga ang lahi ng De Guzman. Unang kita niya sa pitong taong gulang na kambal kanina ay muntikan niya na itong mapagkamalan na buhay at nagsasalitang mga manika. May kulay asul ang mata ng nakakatandang kambal na lalaking si Allendrex habang kulay tsokolate naman ang mga mata ng batang kakambal nitong si Alessandra. Kamukha ng batang Allendrex ang ama nitong si Gerode habang si Alessandra ay masasabi niyang kamukha nito ang yumaong na Ina. Malaki rin ang nagawang tulong ng kambal kanina para maputol ang bumabagang tensyon ng mag-amang si Gerode at Alisha. Kung hindi dahil sa paglabas ng kambal mula sa mga sariling kwarto nila at nagtanong kung anong nangyari, baka mas lalo pang magliyab ang dalawa dahil parehong ayaw nitong magpatalo at magpakumbaba. "Yaya, I want more hotdog," untag sa kanya ng katabing batang si Alessandra. Hindi niya maiwasan na pagtayuan ng mga balahibo sa katawan dahil sa tinawag nito sa kanya. Hindi pa rin siya sanay na tawagin nitong Nanny o Yaya. "You have your perfect hands, Alessandra. You can get it yourself. Don't be too dependent on your nanny." Pagsusuway naman agad ni Gerode mula rito. Nakita niyang napahiya ang batang Alessandra. Tipid itong tumango at akmang kukuha sa nagustohang hotdog nang hindi niya ito hinayaan at inunahan niya ito, saka maingat niyang inilagay ang hotdog sa plato nito. "Sabihan mo lang ako kung gusto mo pa, young lady." Nakangiti niyang usal. Hindi naman ito sumagot at maingat na tinusok ang hotdog gamit ang hawak na tinidor. "Where's your manners, Alessandra?" Pamumuna agad ni Gerode dahil sa inasta nito. "T-thank you po, Yaya," napapisnok na pasasalamat sa kaniya ng bata. "Your welcome, Young lady." Tipid siya ngumiti kahit halos mapangiwi siya. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng awa para rito. Palihim at mahina siyang bumuntong hininga. Kanina niya pa napapansin ang pagiging suplado at strikto ni Gerode mula sa mga bata. Naiintindihan niya nang mabuti ang kinikilos ni Gerode. Intensyon lang nito na mapalaki ng mabuti at matutong tumayo sa sariling mga paa ang mga anak nito. Ngunit hindi niya maiwasan na mapansin na may iilang salita itong binibitawan na hindi maganda ang naging epekto mula sa mga bata. Aminado siyang hindi ito ang unang beses na makakita ng isang napaka-strikto at supladong Ama, lalo na't masasabi niyang katulad na katulad ito sa yumaong niyang adopted father. Minsan niya na ring naranasan ang pagiging malupit nito, kaya kahit hindi man pinapakita ng batang Alessandra ang totoong nararamdaman, ay malinaw na naiintindihan at nararamdaman niya ito. "Ayos lang, Sir De Guzman. This is part of my job as their Nanny po. Ayos lang rin po maging dependent sila sa'kin, lalo na't iyon naman po talaga ang isa sa dahilan kung bakit tinanggap po ako sa trabahong ito. Ang pagsilbihan at alagaan sila." Diretso niyang sabi kay Gerode. Nakita niyang nakatingin na ito sa kanya. Nababakas ang gulat at tila hindi inaasahan mula sa sinabi niya, ngunit agad ding nakabawi at pinawi ang bumakas na emosyon. Ramdam niya ang kabog ng puso niya dahil sa kaba. Hinanda niya na rin ang sarili sa kung anumang sasabihin nito. Ngunit lumipas ang ilang sandali ay hindi na ito umimik at saka ibinalik ang paningin sa nakabukas na laptop. May tinipa lang ito saglit at pagkatapos ay maingat na itong isinarado. "Finish your food. I'm heading out to work now." Anito sabay tumayo. Wala sa sarili naman siyang napalunok sa sariling laway. Pakiramdam niya ay nagalit ito dahil sa sinabi niya at nawalan na ng gana pang mag-agahan. Tanging black coffee lang na tinimpla ang ininom nito. Mabilis na nagsipagtayuan naman ang kambal at lumapit sa kanilang Ama. Nakita niyang bahagyang yumuko si Gerode para tanggapin ang nakahandang halik ng kambal. Kaniya-kaniyang pinatakan ng halik ng mga ito ang pisnge ni Gerode. "Ingat po, Dad." "Work well po." Halos sabay na sabi ng