We decided to go home at naghahanda na kami ngayon ni Terrence. Halos lahat kami, uuwi na ng Manila. Ayaw ko pa sana dahil gusto kong manirahan dito pero kinakailangan kong lumuwas papunta roon dahil sa mga aayusin namin. Ikakasal na kasi kami ni Terrence dahil nalaman ko nga na buntis ako. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Gladys, hindi ko pa malalaman. Napag-usapan din namin ni Terrence na magho-home school na lang ako dahil hindi ako puwedeng lumuwas papunta ng United States at mag-aral dahil nga buntis ako. Bawal pa man din mapagod at ma-stress. Maselan kasi talaga akong mabuntis at iyon ang mahirap. Tumalim ang aking mga mata nang makita kong may buhat-buhat si Terrence na chichacorn. "So ako? Hindi mo bibigyan?" mataray na tanong ko sa kaniya nang makasakay siya sa chopper. Kaya

