Tinamaan ng bala si Kazimir sa kaniyang braso. Kaya naman hindi na nagdalawang isip pa si Trevor at mabilis na hinugot ang kaniyang baril na nasa kaniyang bulsa saka mabilis na pinaputukan si Gregorio na ngayon ay nagulat sa biglaang paggalaw ni Trevor. Ilang beses din siyang napamura dahil possibleng napansin ng mga kakampi ni Gregorio ang mga alagad niyang papatayin na sana sina Gregorio. Kaso mukhang tinamaan nila ang mga pabulusok na bala sa kanila gamit din lang ang isang sniper o kung ano mang klaseng baril. "Keifer," bulong ni Kazimir habang sinusubukan abutin ang kaniyang baril na nasa kaniyang bulsa. Napalingon naman si Keifer kay Kazimir hanggang sa napansin niyang nakatingin siya sa kaniyang anak na ngayon ay nasa lapag, umiiyak. Mabilis na naintindihan ni Keifer ang kaniyan