kambal. Tumango naman si Gerode. "Finish your food properly." Pagbibilin nito bago sinulyapan ang panganay na anak na tahimik lang pinagpatuloy ang pagkain. Napabaling din ang kanyang antensyon kay Alisha. Nakita niyang tila wala itong pakialam sa paligid. Narinig niya ang tipid na buntong hininga ni Gerode kaya muli siyang napatingin rito. Ngunit agad na nanlaki ang kanyang mga mata at halos mapigil ang sariling hininga nang magtama ang kanilang mga paningin. Tarantang iniwas niya ang tingin at ibinaling ito sa mga pagkaing nasa harapan. Hanggang sa tuluyan itong umalis sa dining room, hindi niya na ito muling tinignan. *** "YOUNG Master Drex, umahon ka muna at tumigil sa kakalangoy. Magmeryenda ka na," tawag niya sa batang si Allendrex. Kasalukuyan silang nasa pool area sa likurang bahagi ng mansion. Mainit ang panahon kaya naisipan ng mga bata na tumambay doon, habang mas piniling magtampisaw sa swimming pool si Allendrex matapos gawin ang kanyang mga assignment, gaya ng bilin ng kanilang ama. "Ikaw rin, Young Lady Sandra. Magpahinga ka muna sa pagbabasa ng libro, natutunaw na ang nakahandang ice cream," baling naman niya sa kakambal na nakaupo sa isang pool lounge chair, nakasilong sa malaking payong habang abala sa binabasang libro. Sa katabing upuan ay naroon ang nakatatandang kapatid na si Alisha, na kanina pa may tinitipa sa laptop na nakapatong sa isang pa-square na sofa pillow habang nakaibabaw ito sa naka-krus na mga binti nito. Napabuntong hininga siya nang tila wala man lang itong narinig. Nakita niya rin ang bahagyang pag-irap ni Alisha sa hangin. 'Ang taray talaga kahit kailan,' komento niya sa isipan. Nang makitang nakaahon na ang batang Allendrex ay agad niya itong pinagsilbihan. Inilagay agad ang nakahandang towel sa likuran nito para hindi lamigin at pagkatapos ay maingat na pinupunasan ang basang buhok nito. Lumapit sila sa isang nakahandang folding table kung saan nakalapag ang mga meryenda nila para sa hapon na iyon. "Damn it! I lost my necklace!" Anito habang tila may kinakapa sa may bandang leeg. Mabilis napabaling ang atensyon niya mula rito. "Young Master, masama pong magmura," saway niya rito. "I really lost the necklace that I'm wearing, Yaya. Lagot ako nito ni Daddy," nababakas sa boses nito ang pagpa-panic. "Huh? May kwentas ka bang suot kanina? At isa pa, sa'n mo naman naiwala?" Hindi niya na rin maiwasan na makaramdam ng taranta dahil minsan niya nang nasaksihan ang ugali ng Ama nito. At masasabi niyang nakakatakot ito kapag nagalit. "Baka sa pool?" May pag-aalinlangan nitong sagot. "Okay. Subukan nating tingnan sa pool," kalmado na niyang sabi upang pakalmahin ang loob nito. Magkasama silang lumapit sa pool. Pilit niyang tinitignan ang ilalim nito kahit medyo masakit sa mata ang naging repleksyon ng tubig dahil sa sikat ng araw. Maingat na nakayuko siya sa gilid ng swimming pool. Kung marunong lang talaga siyang lumangoy ay baka kanina niya pa ito nilusob, para mas maayos at madali niyang mahanap ang nawawalang kwentas. Habang abala siya sa kakatanaw sa ilalim, hindi niya napansin ang nakangiting nakakaloko na batang Allendrex sa may bandang likuran niya. "Young Master, magpatulong na kaya tayo ni Thomas," aniya na tinutukoy ang naka-assigned na tauhan sa swimming pool area. Hindi ito sumagot kaya titignan niya sana ito nang makita na lamang niyang bumagsak siya sa swimming pool, matapos siyang itulak ng malakas. Sa sobrang gulat, hindi na niya magawang sumigaw. Mabilis niyang iginalaw ang mga kamay para abutin ang gilid ng swimming pool. Ngunit medyo may kalayuan ito at hindi nakakatulong ang pagpa-panic niya. "T-tulong!" Paghingi niya ng tulong. Nakita niya ang tumatawang si Allendrex. Halata sa mukha nito ang aliw dahil sa ginawang kalokohan. "Young M-master, t-tulong!" Nakakainom na siya ng tubig. Naramdaman niya ang panlalamig at ang unti-unting pamimigat ng katawan niya. Nahihirapan