Chapter 3

1217 Words
Matapos kong magmakaawa sa kaniyang huwag na niya akong guluhin ay tuluyan na nga iyong nawala sa aking isipan. Kaya ngayon, sinubukan kong umaktong normal pero hindi pa rin iyon natatanggal lalo na kapag ako ay natutulala. Para kasing may nakatingin sa akin pero hindi ko naman mahanap kung nasaan. Kaya naiinis talaga ako lalo na ngayon. May nararamdaman na naman kasi ako at hindi ko alam kung nasaan ba iyon. Ngunit kahit na ganoon ay sinubukan kong kumalma. May mga bodyguard naman ako sa paligid kaya ayos lang. Hindi dapat ako kinakabahan nang husto. Dapat kailangan ko pa ring maging positive. "Karina!" tawag ko sa aking kaibigan nang makita ko siyang naglalakad at para bang hinahanap niya ako. Nang marinig niya ang aking boses ay mabilis siyang ngumiti at kumaway sa akin. Hindi kasi kami sabay pumasok ng school dahil mas nauna siya sa akin. Sumabay kasi siya sa kaniyang kapatid dahil tamad daw siyang magdala ng kaniyang sasakyan. Sinabi niya rin sa akin na makikisabay ulit siya sa kaniyang kapatid mamayang hapon. Kaya ang ending, wala akong kasama pero ayos lang dahil may dinner date naman kami ng mga family ko mamaya. Every Friday kasi kaming nagkakaroon ng family bonding at talagang ginagawan nila ng paraan para makapunta sa family dinner namin kasi kompleto dapat talaga kami. Actually hindi lang kaming tatlo nina Mommy. Lahat talaga ng angkan naming Baretto ay nandoon. Habang ang side naman ni Mommy ay every Sunday. Kaya dapat talagang kompleto rin kami that time. Kung tutuusin ay magandang magkaroon ng family bonding para kahit papaano ay hindi lumayo ang loob mo sa mga kamag-anak mo. Iyon talaga ang kinalakihan ko dahil ipinaintindi talaga nina Mommy at Daddy sa akin ang ganoon dapat at hindi namin tanggalin ang ganoong simpleng hapunan. Naiintindihan ko naman sila kaya ng akahit gaano kahirap ang tasks ko sa school ay ginagawan ko talaga ng paraan para makasama lang sa dinner date ng aming pamilya. "Hirap talaga mag-aral!" saad ko pagkatapos namin sa last subject namin. Natatawa naman si Karina sa aking sinabi pero sumang-ayon naman siya lalo pa ngayon. Nakakapagod naman kasi talagang mag-aral dahil sobrang hirap intindihin lahat ng subject. Ngunit kahit na ganoon, sinusubukan ko pa ring mag-aral nang mag-aral dahil kakailanganin ko rin iyon kapag nagtatrabaho na ako at mina-manage ko na ang mga business ng aking mga magulang. Mabilis nagpaalam sa akin si Karina at iniwan akong mag-isang naglalakad papunta sa parking lot. Sa exit na kasi siya pupunta dahil nandoon na raw ang kapatid niya kaya mag-isa na ako ngayong naglalakad papunta sa parking lot. Dahil nga medyo madilim na at kami lang ang nahuli kanina sa school ay naramdaman ko ang isang presensya sa aking likod at hindi ko alam kung kilala ko ba ito. Gusto kong lumingon pero paano ko iyon gagawin lalo na ngayong kinakabahan ako nang husto? Ngayon ko lang kasi naramdaman ang presensyang iyon dahil noon ay puro titig niya lamang ang aking nararamdaman. Ngunit ngayon ay parang iba na. Literal na sinusundan na niya ako. Ilang araw nga akong hindi ginulo ng babaeng iyon sa aking isip pero ngayon ay may naghahabol naman sa akin. Bakit? Ano ba taalaga ng nangyayari sa aking katawan? Hindi ko maintindihan pero ang kailangan ko na lang ay lumayo sa taong nasa likod ko. "Bakit ka lumalayo?" tanong ng isang pamilyar na boses. Ngunit sinubukan ko iyong tanggalin sa aking isipan dahil mas lalo lamang akong maaasar ngayon. Tinantanan na niya ako noon pero bigla siyang babalik? Katawan ko ito kaya dapat hindi siya nakikialam kung sino man siya. Baka nga nababaliw na ako dahil sa mga naiisip ko pero kahit na ganoon ay kailangan kong maging positive. Nang hindi na ako makapagtimpi ay tumigil na ako sa paglalakad para kausapin ang sumusunod sa akin. Naiinis na kasi ako dahil hindi niya ako tinitigilan. Ilang araw na itong ganito at hindi ko alam kung bakit niya ginagawa. Stalker ko ba siya at may balak siyang gawin sa akin? Kasi wala naman akong maalala na may atraso ako sa ibang tao kaya bakit ako ginugulo ng kung sino? Maganda ako, oo pero huwag naman sanang umabot sa ganito na may bumubulong na nga sa utak ko tapos hahabulin o susundan pa ako ng kung sino na hindi ko naman talaga kilala. Hindi na kasi ako natutuwa. Masyado na akong pinagti-trip-an ng mundo. Lumingon ako sa taong nakasunod sa akin at tinapunan siya nang masamang tingin. "Bakit ka ba sumusunod sa akin?" naiiritang tanong ko. Kanina pa kasi siya sunod nang sunod sa akin tapos tingin nang tingin pero hindi ko naman maramdaman ang takot dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Mararamdaman mo naman kasing walang gagawing masama sa iyo ang tao kung maganda naman ang aura niya at iyon ang nararamdaman ko habang sumusunod siya sa akin pero hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangan niya akong sundan at titigan nang hindi ko maipaliwanag na emosyon na mababasa sa kaniyang mga mata. Tinitigan ko siya pabalik pero parang ako lang ang matatalo sa aming dalawa dahil sa paraan ng kaniyang titig. Malalim kasi ito at parang hinahalukay niya ang aking utak sa tuwing tititigan niya ako. Hindi ko naman maipaliwanag ang pagkabog ng aking puso lalo na nang may bumulong na naman sa aking isipan. "Makikipagtitigan ka na lang ba sa kaniya?" Umigting ang aking mga mata lalo na nang marinig ko ang pamilyar na boses. Palagi siyang nanggugulo sa akin pero kahit na ganoon ay wala naman siyang ginagawang masama sa akin. "Kilala mo ba ito?" bulong ko sa aking isipan. Narinig ko naman ang mapag-asar na tawa niya dahil sa aking sinabi pero kahit na ganoon ay sinubukan ko pa ring magtaray sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito siya tumitig sa akin at punong-puno ng emosyon pero kahit na ganoon ay hindi ako nagpatalo habang nakikipag usap sa kaniya. "Actually hindi ko siya matandaan. Sa dami ng lalaking lumapit sa akin, tingin mo ba maaalala ko lahat?" Naikuyom ko ang aking kamao sa kaniyang sinabi. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat dahil wala akong maalala. Inilihis ko ang aking mga mata at sinubukang maglakad ulit dahil kailangan ko ng umuwi dahil may dinner pa ako kasama ng mga magulang ko pero paano ko iyon gagawin kung may nakasunod naman sa akin? Nakakainis man ay gusto ko pa ring magpunta para makatakas na ako sa lalaking ito pero paano ko iyon gagawin kung hindi naman niya ako tinitigilan? "Tasia," tawag niya sa aking pangalan kaya napahinto ako. Papunta na sana ako sa sasakyan ko dahil kailangan ko nang umuwi, eh. Ngunit bakit naman kailangang tawagin niya pa ako sa pangalan ko? Para saan? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Ang malala pa ay nickname ko pa. Lumingon ako sa aking likuran at doon ko nakita ang kaniyang ngisi. Hindi naman iyon nakakatakot pero parang nanuyo yata ang lalamunan ko lalo na nang matama ang aming mga mata. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" seryosong tanong ko sa kaniya. "Who are you?" Umayos naman siya ng kaniyang tayo at inilabas ang kaniyang kamay na nasa kaniyang bulsa saka hinawi ang kaniyang buhok na humaharang sa kaniyang noo. "Terrence," paos na sagot niya sa akin. "My name is Terrence Beau Miranda."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD