“Kazimir,” aniya ni Trevor habang tinitingnan ang kaniyang kaibigan na ngayon ay nakatalikod sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit niya binaril ang CCTV camera pero ramdam niya ang pag-iiba ng mood ng lalaking ito. “Alam ko na kung sino ang may gawa ng lahat ng ito,” bulong niya at saka ibinaba ang hawak niyang baril. Lahat naman ng kaniyang kaibigan ay nagtataka kay Kazimir dahil biglaan itong nagsalita. Kanina pa kasi ito tahimik magmula nang sumugod sila kaya nagulat talaga sila nang bigla itong magsalita at kung paano mag-iba ang kaniyang aura. “Hindi ako puwedeng magkamali sa mga titig na iyon. Kilalang-kilala ko ang presensiyang iyon,” bulong niya sa kaniyang sarili. Nagtangis ang kaniyang baga nang sumagi ang titig ng lalaking iyon sa kaniya. Ramdam niya kasi iyon at hindi siya