na rin siyang huminga. "Ang tanda mo na, Yaya. And you still don't know how to swim?" Nangaasar nitong sabi. Unti-unti na siyang kinakapusan ng hininga. Napapadami na rin ang kanyang nainom. "T-Tulungan niyo a-ako! Young l-lady..." pagtawag niya sa dalawang batang babaeng De Guzman, nang bahagya niyang makita na parehong nakatayo na ang mga ito mula sa kanilang kinauupuan. Ramdam niya na sa ilang sandali ay mawawalan na siya ng malay. Nang isang malakas na ingay ng pagbagsak sa tubig ang kanyang narinig, at kasunod niyon ay naramdaman na lamang niya ang isang matigas na braso na pumulupot sa kanyang baywang. Mahigpit ang pagkakayakap nito habang iniaahon siya at inilalapit sa gilid ng swimming pool. Nanghihina at walang lakas siyang napadapa sa marble na sahig sa gilid ng swimming pool. Sunod-sunod din ang kanyang pag-ubo at mabilis ang paghabol ng hininga. "Diyos ko! Ano'ng nangyari? Ayos ka lang, Ianah?" nagaalalang tanong sa kanya ni Lea habang mabilis siyang dinaluhan at tinulungan na makaupo nang maayos. "Muntik na 'yon, Ianah," narinig niyang sabi ni Thomas na kakaaahon lang din sa tabi niya. "L-Look at her! She looks so dumb!" utal na sabi naman ni Drex, halatang pilit ang pagpapatawa at pati ang pagtawa nito. Kinuyom niya ang mga kamao. Malalim na hininga ang kanyang pinakawalan para pakalmahin ang sarili dahil sa naramdamang iritasyon. "It's not funny, young master Drex. I hope you won't do it again. Hindi nakakatuwang paglaruan ang buhay ng isang tao." Mahinahon niyang pagsuway rito, ngunit nababakas ang pagiging seryoso. Nangangati rin siyang pingutin ang tainga nito dahil sa inis. Muntik na siyang mamatay dahil sa kalokohang ginawa nito. Mabuti nalang talaga ay agad siyang niligtas ni Thomas, dahil kung hindi ay baka kanina pa siya lumutang sa tubig at wala ng buhay. Maingat siyang tumayo at bahagyang pini-piga ang basang damit. "Ianah, ako na ang bahalang magligpit dito. Mas mabuti pang pumasok na kayo at magpalit ng mga damit, baka lamigin pa kayo pareho at magkasakit," kusang alok ni Lea. "Railey, ikaw na muna ang tumulong sa pagbihis ni Young Master Drex," dagdag nito, saka hinarap ang isa sa mga kasambahay na kasama nitong tumakbo upang dumalo sa kanila. Tipid siyang tumango at pagod na ngumiti. "Salamat, Lea." Hinarap niya rin si Thomas at saka ito'y pinasalamatan. "Thank you rin, Thomas." Tumango naman ang naging tugon nito. "Young master, halika at magbihis na po tayo. Baka magkasakit ka pa," aniya sa batang Allendrex na kapansin-pansin ang pagiging tahimik nito. Kahit naiinis siya sa ginawa nito, hindi naman iyon excuse para kalimutan niya ang trabaho niya. Tama nga talaga ang naging babala ni Lea sa kaniya kanina, na huwag dibdib ang kalokohang pinanggagawa ng mga bata. Bumuntong hininga siya at saka inayos ang tuwalya na bahagyang nalalaglag na nakalagay sa likuran nito, saka maingat na iginaya itong maglakad para makapasok na sa loob ng mansion. "If you can't take his prank, then maybe you want to give up and resign from your job." Ani ni Alisha nang madaanan nila ito. Bahagya siyang natigilan, ngunit agad ding nakabawi. Ngumiti siya ng matamis. "Sorry, sweetheart. If you think doing this will make me give up the job, I'm sad to say that it won't work. Mukhang pera ang nagiging nanny niyo, kaya pasensya na dahil matagal tayong magkakasamang apat." May sarkasmo niyang sabi. 'Hintayin niyo lang na maging milyonaryo o bilyonaryo ako, kahit buong buhay o hanggang sa kabilang buhay pa tayong hindi na magkita ay ayos lang.' Pagdudugtong niya sa isipan. Ayaw niya sanang patulan ang sinabi nito, ngunit hindi niya napigilan ang sarili na lumabas ang pagiging palaban niya na kahit bata ay hindi niya aatrasan dahil mataas pa ang emosyon niya. Nakita niyang napatahimik naman ito kaya hindi niya na ito pinansin pa, saka pinagpatuloy na ang paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD