"Terrence, huwag tayong tumuloy," bulong ni Kazimir at sapat na iyon para marinig ng lahat. Nagtataka man sila ay hindi sila nagsalita o nakialam dahil possibleng may nararamdaman na naman si Kazimir na hindi maganda. Kapag kasi naramdaman niya ang bagay na iyon, alam niyang delikado. Ayos lang sana kung hindi nila bihag ang kaniyang asawa at ilang asawa ng kaniyang mga kaibigan dahil pupuwede silang sumugod. Ngunit dahil hawak nila, wala siyang magawa. At iyon ang nakakainis. "Why? Bakit biglang nagbago ang isip mo—" "Sundin mo na lang! Iliko mo! Huwag mismo sa malapit sa lugar na iyon. Huwag sa Milan!" sigaw niya. Nagulat naman ang lahat sa kaniyang ginawa dahil malakas at sensitive kasi ang earpiece. Hindi ka puwedeng sumigaw dahil sobrang lakas nito. Ang maganda lang sa pagsusuot n

