Chapter 1

1227 Words
Fiona Anastasia Baretto Point of View "Fifi, do you love me? Are you riding?" Napa face palm na lang ako sa sinabi ng aking kaibigan nang magsimula na naman itong kumanta. Palagi niya akong inaasar tungkol sa bagay na iyan dahil sikat na kanta iyan noon. Originally, k**i dapat iyon pero dahil Fiona ang isang first name ko, tinatawag niya akong Fifi. "Karina," sita ko sa kaniya dahil napipikon na ako. Paulit-ulit na kasi ito at kaunti na lang ay mababatukan ko na siya kaso ito talagang babaeng ito ay ayaw tumagil. Mas nilakasan niya pa ang kaniyang boses kaya may mga napapatingin na sa amin. "Karina, tumigil ka nga! Hindi ka na nahiya. Ang dami na kayang taong nakatingin!" nahihiyang sita ko sa kaniya. Natatawa naman siyang tumigil at kumindat sa akin. Kahit kailan talaga itong babaeng ito, ayaw niyang tumigil sa pang-aasar tapos kapag ako ang nang-asar sa kaniya, halos isumpa na niya ako dahil sa inis niya. "Bar tayo mamayang gabi?" saad niya. Natigilan naman ako sa kaniyang sinabi. Wala talaga akong balak mag-bar dahil busy ako sa assignments pero dahil sinabi niya iyon, pakiramdam ko ay parang gusto kong sumama na lang. "Fine. Ano bang oras?" tanong ko sa kaniya. Para sana makapagpaalam kaagad ako. Hindi naman kasi nila ako pinapagalitan kapag nagba-bar ako basta umuwi ako nang maayos at walang kagalos-galos. Thankful na rin ako dahil hindi sila sobrang higpit pagdating sa akin. Dahil kung ikukumpara sa ibang pamilya na sobrang higpit na halos hindi ka na makahinga nang maayos, masasabi kong suwerte na rin ako kahit papaano. Although may mga bodyguard ako sa paligid ay ayos na rin dahil hindi naman nila ako ginugulo. "Around 8 pm pero may curfew ka, hindi ba?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako at inabot ang iced coffee na binili namin sa coffee shop na nasa labas lang ng campus. Ang sarap niya kung tutuusin at mas dominant ang lasa ng gatas kaya gustong-gusto ko ito compare sa ibang coffee shop. Affordable rin kasi siya at talagang hindi ka magsisising bumili roon. Next time nga ay balak kong bumili ng brownies nila dahil natatakam ako kaso nga dahil may binibili na kaming food sa ibang shop ay hindi na namin magawang bumili. Oo nga, mayaman kami pero hindi ibig sabihin no'n ay gagastos na ako nang gagastos lalo pa at kung hindi ko naman mauubos lahat ng iyon. Sayang naman kung hindi ko makakain kaagad, hindi ba? Kaya imbis na bumili nang napakarami, next time na lang lalo na kapag hindi naman kami bibili sa ibang shop ng pagkain. May mga cravings kasi kami minsan lalo na kapag malapit na kaming magkaroon ng dalaw. "Yes. Pero okay lang naman kasi hindi naman ako papagalitan lalo na kapag nagpaalam naman. Mas gusto kasi nina Mommy at Daddy na nagpapaalam ako kaysa tumatakas," paliwanag ko sa kaniya. Matapos ang uwian, mabilis kong nahanap ang sasakyan ko saka ako mabilis pumasok roon pero pag-andar ko pa lang sa sasakyan ko ay nanlamig na ako at parang nanghihina. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero kahit ano ang gawin ko, hindi ko magawa. "Fiona," bulong ng isang boses. Nangunot ang aking noo dahil parang may narinig akong bumulong pero wala naman akong kasama sa loob ng sasakyan ko. Kaya impossibleng may magsalita. Sinubukan kong lumunok pero patuloy pa rin sa panunuyo ang aking lalamunan at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko rin maigalaw ang aking katawan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nakarinig naman ako nang malanding tawa at doon ako kinilabutan dahil parang boses ko iyon. Ang pinagkaiba lang ay parang may bahid ito ng kalandian. Ngunit kahit na ganoon ay hindi ko malaman kung saan ba nanggaling ang boses na iyon. Para kasi siyang nasa utak ko pero hindi ko masiguro kung bakit may mga bulong akong naririnig kahit na sinusubukan kong gisingin ang katawan ko. "Magpahinga ka muna, Fiona. Ako na muna ang bahala sa lahat." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kinain na ng dilim ang aking paningin. "Tasia, anak. Hindi ka pa ba gigising?" tanong ng isang boses. Unti-unti naman akong napamulat ng aking mga mata hanggang sa bumungad sa akin ang puting kisame ng aking kuwarto. Nangunot ang aking noo habang tinititigan ang kisame dahil ang naaalala ko ay nasa parking lot ako ng campus namin at nasa loob ako ng sasakyan ko pauwi. Ngunit bakit nandito na ako sa bahay? Wala akong natatandaang umuwi ako sa bahay. Nilingon ko ang pamilyar na pares ng mata at doon ko nakita ang aking ina na ngayon ay nagtataka sa akin. "Mom, paano ako nakauwi?" tanong ko sa kaniya. "Mag-isa mo lang. Ikaw pa nga raw ang nag-drive ng saksakyan mo sabi ng mga bodyguard mo kahit na nakainom ka," nalilitong paliwanag ni Mommy sa akin. Sinubukan kong alalahanin kung nagpunta ba ako ng bar kagaya ng napag-usapan namin ni Karina pero hindi talaga sumasagi sa isip ko ang mga ala-alang iyon. Kaya paanong sinasabi ni Mommy na umuwi ako nang nakainom? "Mom, wala akong naaalala. Ang huling naaalala ko lang ay nakatulog ako sa loob ng sasakyan ko," paliwanag ko sa kaniya habang hawak-hawak ko ang aking sintido. Pumintig kasi ito at pakiramdam ko ay parang naparami ang pag-inom ko ng alak na hindi ko man lang namamalayan pero kahit na ganoon, wala naman akong nararamdamang kakaiba sa sarili ko lalo na ngayon. Bukod sa hindi ko lang matandaan ang bagay na ginawa ko magmula nang mawalan ako ng malay sa aking sasakyan ay wala na. Kaya paanong nakauwi ako nang maayos dito kung nakatulog naman ako sa loob ng koste ko? "Iyan ang sinasabi ko sa iyo, Fiona. Kung hindi ka lang sana umiinom nang madami, hindi mo makakalimutan ang mga nangyayari. Mabuti na lang talaga at kasama mo iyong mga bodyguard mo," sermon sa akin ni Mommy. "Maghanda ka na dahil may pasok ka pa." Mabilis siyang lumabas ng aking kuwarto at naiwan akong tulala. Hindi ko pa rin kasi maintindihan kung bakit ako nawawalan ng ala-ala kahit na hindi naman ako nagkaroon ng aksidente noon. Idagdag na rin iyong may naririnig akong bumubulong sa akin. Ang malala pa ay boses ko iyon pero parang hindi ako dahil hindi naman ako ganoon magsalita. "Weird," bulong ko sa aking sarili. "Ano ang weird?" biglang singit ng isang boses muli. Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng aking kuwarto dahil baka may nagsasalitang hindi ko nakikita pero to my dismay, wala. Matagal na itong nangyayari sa akin pero minsan lang ito mangyari at hindi palagi. Kaya bkait biglang lumilitaw ang boses na iyon? Nagmumukha na akong baliw. Gusto kong sabihin ito kay Mommy pero maiintindihan niya ba ako? Baka sabihan niya lang akong baliw kahit na ang totoo ay hindi naman talaga ako baliw. May naririnig akong boses pero hindi ko matukoy kung saan iyon nanggagaling. "Bakit hindi ka magpakita? Sino ka ba kasi?" bulong ko muli sa aking sarili. Nagsimulang kumabog nang husto ang aking puso hanggang sa hindi ko namalayan na nanlalamig na naman ang aking katawan at hindi ko na naman maigalaw nang maayos. Sinubukan kong pumalag pero tanging tawa niya lang ang aking naririnig. "Fiona, hindi mo pa rin ba ako kilala?" tanong niya sa akin na mas lalong nagpakunot ng aking noo. "Isa lang naman ako sa katauhan mo. Sa madaling salita, ikaw at ako ay iisa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD