Fiona Anastasia Baretto Point of View Umasim ang aking mukha habang tinitingnan si Terrence na ngayon ay naliligo sa dagat. Napag-isipan kasi naming dalawa na maligo ngayon sa dagat dahil sayang naman ang magandang tanawin dito sa Fuga Island. White sand din kasi rito at kulay blue naman ang tubig dagat. Kaya nasasayangan naman ako kung sakaling hindi ko maranasang maligo rito. Tahimik. Maganda ang tanawin at talagang magugustuhan ko talaga rito. Kaso mukhang impossibleng dito ako manirahan dahil may mga business din akong kailangang i-manage. Ngayon din sumagi sa aking isipan na ilang linggo na akong narito pero naiwan ang aking isipan sa United States of America dahil hindi ko pa natatapos ang huling semester ko para sana maka-graduate na ako. Ganoon din si Sabrina pero hindi ko pa

